Chapter 39: Sister

907 61 5
                                    

Noong napunta ako sa katawan ni Scarlette, ang kapatid nito ang unang nakaalam tungkol sa kalagayan ko. Alam niyang hindi ako ang kapatid niya at kung siya talaga ang totoong may planong masama sa Head Seer ng Oracle, para saan ang mga pinakita nitong kabutihan sa akin? She was scared, almost helpless. Wala itong kakayahang lumaban. Wala itong sapat na kapangyarihan para gawin ang lahat ng ito mag-isa.

And Enzo was always with her. Kahit noon pa man. Paano niya nagawang ilihim itong lahat? Dating royal knight si Enzo kaya naman imposibleng hinayaan na lamang nito is Isobelle sa lahat ng mga plano niya.

"Yana, this way." Natigilan ako noong marinig ang boses ni Treyton. Napabaling ako sa puwesto niya at wala sa sariling napatingin muli sa daang tinatahak. It was a dead end. Damn, I'm spacing out! "Are you okay? Come on. Baka hindi na natin maabutan ang kapatid ni Scarlette sa silid niya." Napatango na lamang ako sa asawa at mabilis na ikinilos ang mga paa. Muli kaming tumakbo at noong namataan ko na ang nakasarang pinto ng silid ng kapatid, agad kaming natigilan ni Treyton. Bumukas ang pinto ng silid at lumabas mula roon si Isobelle. Nagmamadali ito at noong bumaling ito sa kinatatayuan namin ng asawa, mabilis na nanlaki ang mga mata nito.

"Scarlette!" bulalas nito noong makabawi siya sa pagkagulat. Mabilis itong lumapit sa akin at tiningnan ang kabuuan ko. "Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?" Hindi ko sinagot ang mga tanong niya kaya naman ay namaatan ko ang pagkunot ng noo niya. Mayamaya lang ay bumaling ito kay Treyton at noong napansin niya marahil na isa ito sa miyembro ng Triad, mabilis itong lumayo sa amin. "What is this? Bakit kasama mo ang Triad na ito?"

"Isobelle-"

"Are you betraying us now, Scarlette? Ikaw ba nagdala sa mga rebeldeng ito sa Oracle?" paratang niya na siyang mabilis na ikinailing ko. Nanatili naman ang masamang titig ni Isobelle kay Treyton kaya naman ay mabilis kong kinuha ang atensiyon nito.

"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan sa'yo, Isobelle? Bakit mo ginawa iyon?" tanong ko na siyang ikinabaling muli nito sa akin.

"Ginawa? A... anong ginawa ko?"

"Treyton saw you, Isobelle. Nakita ka niyang nakipag-deal sa lider ng Triad," seryosong saad ko na siyang ikinaawang ng labi nito. "Bakit ang Head Seer? Kapatid siya ng namayapang ina ninyo ni Scarlette. She really cared for you and your sister. Bakit... bakit mo nagawa iyon sa kanya?"

"Scarlette-"

"Rhianna Dione," singit ni Treyton na siyang ikinatigil ni Isobelle sa pagsasalita. "That's my wife's name."

"Trey, stop," pigil ko naman dito kaya naman ay hindi na nito dinugtungan pa ang dapat na sasabihin kay Isobelle. Muli kong itinuon ang atensiyon sa kapatid ni Scarlette at humakbang ng isang beses palapit dito. "Where's the cure? Kailangan na ito ngayon ng Head Seer."

"What cure? Wala akong alam sa pinagsasabi mo, Rhianna Dione."

"Stop the act, Isobelle. Alam ko na ang lahat. Si Scarlette mismo ang nagsabi sa akin ng mga ginawa mo. Stop lying to me. Where's the cure?" Hindi ko inalis ang paningin kay Isobelle. Pinagmasdan ko lang ang ekspresiyon sa mukha at noong mamataan ko ang pag-iling at pagngisi niya, napaarko ang isang kilay ko. Mayamaya lang ay kumilos ito sa kinatatayuan niya at mabilis na ikinumpas ang kamay sa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya at bago pa man ako makakilos, naramdaman ko na ang paghawak ni Treyton sa braso ko at mabilis na hinila palapit sa kanya.

Damn it! That was close!

"She practiced dark magic too," mahinang turan ni Treyton habang na kay Isobelle na rin ang buong atensiyon. Napatango na lamang ako sa tinuran ng asawa at tiningnan ang kamay ni Isobelle na ngayon ay nababalot na ng itim na kapangyarihan. "This is bad, Yana. We both don't use dark magic. We can't fight against her."

Realm of the WestWhere stories live. Discover now