Chapter 17: Favor

999 81 11
                                    

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nakatitig lang ako sa ama ni Scarlette habang unti-unting nababalot ng lason ang buong katawan nito.

"Stop," mahinang wika ko at inangat ang kanang kamay. Inilapat ko ito sa sugat ng ama at mariing kinagat ang pang-ibabang labi. "Stop it! You're killing him!" Malakas na sigaw ko at mabils na hinarap ang babae. "Tama na!"

"You can't help him, Seer. He's dying. Just give up already," ani Viper at nagkibit-balikat sa harapan ko. Humugot ako ng isang malalim na hininga at mabilis na inihakbang ang mga paa. Hindi kumilos sa kinatatayuan nito si Viper. Nakatitig lang ito sa akin hanggang sa tuluyang nasa harapan na niya ako.

"Remove the poison, witch," mariing sambit ko habang masamang nakatingin sa kanya. "Remove it before I hurt you."

"Don't make me laugh. You're just a Seer. You can't hurt me," malamig na wika nito na siyang mas lalong ikinagalit ko sa kaharap. "Wala kang kakayahang saktan ang isang kagaya ko."

"I'm not just a Seer, witch. And I can definitely hurt someone like you," mariing saad ko at humakbang pa ng isang beses palapit sa kanya. "This is my last warning, witch. Remove the poison."

"No-"

Hindi ko na pinatapos pa ang dapat na sasabihin nito sa akin. Mabilis kong inilapat ang kanang kamay sa leeg nito at mariing hinawakan siya. Kita kong bahagyang nagulat si Viper sa ginawa ko. Segundo lang ay nakabawi na ito mula sa pagkakagulat at mabilis na hinawakan ang kamay ko na nakasakal sa leeg niya.

"You. Can't. Save. Him," mariing turan nito sa bawat salitang binitawan at humigpit ang pagkakahawak sa kamay ko. "Mamamatay din ito katulad ng iyong ina, Seer. You can't save him."

"You're wrong, witch," seryosong turan ko at mas hinigpitan ang pagkakasakal sa kanya. "I can save him, my father, and the rest of the Seer from Oracle!" bulalas ko pa at hinawakan naman ang kamay nitong nakahawak sa akin. Mabilis kong inalis ang kamay nito at buong lakas na itinulak siya. Agad naman itong napaatras habang nasa leeg pa rin niya ang isang kamay ko. Umabante pa ako at nagpatuloy namana sa pag-atras si Viper at noong lumapat ang likuran nito sa isa sa mga punong nakapalibot sa amin, natigil ako at mas diniin ang pagkakasakal sa leeg niya.

Mayamaya lang ay bigla akong natigilan noong may nakita akong mga imahe sa isipan. What is this? Bakit ngayon pa talaga? Damn it!

Hindi ako kumibo sa kinatatayuan at noong mamataan ang mga pamilyar na mukha sa mga imaheng nasa isipan, bahagya akong napanatag. Napangisi na lamang ako at matamang tiningnan si Viper.

"You're going to regret messing with me, Seer," wika ni Viper na siyang lalong nagpangisi sa akin.

"No, Viper. You're the one who will regret messing with me and my father," turan ko at binitawan na ito. Hindi nagsalita si Viper sa puwesto nito at tiningnan lang ako. Umatras ako ng isang beses mula sa kanya at noong makaramdaman ako ng mga presensiya sa likuran ko, namataan ko ang pagbabago nang ekspresyon sa mukha ni Viper.

"Are you okay, Scarlette?" rinig kong tanong ng bagong dating sa akin. "Anong nangyayari at bakit nasa labas ka ng Oracle?" pahabol pa na tanong ni Alessia sa akin na siyang ikinabaling ko na sa puwesto niya.

They're here! Just like the one I saw earlier! Sila ang nakita ko sa precognition ko!

"Lumabas lang ako saglit sa Oracle," simpleng sagot ko at napatingin kay Jaycee noong mabilis nitong dinaluhan ang ama ni Scarlette na ngayon ay halos mawalan na nang malay dahil sa lasong nasa katawan. "Please help him, Jaycee."

"What happened to him?" tanong nito sa akin at inilapat na ang kamay sa sugat ng ama. Segundo lang ay umilaw na ang kamay nito ay nagsimula na sa paggamit ng healing magic niya. "This is a high level of a poison magic. Sino ang may gawa nito sa kanya?" tanong muli ni Jaycee na siyang ikinakuyom ng kamao ko. Muli kong tiningnan si Viper at noong mamataan ko ang halos walang emosyong ekspresyon nito, napabuntonghininga na lamang ako.

Realm of the WestWhere stories live. Discover now