Chapter 14

536 18 0
                                    

Chapter 14


MALAYANG tinatanaw ni Elisse ang tahimik na karagatan mula sa kanyang kinatatayuan. Katatapos lang ipaliwanag ni Cameron ang lahat sa kanya. Kaya naman ay hindi niya maiwasan ang mahulog sa malalim na pag-iisip.

Truth be told, Gavin can actually exposed her true identity in a snap of a finger. But instead, he's creating an issue while leaving some hints.

Dahil doon ay hindi mawari ni Elisse kung ano ba talaga ang plano ng dating kasintahan. Baka kasi magising na lang siya isang araw na naglaho ng parang bula ang lahat ng mga pinaghirapan niya.

Wala kasi siyang hilig magbukas ng mga social media accounts niya. Kaya naman ay hindi na talaga nakarating sa kanya ang tungkol sa issue na 'yon. Bukod roon ay mabilis din naman daw itong naagapan ni Cameron.

"Don't worry. I'll take care of Gavin."

Napakislot siya nang bigla na lamang yumakap ang binata sa kanya mula sa kanyang likuran. Hindi niya naiwasan ang mapalunok, kasabay ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

Sa totoo lang ay naguguluhan na siya sa inaakto ni Cameron. Madalas na rin niyang kinukuwestiyon ang sarili kung ano na nga ba silang dalawa.

Gusto niyang linawin dito ang tungkol sa nararamdaman nito para sa kanya. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay natatakot naman siya sa magiging sagot nito.

"Isa pa ay nasisiguro ko na hindi ka iiwan at huhushagan basta-basta ng mga mambabasa mo kahit na ano pang paninira ang lumabas laban sa 'yo. Based on my observation, you have a very supportive and disciplined fandom. Hindi sila nagsisimula ng gulo laban sa iba pang mga manunulat o fandom. Kung mayroon mang nambabatikos sa 'yo ay ipinagtatanggol ka nila sa sarili nilang paraan, na hindi magkakaroon ng direktang tama sa 'yo."

Nakagat ni Elisse ang ibabang labi nang maramdaman ang mainit na hininga ng binata na tumatama sa kanyang batok. Tila may kung anong kiliti kasi 'tong hatid sa kanyang katawan.

"Yeah, you're right. I'm just so lucky to have them," sang-ayon naman niya sa binata.

"Come on. You were so happy on the way here, with a long list of the things that you wanted to do. So, don't let that issue affect you further and enjoy instead."

Kumalas ang binata sa yakap at masuyo siyang pinihit nito para magkaharap silang dalawa.

"Let's swim?" anyaya nito, bago ngumiti.

Malalim siyang napabuntonghininga. May punto nga naman kasi ito. Nandoon sila para magsaya at hindi para isipin ang problema.

"Okay. Mag-aasikaso lang ako," pagpayag niya.

Ginulo naman nito ang buhok niya. "That's more like it."

Napangiti lang si Elisse, bago tinalikuran ang binata para mag-asikaso.

Maybe she just needs a good swim to wash all of her doubts and concerns away, even just for a moment.

DUMILIM ang mukha ni Cameron nang makita ang suot ni Elisse paglabas nito ng banyo.

"What are you wearing?" Naramdaman niya ang pagkabuhay ng nasa pagitan ng kanyang mga hita, kahit pa halos inabot na sila ng tanghali kanina.

Elisse rolled her eyes. "I'm going to wear this and you can't do anything about it," she said, with finality on her voice.

Naiinis na tumayo siya. "Fine!" Inabot niya ang isang kulay rosas na roba na nakalatag sa ibabaw ng kama. "But for now, wear this. Alangan namang rumampa ka sa lobby ng nakaganyan." Mahihimigan ng sarkasmo ang kanyang boses.

Hearts In Trouble (Art Of Temptation Series | Soon To Be Published Under PIP) ✓Where stories live. Discover now