Chapter 45: Together

1K 61 0
                                    

"Alam mo ba kung anong klaseng mahika itong bumabalot ngayon sa buong Oracle?" mahinang tanong ni Scarlette sa akin noong makita na namin ang kasalukuyang sitwasyon ng tahanan nito.

Maingat kong tiningnan ang paligid at pinakiramdaman nang mabuti ang enerhiyang nakapalibot sa amin ngayon.

"Who can cast this kind magic? So dark and evil," wika naman ng Head Seer na ngayon ay nasa tabi na rin namin.

"Kaunti lamang ang kayang gumamit ng itim na kapangyarihan sa buong Azinbar," ani Alessia na siyang ikinatigil ng lahat. Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko habang nasa dark magic barrier pa rin ang buong atensiyon ko. "Rupert, former Headmaster of Helienne's Knights Academy, was one of them. But he died during the war between Helienne and Northend. Wala na akong ibang maisip kung sino ang may kagagawan nito ngayon."

"Captain Mary can cast this kind of magic too, right?" rinig kong tanong ni Scarlette na siyang ikinabaling ko sa puwesto niya. "You can cast and dispel it. Ikaw lang ang may kakayahang ipagsawalang bisa ang itim na kapangyarihang ito."

Hindi ako kumibo at napatingin na lamang sa Tyrants. Moments later, I sighed. "I don't think I can do that, Scarlette."

"What? But... why?" tila naguguluhang tanong nito sa akin at napatingin na rin sa puwesto ng Tyrants. "Mali ba ang nasa isip ko? Hindi ba kayang gawin ito ni Captain Mary? Siya ang pinakamalakas sa atin ngayon na nandito sa Oracle! Wala ibang makakatulong sa atin kung hindi siya!"

"Scarlette, stop it," suway ng Head Seer sa kanya at binalingan na rin ako. "Kung hindi mo kayang maalis ang bisa ng dark magic barrier na ito, ano na ang gagawin natin ngayon? Alam kong batid ninyo ang epekto ng barrier na ito sa ating lahat. It will absorb the remaining magic we have in our body. Kapag hindi natin ito ma-dispel agad, mapapahamak tayong lahat."

The Head Seer is right. Totoong hinihigop ng barrier na ito ang mga kapangyarihan nang narito ngayon sa loob ng Oracle. I saw some Evraren Knights fell unto the ground earlier. Nanghihina na ang mga ito at kung wala lang ang healing spell ni Jaycee sa mga katawan nila, paniguradong hindi sila magtatagal sa mundong ito.

Kailangan naming gumawa nang paraan para ma-dispel ito bago pa maapektuhan ang mga katawan namin ngayon. Oo, malalakas kami pero kahit sino ay mayroon limitasyon pa rin.

"Captain," tawag pansin sa akin ni Owen na siyang ikinabaling ko naman sa kanya. "How about the twin flames of the Phoenix?"

"The blue and red flames," mahinang turan ko at mayamaya lang ay napabuntonghininga na lamang. "Gagana lang ito sa mismong caster ng spell. I can only burn the dark magic within the caster's body," dagdag ko pa at muling tiningnan ang barrier. Napakagat ako ng pang-ibabang labi at muling napahugot ng isang malalim na hininga. "Maybe I should try dispelling it."

"You can't do that, Captain," mabilis na pigil sa akin ni Alessia. "Hindi kakayanin ng katawan mo ang ganitong klaseng spell. Buong Oracle na ang nasa loob ng barrier na iyan! Bago mo pa tuluyang ma-dispel ang barrier na ito, susuko na ang katawan mo, Captain."

Damn it! We're cornered now! Wala na kaming ibang pagpipilian pa ngayon! We need to take some risk. At kung kinakailangang gamitin ko lahat ng kapangyarihang mayroon si Captain Mary ay gagawin ko!

"We need to find the caster of this spell." Natigilan kami noong magsalita si Atlas. Kanina pa ito tahimik at nakikinig lamang sa diskusiyon namin. Hindi ito sumasali kaya naman ay nakapagtatakang nagsalita ito at nakisali na rin. Napatingin ako sa puwesto niya at namataan ang dahan-dahang paglapit sa puwesto namin. "Paniguradong nasa labas ito ngayon ng barrier."

"At paano naman tayo makakalabas para hanapin ito, huh, Phoenix Knight?" tanong ni Alessia na siyang ikinailing ni Atlas. Mayamaya lang ay tinuro niya si Scarlette na siyang ikinagulat naman nito. Namataan ko ang kalituhan sa mukha ni Scarlette at noong magsalitang muli si Atlas, napatango na lamang ako. "She can pass through any magic walls. Hindi imposibleng hindi niya ito magagawa sa barrier na nakapalibot ngayon sa buong Oracle."

Realm of the WestWhere stories live. Discover now