Chapter 5

773 20 1
                                    

Chapter 5


KINUHA ni Cameron ang phone niya na nakapatong sa ibabaw ng dashboard nang bigla itong tumunog. Agad na binuksan niya ang mensahe na dumating nang makitang galing ito sa secretary niya na si Emman. Ipinaalam lamang nito na napirmahan na ni Henrietta Wynter ang kontrata para maging exclusive writer ng First Romance Publishing.

Nagpasalamat lamang siya rito, bago niya ibinaba ang phone at muling tumingin sa labas. Kanina pa nakatigil ang kotse niya sa isang tagong lugar, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya namamataan si Gavin na lumabas mula sa bahay nito.

Sa totoo lang ay hindi rin maintindihan ni Cameron ang sarili sa kung ano ba ang ginagawa niya sa labas ng mansyon ni Gavin ng alas-diyes ng gabi. Ni wala ngang kasiguraduhan kung mayroon ba siyang mapapala sa ginagawang pagmamanman dito, para mahanap ang sagot sa tanong niya kay Elisse na pilit naman nitong iniwasan kanina.

Ilang saglit pa siyang naghintay, bago bumukas ang mataas na gate at lumabas mula roon ang pamilyar na kotse ni Gavin. Napaayos naman bigla si Cameron ng upo at maingat na sinundan ang lumabas na kotse.

Hindi nagtagal ay tumigil ito sa tapat ng isang bungalow type na bahay. Bumusina ito at agad namang bumukas ang pinto ng bahay. Iniluwa nito ang isang pamilyar na babae. May kapayatan at katangkaran ito.

Of course, she knew that woman, since she's one of Gavin's writer in his publishing.

Anong ginagawa ng mokong na 'to rito?

Ngunit nanlaki na lang ang mga mata ni Cameron sa sunod na eksenang nasaksihan niya. Sa pagkakalapit kasi ng dalawa ay tila uhaw ang mga ito na agad ring sinalubong ang labi ng bawat isa.

Agad na nakabawi si Cameron sa pagkakabigla at mabilis na kinuhaan ng litrato ang dalawa, hanggang sa tuluyan ng pumasok ang mga ito sa loob. Hindi makapaniwalang napasandal na lang siya sa kinauupuan.

Ngayon ay malinaw na sa kanya ang dahilan kung bakit nagawa ni Elisse ang isang bagay na tila sa panaginip lang ni Cameron mangyayari. She probably caught the two in the act without them knowing.

And she's using him for her revenge. Gusto lamang ni Elisse na pasakitan si Gavin at hindi ito ang magmukhang napaikot ng binata, kaya nito nasabi at nagawa ang mga bagay na 'yon kanina.

Sa totoo lang ay hati ang nararamdaman ni Cameron nang dahil sa natuklasan. Oo at nagpupuyos ang kalooban niya dahil nagawang saktan at lokohin ni Gavin ang kauna-unahan at kaisa-isang babae na minahal niya.

Pero hindi rin niya mapigilan ang pagbubunyi ng kanyang kalooban. Nang dahil kasi sa nangyari ay nasa kanya na ngayon si Elisse.

Nakangising sinimulan na niya ang makina ng sasakyan at tuluyang nilisan ang lugar. It's a double celebration for him.

Dumiretso si Cameron sa bar na madalas niyang puntahan. Dito rin niya hindi inaasahang nakita si Elisse noong nakaraang araw.

"The usual," aniya sa bartender na lumapit sa kanya.

Hindi pa rin mabura-bura ang ngiti sa kanyang mga labi, nang tingnan niya mula sa gallery ng kanyang phone ang nakuhaan niyang larawan kanina. Naglalaro na sa kanyang isipan ang magiging reaksyon ni Elisse sa oras na ipadala niya ang mga 'to sa dalaga.

Kahit pa ipakita ni Elisse na balewala lamang dito ang nangyari ay nasisiguro ni Cameron na may parte pa rin ng dalaga ang lubos na nasaktan sa nangyari.

Kaya naman ay gagamitin niya ang oportunidad na ito para tuluyan niyang mapasok ang puso ng dalaga.

TANGHALI na ng magising si Elisse kinabukasan. Pero dahil wala naman siyang lakad o ibang gagawin ng araw na 'yon ay nanatili lang siyang nakahiga sa kama.

Hearts In Trouble (Art Of Temptation Series | Soon To Be Published Under PIP) ✓Where stories live. Discover now