Chapter 12: Tension

1.2K 100 8
                                    

Hindi maganda ang dulot ng dark spell dito sa Azinbar.

Noong nasa Northend pa ako at nasa katawan ni Captain Mary, alam ko kung gaano ka-delikado ang spell na ito. It's dangerous and it will definitely ruin its user. Kahit gaano ka pa kalakas kung matatalo ka mismo ng itim na kapangyarihan, masisira at masisira ka pa rin.

"Isobelle." Marahan akong naglakad papalapit sa kapatid ni Scarlette at tiningnan ang Tyrants na prenteng nakatayo 'di kalayuan sa puwesto nito. "Kanina pa ba nakarating dito sa Oracle ang mga Knights na iyan?"

"Halos kakarating lang ng mga Evraren Knights dito," sagot ni Isobelle sa akin at binalingan ako. "What's happening here, Scarlette? Hindi pa ba aalis ang mga Knight ng Northend? Baka magkagulo pa rito sa Oracle."

"Paalis na sila," tipid na sagot ko sa kanya at itinuon ang paningin sa Tyrants at Evraren Knights. Akmang kikilos na sana ako para lapitan sila noong mabilis akong pinigilan ni Isobelle. Hinawakan nito ang braso ko at matamang tiningnan ako.

"Huwag ka nang makisali sa kanila, Scarlette. You've done enough for today. Baka kung ano na ang isipin ng ibang Seer dito kung lalapitan mo pa sila. Let them be. Hayaan mong sila ang mag-usap sa kung anong pakay nila dito sa Oracle."

Wala sa sarili akong napakagat ng pang-ibabang labi ko at palihim na tiningnan ang paligid. Halos lahat ng Seer ng Oracle ay nasa kanila ang buong atensiyon. Tila naghihintay lang din ang mga ito sa mga susunod na mangyayari sa pagitan ng Tyrants at ng mga Knight ng realm na ito.

"Hindi ba dapat ay wala ang mga Seer dito?" tanong ko at kinunutan ng noo si Isobelle. "Hindi ba takot ang mga Seer sa ganitong tagpo? Bakit nasa labas kayo?"

"Pinalabas kami kanina," ani Isobelle na siyang lalong ikinakunot ng noo ko. "Dapat ay ipagpapatuloy na kanina ang mga klase dito sa Oracle ngunit-"

"Ngunit pinalabas kami ng iilang High rank Seers." Napalingon ako kay Enzo noong magsalita ito sa likuran namin. Dahan-dahan itong naglakad papalapit sa amin ni Isobelle at noong nasa tabi ko na ito, namataan ko ang paghugot nito ng isang malalim na hininga. "Mas lalong gugulo ang sitwasyon natin dahil sa pagdating ng mga Evraren Knight dito sa Oracle."

"Paalis na rin naman ang Tyrants, hindi ba?" tanong muli ni Isobelle sa akin na siyang marahang ikinatango ko.

"Evraren Knights. The enemies called them," mahinang turan ko at muling itinuon sa mga Knight ang buong atensiyon. "They wanted to see if the Tyrants are a threat or not to this place."

"Enemies... The one who will burn this place," halos bulong na wika ni Isobelle. "Anong gagawin natin ngayon, Scarlette?"

"Nakausap ko na ang Tyrants. They will help us," sagot ko at humugot ng isang hininga. "They will help me to finish this mission," dagdag ko pa at inalis na ang pagkakahawak ni Isobelle sa akin. "They already moved, Isobelle. It's time for us to do the same."

"What?" tila naguguluhang tanong nito sa akin.

"Don't worry about me. I can protect your sister's body. Walang masamang mangyayari sa katawang ito," mariing sambit ko dito at inihakbang muli ang mga paa. Narinig ko ang mariing pagtawag ni Isobelle sa akin ngunit hindi ko na ito binigyan pansin pa. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makalapit ako nang tuluyan sa Tyrants at sa limang Evraren Knights na nandito ngayon sa Oracle.

"Umalis na kayo sa realm na ito." Napataas ang isang kilay ko noong marinig iyon sa isa sa Evraren Knights. "Hindi kailangan ng Oracle ang presensiya niyo, Tyrants. Lisanin niyo na ang lugar na ito."

"Relax, Knight. Wala kaming masamang pakay sa lugar na ito o sa buong Evraren," ani Alessia at pasimpleng binalingan ako noong maramdaman nito ang presensiya ko. Tinanguhan ko ito at binalingan ang limang Knights na kaharap nila. Mayamaya lang ay bahagya akong natigilan sa puwesto ko noong mamataan ang bahagyang pagyukod nila sa akin. Napakunot ang noo ko sa inasal nila at muling inihakbang ang mga paa hanggang sa tuluyang nasa harapan na nila ako.

Realm of the WestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon