Chapter 17

547 15 0
                                    

Chapter 17


DAHIL maaliwalas ang panahon ay napagpasyahan ni Elisse na maligo sa dagat. Kaya naman ay agad siyang nag-asikaso at nagpalit ng susuotin.

Sa muling pagbaba niya sa lower deck ay naabutan niya si Cameron na nakaupo sa duyan na nandoon. May kausap ito sa phone at tila hindi maganda ang mood ng binata, dahil narinig niya ang biglaang pagtaas ng boses nito.

Nabitiwan tuloy niya ang hawak na lotion nang dahil sa gulat, dahilan para mapalingon sa direksyon niya ang binata.

“I’ll call you later,” paalam nito sa kausap, bago tumayo at lumapit sa kanya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.

“What’s with the swimsuit?” takang tanong nito sa kanya.

Tinuro naman ni Elisse ang dagat. “Swimming,” sagot niya rito.

Hindi na niya hinintay na magsalita pa si Cameron. Umupo siya sa lounge chair na nandoon at nagsimulang maglagay ng sunblock lotion.

“Can’t you just do it later? I’ll go with you. I just have some matters to deal with right now.”

Pilit na inaabot ni Elisse ang likod niya para malagyan din ito. Pero sa huli ay sumuko na lang siya at napaangat ng tingin sa binata.

“Stop being so overprotective. I can take care of myself. Isa pa ay hindi naman ako lalayo, eh,” paniniguro niya rito.

Malalim na napabuntonghininga naman ang binata. “Fine!” Inilahad nito ang palad sa kanya.

“What?” naguguluhan niyang tanong.

Kinuha naman nito mula sa pagkakahawak niya ang lotion.

“Ako na ang maglalagay nito sa likod mo.”

Napakurap naman si Elisse.

“O-Okay.”

Nakadapang humiga na siya sa lounge chair, kasabay ng biglaang pagkabog ng kanyang dibdib. Hindi niya mawari kung saan nagmumula ang kabang nararamdaman niya ngayon.

Idagdag pa ang masuyong halik na iginawad nito sa kanya kanina, na hindi pa rin nawawala sa isipan niya hanggang ngayon. Na tila ba sa pamamagitan ng halik na ‘yon ay may emosyon itong nais na iparamdam sa kanya.

Nang sa wakas ay dumantay na ang kamay ng binata sa kanyang likod ay pinigilan niya ang mapaungol. Lalo na ng bahagya nitong natamaan ang gilid ng dibdib niya.

Bawat paghagod kasi ng kamay nito ay tila ginigising ang bawat himaymay ng kanyang katawan. Kaya bago pa kung saan mapunta ang mga kaganapan sa pagitan nila ay pinatigil na niya ang binata.

“Stop. Ayos na ‘yan. Gawin mo na ang kailangan mong gawin.” Dali-dali siyang tumayo.

“Sigurado ka bang hindi mo na ako hihintayin?” pagpipilit pa nito.

Elisse rolled her eyes. “You can just join me later if you want. For now, go,” pagtataboy niya kay Cameron.

Napatayo na rin ito.

“Okay. Basta riyan ka lang sa tabi, hah.”

Tinanguan na lang niya ang binata para hindi na humaba pa ang usapan.

Pagkapasok ni Cameron sa loob ay naisipan naman ni Elisse na maglagay muna ng earplugs sa magkabila niyang tainga, para maging mas payapa ang gagawin niyang paglangoy at hindi mapasok ng tubig ang mga ito.

Katulad ng sinabi niya kay Cameron ay hindi siya lumayo sa yate. She swims as if there’s no tomorrow. Lalo pa at baka matagalan na naman ang ganitong klase ng pagkakataon sa oras na bumalik na sila sa siyudad.

Hearts In Trouble (Art Of Temptation Series | Soon To Be Published Under PIP) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon