Chapter 20

623 17 0
                                    

Chapter 20


INABOT ni Elisse ang kanang kamay ni Cameron na tila hindi mapakali, habang nananahimik ito sa kanyang tabi. Hindi man ito magsalita ay alam niyang kinakabahan ito ngayon.

Napalingon ito sa kanya. Nginitian niya lang ito, dahilan para kahit papaano ay kumalma naman ang pakiramdam nito.

Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto sa harap nilang dalawa. Mula roon ay lumabas ang isang may edad ng lalaki. Sa unang tingin pa lang ay hindi na maipagkakaila na ama ito ng binata, nang dahil sa pagkakahawig ng dalawa.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita niya ang nakatatandang Castañeda. Kahit noong magkarelasyon pa lang kasi sila ni Gavin ay hindi naman nito naipakilala sa kanya ang ama.

Habang si Cameron naman ay hindi pumayag na gamitin ang apelyido ng ama. Kaya naman ay dala-dala nito sa pangalan ang apelyido ng ina nito na Cervantes. Kailan lang din niya nalaman na Myrnna Cervantes pala ang tunay na pangalan ng ina nito at iniidolo rin niyang manunulat.

Umupo ang matanda sa harap nila. Kasalukuyan silang nasa mansyon nito ngayon, dahil ipinatawag si Cameron ng ama. Pero nang dahil sa pagkakasangkot niya sa insidente ilang araw na ang nakararaan ay pinasama na rin siya nito.

Malalim itong humugot ng hininga, na para bang mayroon itong dinadalang mabigat sa dibdib nito.

“I’m sorry. Alam kong malaki rin ang naging kasalanan ko sa nangyari. Hangga’t maaari ay ayoko ng lumala pa ang sitwasyon mo noon kaya hindi ko na ipinaalam pa sa ‘yo ang naging buong kaganapan sa aksidenteng ‘yon.” Napailing ito.

“Pero hindi ko man lang namalayan na habang pinoprotektahan kita ay si Gavin naman ang naligaw ng landas.”

Humigpit ang naging pagkakahawak ni Cameron sa kamay niya.

“Mas maigi po sana kung sinabi n’yo na sa ‘kin ang lahat noon pa lang. Alam ko pong magiging mas mahirap. Pero mas magiging maayos sana kung isang bagsakan kong natanggap ang sakit,” aniya ng binata sa mababang boses.

Napatango naman ang ama nito, bago lumingon sa kanya.

“Gusto ko ring humingi ng pasensya sa ‘yo, dahil nadamay ka pa sa komplikasyon na inihatid ko sa pamilya namin, hija.” Mabilis siya nitong pinasadahan ng tingin.

“Kumusta ka na?”

Tipid niya itong nginitian.

“Ayos lang po ako. Kagagaling lang din po namin ng hospital at ayos na rin naman po ang lahat.”

It’s been five days since that incident happened. Kung hindi siguro sumunod ang kaibigan ni Cameron na si Andrei sa loob ay wala silang ideya sa kung ano ba ang posibleng nangyari.

Andrei manage to shoot the gun that Gavin is holding. Nang dahil sa gulat ay nagawa nitong bitiwan ang baril na hawak, dahilan para magkaroon ng pagkakataon si Andrei na atakihin ito upang hindi na makagalaw pa.

Police came after that. As usual, Emman is present.

Kung tutuusin ay puwedeng-puwede nilang sampahan ng kaso ni Cameron ang dating kasintahan nang dahil sa nangyari. Pero mas pinili na lang nila na hindi na magdemanda pa.

Ngunit kusa naman itong umamin sa pagkakasala nito at handang tanggapin ang anumang parusa na maaaring ipataw sa kanya.

Despite what happened, they still feel sorry for Gavin. But they respect his decision to atone his sins in jail.

Ilang saglit pa ay kinuha ni Cameron ang isang brown envelope na nasa tabi nito. Mula roon ay inilabas nito ang ilang papeles at iniabot sa ama nito.

“Nagpunta rin po ako ngayon para ibalik ang mga ‘yan. Kahit kailan ay hindi po ako nagkroon ng interes sa anumang yaman at ari-arian n’yo. Bukod roon ay may sarili na rin po akong publishing company na pinapatakbo. Sa ngayon ay gusto ko lang po munang magpokus sa pamamalakad nito.”

Hearts In Trouble (Art Of Temptation Series | Soon To Be Published Under PIP) ✓Where stories live. Discover now