Chapter 22: Doubt

1K 79 7
                                    

Wala sa sarili akong nakatingin lang sa kawalan.

Hindi mawala sa isipan ko ang mga salitang binitawan sa akin ni Everlee. Maghihiganti ang Head Seer dahil sa nangyari sa pamangkin niya. Nag-agaw buhay si Scarlette noon, oo, pero sapat na ba iyon na dahilan para ipahamak ang buong Oracle?

"At talagang naniwala ka sa mga sinabi ng babaeng iyon, Rhianna Dione?" mahinang tanong ko sa sarili at kinagat ang pang-ibabang labi. Sa dami ng atraso sa akin ni Everlee, ngayon pa talaga ako naapektuhan sa mga salita niya. Napailing na lamang ako at umayos nang pagkakatayo. "Pero... paano kung totoo ang mga iyon? Ano na ang gagawin ko?"

Wala ngayon si Eldred. Pagkatapos nang pag-uusap namin kanina ay bigla itong umalis. Hindi na ako nagkaroon pa nang pagkakataong magtanong sa kanya. Alam kong alam ni Eldred ang lahat nang nangyari noon kay Scarlette. Guardian siya nito kaya naman kung may dapat akong malaman, dapat ay siya na mismo ang magsasabi sa akin! Hindi naman siguro niya hahayaang mapahamak ulit ang katawan ni Scarlette habang gamit ko ito. Dahil sa isang maling desisyon ko sa realm na ito, buhay naman ni Scarlette ang mapapahamak.

Muli akong napailing at tahimik na binalingan ang gusali kung saan naroon ang opisina ng Head Seer ng Oracle. Pinaguradong naroon pa hanggang ngayon si Isobelle. At kung sinunod nito ang inutos ko kanina, natitiyak kong gumawa na sila nang hakbang para gawin ang mga plano ng Head Seer.

A war.

We will declare a war against the royal family of Evraren.

Napabuntonghininga akong muli.

Kakayanin ba ng mga Seer ang nalalapit na gulong ito? I sighed again.

Napapikit ako at pilit na inalala ang mga imaheng nakita noon bago pa ako napadpad dito sa Oracle. Nasusunog ang buong lugar na ito. Fire. Screaming. Crying. Iyon ang tumambad sa akin noon. And then... someone was screaming.

"Protect the Head Seer!"

Protect? Why? Kahit na isang Seer ito, still, she can fight. Hindi isang ordinaryong Seer ito. Paniguradong kaya nitong protektahan ang sarili. Unless kung masasaktan ito sa araw na iyon.

Napangiwi ako at mabilis na hinawi ang buhok sa may balikat. Muli akong napailing at mabilis na ikinilos ang mga paa.

Wala akong makukuhang sagot kung tatayo lang ako rito. Kung nais kong malinawagan sa mga nangyayari sa lugar na ito, kailangang makausap ko ang Head Seer ng Oracle. Oo, aware ako na may plano na siya pero wala akong ideya kung ano ito! Kailangan kong malaman kung ano ito para naman ay alam ko kung ano ang susunod na gagawin ko. Hindi ako maaring umasa na lamang sa tulong na ibibigay ng Tyrants at ng Phoenix Knights. Hindi sila taga-Evraren. Para sa kanila, may mas mahalaga pa kaysa sa lugar na ito! Damn it!

Dali-dali akong nagtungo sa opisina ng Head Seer. Malalaki ang mga hakbang ko at noong namataan ko si Isobelle na nasa labas at seryosong nakatingin sa pinto ng opisina ng tiyahin, napakunot ang noo ko.

"What are you doing here?" tanong ko noong tuluyan na akong nakalapit sa kanya. Mabilis namang bumaling sa akin si Isobelle at natigilan na lamang ako noong makita ang seryoso at madilim na ekspresyon nito sa mukha. "What happened? Nasaan ang Head Seer?"

"She's talking to her. Pinalabas ako ni Miss M kaya naman ay wala na akong nagawa pa," seryosong saad nito at muling tiningnan ang nakasarang pinto. "Sigurado akong gagawin niya ang lahat para pigilan ito."

"Si Miss Leigh ba ang nasa loob?" tanong ko kahit na may ideya na ako sa kung sino ang tinutukoy niyang kausap ngayon ng Head Seer. Mayamaya lang ay maingat na tumango si Isobelle sa akin. "Nalaman mo ba ang planong gagawin ng Head Seer sa sitwasyon natin? Dahil kung ikakabuti naman ito ng buong Oracle, natitiyak kong hindi kayang pigilan ito ng kahit sinong high rank Seer." Muling bumaling sa akin si Isobelle at namataan ko ang pagbabago ng ekspresyon nito. Umayos ako nang pagkakatayo at hindi inalis ang paningin sa kapatid. "Tell me, Isobelle, ano ang plano ng Head Seer?"

Realm of the WestOnde histórias criam vida. Descubra agora