Chapter 3: Seer

1.4K 104 27
                                    

Kanina pa ako hindi mapirmi sa kinahihigaan ko.

Muli kasing kumirot ang sugat na natamo ng katawan ni Scarlette kaya naman ay minabuti kong magpahinga na lang muna. Humiga ako at pilit na ipinahinga ang katawang kinalalagyan ngayon ngunit hindi ako mapanatag sa mga nalalaman ko.

"Help," mahinang bulalas ko at maingat na bumangon mula sa pagkakahiga. "I need to help them, the Seers. I need help and save them. Those precognition I saw, alam kong lahat ng iyon ay mangyayari sa hinaharap."

I saw how this place was burned. The Seers were screaming, crying and asking for someone's help. And now, I don't think I can ignore this one. If this is my mission, my only key to return to my own world, then, I need to help them. I need to do something to prevent those things to happen.

Maingat akong tumayo at nagdesisyong lumabas na ng silid ni Scarlette. Tahimik akong naglakad palabas ng silid at pinagmasdan ang pasilyong bumungad sa mga mata ko. Dahan-dahan ang bawat hakbang ko habang maingat na nakahawak sa tagiliran ko. Ramdam ko ang kirot mula sa sugat ngunit hindi ko na ito binigyan pansin pa. I can endure this. I can survive from this pain.

Huminto muna ako sa paglalakad at mariing napapikit. Humugot ako ng isang malalim na hininga at ikinalma ang sarili. Damn, Scarlette! Ano ba kasing ginawa mo sa katawan mo?

Naiiling akong napamulat ng mga mata at nagdesisyong maglakad nang muli. Tahimik akong nagpatuloy sa paglalakad sa tahimik ang pasilyong nilalakaran ngayon. Walang ibang tao akong nakikita o nakakasalubong man lang. Pinagsawalang bahala ko na lamang ito hanggang sa makarating ako sa isang palikong pasilyo. Pinakiramdaman ko muna ang paligid at napabuntong-hininga na lamang muli. Tahimik kong pinagmasdang muli ang pasilyo at napakagat na lamang ng pang-ibabang labi.

"Gaano ba kahaba ang pasilyong ito?" Naiiling na tanong ko noong hindi ko makita ang exit ng pasilyo. Muli akong humakbang at nagpatuloy na lamang sa paglalakad.

I was silently walking and trying my best to stand straight when I felt something weird behind me. Mabilis akong napatigil sa paghakbang at napatingin sa likuran ko. Hindi ako kumibo at napakunot na lamang ng noo. Wala akong nakita roon ngunit ramdam ko pa rin ang kakaibang pakiramdamang naramdaman ko kanina. Nanatili akong nakatayo nang ilang minuto at noong masigurong walang ibang tao sa pasilyong kinaroroonan, muli akong tumingin sa daang dinaraanan kanina.

"Fvck!" Bulalas ko dahil sa gulat.

Napaatras ako ngunit agad din namang natigilan dahil sa naramdamang sakit sa tagiliran. Damn it! Masyadong masama talaga ang tama ng katawang ito! This wound is already killing me! Kung hindi ito pagagalingin ng isang healer, natitiyak kong mas lalala ang kalagayan ng katawan ni Scarlette. At madadamay pa ako nito!

"Scarlette," natigilan ako noong magsalita ang lalaking biglang lumitaw sa harapan ko. Masama kong tiningnan ang lalaking nasa harapan ko at umayos nang pagkakatayo.

"You scared the hell out of me. Damn it!" Mahinang bulalas ko habang naiiling sa harapan nito. Kung hindi lang talaga masama ang kondisyon ng katawang ito, nasipa ko na itong lalaking nasa harapan ko! Bigla na lang itong sumusulpot nang hindi ko man lang napansin!

"You cursed," anito habang matamang nakitingin sa akin. Natigilan ako.

"Obviously," ani ko at inirapan ito. "Kung hindi mo ako ginulat, malamang ay hindi ako nagmura dito." Dagdag ko pa at muling inirapan ito.

"You looked lost. Saan ka pupunta?" Tanong nito habang hindi pa rin inaalis sa akin ang mapanuring mga mata nito.

"None of your business," mariing sambit ko at nagsimula nang humakbang muli. Nilagpasan ko ito at pinagpatuloy ang paglalakad sa kung saan.

Realm of the WestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon