Chapter 9: Help

1.1K 112 20
                                    

"It's a red-haired Seer. Red as scarlet, Head Seer Matilda. Iyon ang tanging mayroon kami tungkol sa Seer na hinahanap namin."

Natigilan ako sa pagkilos noong marinig iyon.

Red-haired Seer. Red as scarlet.

That's me!

Mariin kong ikinuyom ang mga kamao ko at umayos nang pagkakatayo. Nasa likod na nila ako ngayon kaya naman ay alam kong ramdam na nila ang presensiya ko. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago magsalita.

"Anong kailangan niyo sa akin, Tyrants?" tanong ko at halos sabay na bumaling sa gawi ko ang tatlo.

Jaycee. Owen. Alessia. The Northend elite Knights, the Tyrants! Oh my God! I can't believe this! Nandito nga sila!

"Scarlette, stop it," rinig kong sambit ni Isobelle sa likuran ko at mabilis na hinawakan ang kanang braso ko. "Nag-uusap pa sila. Huwag ka nang makisali pa dito."

Umiling ako kay Isobelle at binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Mataman kong tiningnan ang tatlong nakamasid lamang sa akin.

"Ang kailangan ng Tyrants sa isang Seer na katulad ko?" muling tanong ko sa kanila.

"Scarlette, that's enough," suway sa akin ng Head Seer na siyang ikinapilig ko ng ulo. Mabilis ko itong tiningnan at napangiwi na lamang noong makita ang mapanganib na titig nito sa akin.

"Everyone is scared right now, Head Seer. Kung ako ang kailangan nila, maari namin itong pag-usapan sa labas ng Oracle," matamang sambit ko na siyang lalong ikinasama nang tingin nito sa akin. "Hindi niyo naman siguro ako sasaktan, hindi ba? Mukhang may kailangan kayo sa akin kaya naman ay kayo mismo ang pumunta dito kahit na kaya naman itong gawin ng kahit sinong Northend Knight."

"Scarlette!" sigaw ni Isobelle at muling hinawakan ako. "What are you doing?"

"You heard me, Isobelle. Kakausapin ko sila sa labas ng Oracle," marahang sagot ko dito.

"No! Hindi ka lalabas dito sa Oracle!"

"Scarlette, Isobelle, stop it you two," malamig na turan ng Head Seer na siyang ikinabaling ko sa gawi nito. "Tyrants, sa opisina tayo. Sumama ka na rin sa amin, Scarlette."

"Head Seer-"

"Pumunta na kayo sa building 3, Enzo, Isobelle. Kami na ang bahala sa mga panauhin natin," dagdag pa nito na siyang ikinatigil ni Isobelle sa tabi ko. Binalingan ko ito kaya naman ay marahan kong inalis ang kamay nito sa akin.

"Don't worry. Walang mangyayaring masama sa kapatid mo," mahinang wika ko at tinanguhan ito. "Enzo, ikaw na ang bahala kay Isobelle."

Hindi na nagsalita si Enzo at mabilis na nilapitan kami. Agad niyang hinila si Isobelle palayo sa akin at nagsimula nang maglakad pabalik sa daang tinahak namin kanina.

Muli kong itinuon ang atensiyon sa Tyrants at hindi nagpatinig sa mapagmatiyag na mga titig nito. Tumalikod na ang Head Seer sa amin at nagsimula nang maglakad papasok sa gusali kung saan naroon ang opisina nito.

Gusto kong batiin ang tatlong miyembro ng Tyrants ngunit pinigilan ko ang sariling gawin iyon. Tumango na lamang ako sa kanila at nagsimula nang maglakad. Nilagpasan ko ang mga ito at sinundan na ang Head Seer.

Bago ko sabihin sa kanila ang totoong katauhan ko, nais kong malaman muna ang dahilan kung bakit nila hinahanap at kailangan si Scarlette. Totoo ang tinuran nila kanina na may mga Seer sa Northend kaya naman isang palaisipan sa akin ang dahilan nila sa pagpunta dito sa Oracle. Oo nga't natuwa ako sa presensiya nila pero alam kong hindi basta-bastang kikilos ang Tyrants kung hindi talaga kailangan. At isa pa, kayang gawin ni Captain Mary ang kakayahan ng kahit anong rank ng isang Seer. Hindi na nila kailangan ang presensya ni Scarlette kung kaya naman iyon gawin ng Captain nila.

Realm of the WestWhere stories live. Discover now