Chapter 26: Hurt

981 72 9
                                    

Napamura na lamang ako sa isipan noong mabilis na nagkagulo ang mga bisitang dumalo sa pagtitipon. Sigawan ang namayani sa buong bulwagan at dahil nga pinatay nila ang ilaw, wala akong maaninag sa kung anong nangyayari ngayon!

Wala na sila Alessia at Owen sa tabi ko. Paniguradong kagaya nang tinuran nila kanina sa akin, tutulungan muna nilang makaalis nang ligtas ang hari ng Evraren mula rito. And after that, tutulong na ito sa ibang royal knights para mapigilan ang mga rebeldeng narito ngayon sa bulwagan.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Kinuha ko ang patalim na nakatago sa suot kong pantalon at mabilis na sinira ang gown na suot. Pinunit ko ito, sakto lang na makakagalaw ako nang maayos habang nakikipaglaban. At noong makontento na ako sa haba ng suot na gown, mabilis kong inihakbang ang mga paa. Ngunit bago pa man ako tuluyang makalayo sa kinatatayuan ko, muling umilaw ang buong bulwagan at natigilan na lamang noong mamataan ang mga nakamaskarang mga rebelde ng realm na ito.

Napalunok ako at palihim na binilang kung ilan silang lahat na narito ngayon sa bulwagan. Aabot sa sampu ang narito at natitiyak kong may iba pa silang kasama sa ibang parte ng palasyo! Damn, we're trap in here!

Wala sa sarili akong napatingin sa entablado at napabuntonghininga na lamang noong mamataang wala na roon ang hari. Mukhang nailabas na ito nila Alessia at pinabalik sa chamber niya.

"Walang kikilos sa inyo!" sigaw ng isang lalaki at itinaas ang isang kamay. Kusang napaawang naman ang mga labi ko noong makita ang kung anong hawak-hawak nito ngayon. "Huwag niyong tangkaing pang tumakas!" pahabol nito at itinutok sa itaas ang hawak-hawak. Segundo lang ay napapitlag ako noong paputukin nito ang hawak-hawak na baril.

Yes! Baril ang hawak nito! Baril na dapat ay walang ganitong klaseng sandata sa mundong ito! Damn it! Saan nanggaling ito?

Hindi ako nakakilos agad sa kinatatayuan ko. Mabilis namang nagsiyukuan ang mga panauhin na nasa bulwagan at walang ingay na pumirmi sa puwesto nila.

Kung ikukumpara sa mga taga-Northend, hindi masyadong magaling ang mga taga-Evraren sa combat fighting. Umaasa lang ang mga ito sa mga Knight nila kaya naman kapag may ganitong senaryo, paniguradong wala silang magagawa kung hindi ang sumunod sa mga lalaking ito. Maliban sa mga Seer, walang ibang espesyal na kayang gawin ang mga naninirahan sa realm na ito.

Tahimik akong napangiwi at dahan-dahan naupo na lamang. Namataan ko ang pagbaling sa gawi ko ng lalaking may hawak na baril kaya naman ay mabilis akong napayuko. Pigil hininga kong kinagat ang pang-ibabang labi at napamura na lamang sa isipan noong maramdaman kong naglakad papalapit ang lalaki sa puwesto ko.

"You," anito na siyang nagpatingala sa akin. Tiningnan ko ito at natuon ang paningin ko sa tattoo nito sa leeg. "Isa kang Seer, hindi ba?" What? Paano niya nalaman iyon? Damn it. "Ang pulang buhok mo na iyan. Isa ka sa anak ng dating Head Seer ng Oracle," dagdag pa nito at nagulat na lamang ako noong hinawakan niyo ang braso ko at pilit na pinatayong muli. Damn!

Hindi na ako nagpumiglas pa at nagpahila na lamang sa lalaki. Mabilis kong tiningnan ang mga kasama sa bulwagan at noong wala akong makitang kahit isang royal knight, napamura na lamang muli ako sa isipan.

They closed the fvcking doors! Lahat ng pinto rito sa grand hall ay nakasarado na at may kanya-kanyang bantay na kasamahan ng mga rebeldeng ito!

"Umayos ka nang pagkakatayo," mariing utos ng lalaki sa akin at itinutok sa ulo ko ang hawak na baril. Sa ginawa nito ay mabilis na nagsigawan ang mga bisitang nasa bulwagan. Napapikit naman ako at dinama na lamang ang lakas nang kabog ng dibdib ko. Calm down, Rhianna Dione. Hindi ka mamamatay sa lugar na ito. Masasaktan ka pero natitiyak kong hindi ka mamamatay. Hindi pa tapos ang misyon ko kaya naman ay alam kong hindi basta-basta akong makakaalis sa katawan ito!

Realm of the WestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon