Chapter 16

580 18 1
                                    

Chapter 16


ITINAAS ni Elisse ang suot na shades at napaawang na lang ang kanyang bibig nang mabungaran niya ang isang nakalapag na chopper sa pag-akyat nila sa rooftop ng hotel.

Wala kasi siyang ideya kung bakit siya dinala ni Cameron doon. Sa ilang beses naman na tinanong niya ito habang paakyat sila roon ay palaging surprise lang ang sagot nito sa kanya.

“Sasakay tayo riyan?” hindi makapaniwala niyang tanong kay Cameron.

Hinawakan naman ng binata ang kanyang kamay at nagsimula na silang maglakad papalapit sa naghihintay na helicopter.

“Yeah. Lilibutin kasi natin ang buong isla ngayong umaga.” Nginitian siya nito at iminuwestra ang isa nitong kamay sa nakabukas na pinto.

“Shall we?”

Wala sa loob na napatango naman si Elisse. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman niya dahil ito ang unang beses na makakasakay siya ng helicopter.

Inalalayan siya ni Cameron paakyat. Nang makapasok sa loob ay malalim siyang napabuntonghininga, bago umayos ng pagkakaupo. Napangiti na lang siya nang isuot naman ng binata ang headphone sa magkabila niyang tainga.

Ngunit kasabay ng pag-angat ng helicopter sa himpapawid ay ang pagbilis din ng tibok ng puso niya. Hindi dahil sa kaba, kung hindi dahil sa muling paghawak ni Cameron sa kamay niya.

Napalunok siya. Halos pigil niya ang hininga, habang pilit na pinipigilan ang sarili na lingunin ang binata.

Cameron even intertwined their fingers, and he softly caressed her thumb, forming little circles on it. Somehow, she feels relief.

Kinagat ni Elisse ang ibabang labi at napatingin na lang sa labas ng bintana. Ilang sandali pa ay napalitan ng pagkamangha ang nararamdaman niya, nang tuluyan ng tumambad sa kanyang paningin ang malawak na karagatan, maging ang mga naglalakihang bato at ang kabuuan ng isla. Kahit ang mga katabing isla ay pinuntahan din nila.

Hindi mapuknat ang ngiti ni Elisse. Isa lang din ang mga pangyayari na ‘to sa mga eksena na sinusulat niya sa kanyang mga akda noon. Pero ngayon ay personal na niya itong nararanasan.

She can’t deny the fact that ever since the day she has been with Cameron, she feels like she’s now the main character of a story that even her didn’t have any idea on how will it goes and ends.

Elisse was enjoying the picturesque view, until the chopper reached the other end of the island and descends slowly.

Nang makalapag ay agad na inalalayan naman siya ni Cameron sa paglabas at pagbaba. Ngunit sa pagtataka niya ay agad na umalis ang chopper.

“Maglalakad na lang ba tayo pabalik?” tanong niya sa binata nang magsimula na silang maglakad. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid.

“Anong mayroon sa lugar na ‘to?” Naglalakihang mga bato, nagtataasang mga puno at ang malawak na puting buhanginan lang kasi ang nakikita ni Elisse sa lugar na ‘yon.

Pinanliitan niya ng mga mata si Cameron nang hindi ito umimik.

“Baka kung anong klaseng kabalbalan na naman ang tumatakbo riyan sa isip mo, hah.”

Tinawanan lang siya nito.

Pero muntik na siyang mapatalon sa gulat nang bigla na lang tinakpan ng binata ang mga mata niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya, sa hindi niya maintindihang kadahilanan.

“Kinakabahan na ako, hah,” pag-amin niya rito. Kahit pa ang totoo ay hindi niya alam kung saan ba siya kinakabahan.

Ilang sandali pa ay tumigil na ito sa paglalakad. Kaya naman ay natigilan din siya.

Hearts In Trouble (Art Of Temptation Series | Soon To Be Published Under PIP) ✓Where stories live. Discover now