Chapter 1: Scarlette

1.9K 121 17
                                    

Walang emosyon kong pinagmamasdan ang babaeng nasa harapan ko.

Kaming dalawa na lamang ang magkaharap ngayon dahil pinaalis na nito ang grupo ng mga babaeng nais saktan ako kanina. Hinawi ko ang buhok ko at nag-iwas nang tingin dito.

Wala akong panahon para makipagtitigan sa kanya. I need to know why I'm here again! At kung paano ako napunta muli dito ay wala ako ni isang ideya man lang! Imposible namang dumaan ako sa dimension nang hindi ko man lang nalalaman, hindi ba? And besides, wala akong kakayahang gawin iyon! That's Treyton Duke and King Louis IV's ability, not mine!

"I told you to take some rest, Scarlette. Bakit ka lumabas sa silid mo?"

Natigilan ako noong magsalita ang babaeng nasa harapan ko. Muli ko itong binalingan at matamang pinagmasdan lang.

"Alam kong nais mong makita ang mga magulang mo ngunit hindi pa lubos magaling ang mga sugat mo. You need to rest para makabawi ng sapat na lakas ang katawan mo." Wika muli nito at humakbang ng isang beses papalapit sa akin.

"Stop," mabilis na turan ko at humakbang ng isang beses paatras sa kanya. 

"Scarlette..."

"Stop calling me by that name. I'm not her," turan ko na siyang ikinatigil nito.

"Ano bang pinagsasabi mo? Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong nito sa akin at noong akmang hahakbang na naman ito palapit sa akin, isang babae ang biglang dumating. Humahangos ito at mabilis na hinawakan ako sa braso.

"Pasensiya na po, Miss M! Hindi ko po nabantayan nang maayos ang kapatid ko." Wika nito na siyang ikinatigil ko. Kapatid? May kapatid ang nagmamay-ari ng katawang ito? Okay. This is not good.

"Isobelle." Wika ng babaeng tinawag na Miss M nang bagong dating. Pero, hindi ba tinawag din nila itong Head Seer kanina? Iyong mga babae kanina, they called her the Head Seer. Right? 

"Is your sister really okay?" Tanong muli ng babae at matamang tiningnan ako.

"Of course, Miss M! Kulang lang talaga ito sa pahinga!" Turan ni Isobelle at binalingan ako. "Hindi ba, Scarlette? Maayos na naman ang pakiramdam mo? Hindi ba?"

"Well, I'm... I'm good," wika ko at marahang inalis ang pagkakahawak nito sa braso ko. Hilaw na ngumiti si Isobelle sa akin at tuluyang nabitawan ang braso ko. "Where are we, by the way? Anong lugar ito?"

"Scarlette!" Mabilis na pigil ni Isobelle sa akin at natatawang binalingan ang Head Seer. "Mauna na po kami, Miss M. Babalik na kami sa kuwarto po namin." Anito at hinawakang muli ako sa braso. Mabilis niya akong hinila palayo sa Head Seer.

Hindi ako umimik at pinagmasdan lamang ang Head Seer. She looked confuse and lost while looking at us. Namataan ko ang pagbuntong-hininga nito at kumilos na rin sa kinatatayuan niya. Tinalikuran niya kami at naglakad patungo sa kung saan.

Hindi pa kami tuluyang nakakalayo nitong si Isobelle mula sa pinanggalingan namin noong mabilis kong binawi ang braso mula sa kanya. Tumigil ako sa paglalakad at minasahe ang brasong tila nagkapasa dahil sa hawak nito kanina.  Ramdam ko ang gulat nito kaya naman ay natigil na din ito sa paglalakad.

"What's your deal, Scarlette? Kumuha lang ako nang pagkain mo tapos noong bumalik ako sa silid mo, wala ka na! Akala ko ba masakit ang katawan mo?" Anito at namewang sa harapan ko.

"Look, I'm not her. I'm not the girl named Scarlette." Panimula ko at humugot nang isang malalim na hininga. "Well, yes, technically, this body belongs to her but I'm definitely a different person."

"Okay, that's enough. Bumalik na tayo sa silid mo." Turan nito at muling hinawakan ang braso ko. "Kailangan mong magpahinga muli para matigilan ka na sa pinagsasabi mo!"

Realm of the WestWhere stories live. Discover now