Chapter 19: Betray

1K 94 8
                                    

Masama kong tiningnan ang daang tinahak ng dalawa at nagsimula nang ihakbang muli ang mga paa. Noong nasa tapat na ako ng pinto ng silid, napabutonghininga na lamang ako at noong binuksan ko ito, napaarko ang kilay ko noong mamataang may nakahiga sa kama ko.

What the hell?

"What are you doing here?" takang tanong ko noong makitang si Isobelle iyon. Mabilis namang bumangon mula sa pagkakahiga ang kapatid at masamang tiningnan ako.

"I'm covering you and your crazy plan!" bulalas ni Isobelle sa akin habang masamang nakatingin pa rin sa akin. "Bakit ngayon ka lang bumalik? Kanina pa ako halos mabaliw sa pag-aalala sa'yo!"

Napangiwi ako sa lakas ng boses nito at napailing na lamang. "May nangyari lang sa gubat," sagot ko at mabilis na inalis ang suot na jacket sa katawan. "Kanina ka pa ba rito sa silid ko?"

"Simula noong pinag-uusapan ka ng ibang Seer dito sa Oracle." Umiling ito sa akin at tumayo na. "Ano? May napala ka ba sa paglabas sa Oracle? May nakita kang maaaring makatulong sa atin sa gubat?"

"I've gathered enough information about our enemies," simpleng sagot ko at naupo sa gilid ng kama ko. "Pero wala roon ang impormasyong makakatulong sa atin para pigilan ang pagkasunog ng buong Oracle."

"What?" bulalas ni si Isobelle at napatampal na lamang sa noo. "Paano na ito?"

"Don't worry. Nakabalik na ang Tyrants dito sa Evraren. Kasama nila ang hari nila at dadalo ang mga ito sa pagtitipon sa palasyo. Kakausapin ko silang muli tungkol sa napagkasunduan namin noon."

"Tyrants... Scarlette, sigurado ka ba talagang tutulungan tayo ng mga Northend Knights? Come on, this is our home. Paniguradong hindi sila makikialam sa problema ng mga Seer."

"They need me. They need Scarlette. Tutulungan nila tayo, Isobelle," matamang sambit ko na siyang ikinabuntonghininga na lamang ito. "Kilala ko na kung sino ang mga kalaban natin dito sa loob at labas ng Oracle. Now all we need is to plan ahead of them. We need to do something before they plan to hurt the current Head Seer."

"Plan to what? Totoo ba iyang mga pinagsasabi mo? Scarlette, walang maglalakas loob na saktan ang Head Seer ng Oracle. Protektado ito ng hari ng Evraren!"

Hindi ko na sinagot pa si Isobelle. Tumayo ako sa kinauupuan at naglakad patungo sa bintana ng silid. Hinawi ko ang kurtinang naroon at tiningnan ang tahimik at payapang Oracle.

Protektado ng hari ang Head Seer ng Oracle? No. That was a lie. Dahil kung talagang protektado nito ang isang Seer mula sa Oracle, hinding-hindi mamamatay ang ina nila Scarlette at Isobelle. Hindi ito mapapahamak habang nasa palasyo ng hari.

The enemies. They're both inside the palace and here in Oracle. Kung hindi kami mag-iingat, matutulad kami sa kinahinatnan ng dating Head Seer. Kung hindi kami kikilos ngayon, tuluyang masisira na ang lugar na ito.

It's now or never.

"This peaceful place is going to be the battleground. We need to prepare ourselves for the worst, Isobelle. Kung nais nating mailigtas ang lahat ng Seer na naninirahan dito, kailangan na nating kumilos. Tayo na lamang ang hinihintay nila. Once we give him our signal, the war will begin."

"War... Scarlette, we can't do that. We can't declare something like that! Kaya ba talaga nating makipaglaban? No. We're just a Seer from Oracle! Hindi kasama sa trabaho natin ang makipagpatayan!"

Napatingin ako kay Isobelle at napailing na lamang.

"Hindi lang kayo basta-bastang Seer ng realm na ito, Isobelle. Your ancestors were the first ruler of this realm," wika ko na siyang ikinatigil ni Isobelle sa puwesto niya. "Iyon ang nalaman ko noong lumabas ako rito sa Oracle. And Scarlette, your sister, knew this all along. She gathered enough information to save this place, to save the Seers from the enemies!"

Realm of the WestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon