Chapter 29: Help

882 62 0
                                    

Kagaya nang napagkasunduan namin ng Tyrants, bumalik na ako sa Oracle. Hinatid lang nila ako sa may bukana ng gubat at nagpaalam na nababalik muna sila sa Northend para kausapin ang hari.

Wala na akong nagawa pa. Tahimik ko na lamang tinahak ang daan patungo sa gate kung saan ako lumabas kanina. Dere-deretso ang lakad ko hanggang sa tuluyan na akong makapasok doon.

"What happened?" Hindi na ako nagulat pa noong mamataan ko si Isobelle at Enzo 'di kalayuan sa may trangkahan. Mabilis na lumapit sa akin ang kapatid at tiningnan ang kabuuan ko. "Ayos ka lang ba? Bakit ganyan ang suot mo? Nagkagulo raw sa palasyo kanina. Sinaktan ka ba nila?" Sunod-sunod na tanong nito sa akin at hinawakan ang kamaya ko.

"I'm fine," simpleng sagot ko at binalingan ang tahimik na si Enzo. "Maayos na ba ang lagay ng Head Seer?" tanong ko at muling binalingan ang kapatid. "Nakausap ko na ang ama ninyo ni Scarlette. Hindi siya ang dahilan nang kaguluhan sa palasyo ng hari."

Namataan kong natigilan ang kapatid sa tinuran. Kumunot ang noo nito at umayos nang pagkakatayo. "Kung hindi siya, sino naman ang magtatangkang sumugod sa lugar na iyon?" mahinang tanong ni Isobelle na siyang matamang ikinatitig ko sa kanya.

"I need to see and talk to the Head Seer first, Isobelle. Sumama ka na rin kayong dalawa kung nais niyong malaman ang tungkol sa nangyari sa palasyo ng hari," saad ko at nagsimula nang maglakad muli. Tinawag ako ni Isobelle ngunit hindi ko na ito binigyan pansin pa. Dere-deretso akong naglakad hanggang sa marating ko ang gusali kung saan naroon ang opisina at chamber ng Head Seer ng Oracle.

Napakunot ang noo ko sa naabutan sa labas pa lang ng gusali. Tumigil ako sa paglalakad at pinagmasdan ang iilang kawal na nagbabantay sa main entrance nito.

"What the hell is this?" mariing tanong ko habang nasa mga kawal pa rin ang buong atensiyon. "Kagagawan ba ito ni Miss Leigh?" dagdag na tanong ko at binalingan ang dalawang kanina pa nakasunod sa akin.

"Dahil sa nangyaring kaguluhan sa palasyo, naging mas maingat na ngayon ang mga high rank Seers. To protect everyone, they need to do this. Mukhang nasa labas pa rin naman ng Oracle ang iilang Northend Knight kaya naman nag-focus sila sa seguridad natin dito sa loob," lintaya ni Isobelle na siyang mabilis na ikinabaling ko sa paligid.

Napabuntonghininga na lamang ako noong mapansin ang nagkalat na mga Evraren Knight sa buong Oracle. Halos wala rin akong makitang Seer sa oval field kung saan madalas magtipon-tipon ang mga ito kaya naman ay napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi.

"Tahanan pa ba ito ng mga Seer o isa ng kulungan?" mariing tanong ko at tiningnan muli si Isobelle. "Bakit mo hinayaang mangyari ito? Wala pa rin bang malay ang Head Seer hanggang ngayon? Dapat ay wala ng bisa pa ang kung anong spell na ginamit ni Miss Leigh sa kanya!"

"Utos ito ni Miss Leigh kaya naman ay talagang walang magagawa si Isobelle sa bagay na ito," ani Enzo na siyang ikinatingin ko sa kinatatayuan niya. "Hindi mo kagaya si Isobelle. Hindi nito kayang sumuway sa utos ng mga nakakataas na Seer. She can't do anything against them."

"Enzo, tama na," suway ni Isobelle sa kaibigan.

"No, Isobelle," mariing wika ni Enzo at matamang tiningnan ako. "Hindi ka na dapat sumusunod sa babaeng ito."

"Enzo!" bulalas ni Isobelle at hinawakan ang braso nito. "Tama na. Please."

"Let him be," wika ko na siyang halos sabay na ikinabaling ng dalawa sa akin. "Keep talking, Enzo. Sabihin mo lahat nang nais mong sabihin sa akin. I'm listening."

"Scarlette-"

"She's not Scarlette, Isobelle," malamig na turan ni Enzo na siyang mabilis na ikinailing naman ng kapatid. "Hindi mo kapatid ang babaeng nasa harapan natin ngayon!"

Realm of the WestWhere stories live. Discover now