Chapter 9

656 21 0
                                    

Chapter 9


MALAMIG at presko ang simoy ng hangin sa balkonahe ng kuwarto ni Elisse. Kaya naman ay naging paborito niya itong tambayan. Mayroon din kasi ritong isang bilog na mesa at rattan na upuan, kung saan ay gumagawa siya ng kanyang nobela.

Inabot niya ang tasa na naglalaman ng kape, bago muling nagpatuloy sa pagtitipa. Ilang araw na rin ang lumipas magmula ng manatili siya sa mansyon ni Cameron. Hangga’t maaari ay hindi siya masyadong nalabas ng kanyang kuwarto. Puwera na lang kung kakain. Baka kasi kung saan na naman sila humantong ni Cameron sa oras na magkalapit silang dalawa ng husto.

Ngunit natigilan siya nang makarinig ng sunod-sunod na katok, kasabay ng biglaang pagtambol ng kanyang dibdib. Muntikan na niyang matabig ang tasa na nasa isang tabi nang dahil sa pagkabigla.

She cleared her throat first. “Come in,” pormal niyang anyaya, bago umayos ng pagkakaupo. Pilit na nagpopokus siya sa kanyang ginagawa.

Ilang sandali pa ay narinig niya ang dahan-dahang pagbukas ng pinto, na sinundan ng mahinang mga yabag. Tumigil ito malapit sa kinaroroonan niya.

“Ilang araw ka ng nakatago rito. You want to go somewhere? Para malibang ka naman kahit papaano.”

Natigilan si Elisse at nilingon ang binata. Sa totoo lang ay may mga pagkakataon na gusto naman talaga niyang lumabas para gumala.

Pero hindi kasama sa plano niya na dapat ay kasama si Cameron.

“Where to?” tanong niya.

Cameron shrugged. “Supermarket. I’ll buy some stuff. Halos ubos na rin ang stocks ko sa kitchen, eh.”

Napaisip naman si Elisse. Sabagay ay halos paubos na rin ang mga personal niyang pangangailangan.

“Okay. Pero hiwalay tayo ng kotse na gagamitin,” suhestiyon niya. Naipakuha na kasi ni Cameron ang kotse niya na naiwan sa apartment na inuupahan niya noon.

Tumaas ang isang kilay ni Cameron. “And why is that? Are you afraid of something?” Nanunukso ang ngiti nito na sumilay sa kanyang mga labi.

Taas noong hinarap naman niya ito.

“Wala akong dapat na katakutan sa ‘yo.”

He crossed his arms. “Then you should go with me. Makakatipid ka na sa gas, may personal driver ka pa,” panghahamon nito sa kanya.

Napailing na lang si Elisse. Kahit ano talagang sabihin niya ay palaging may banat ang binata sa kanya.

“Fine!” Tinaliman niya ito ng tingin. “But don’t do something naughty!”

Itinaas ni Cameron ang dalawang kamay. “Sa pagkakaalam ko ay wala pa akong ginawa na hindi mo nagustuhan.”

Kinuha ni Elisse ang unan na sinasandalan niya sa upuan at ibinato rito. “Ang manyak mo talaga!”

Cameron laughed. “Whatever you say. I’ll just wait for you downstairs.”

Hindi na umimik pa si Elisse at muling binalikan ang ginagawa para i-save ito. Sa paglabas ni Cameron ay inayos na niya ang mga gamit at nagsimula ng mag-asikaso. Pinili niyang suotin ang kulay puti na floral dress at itim na doll shoes. Pagkatapos ay naglagay lamang siya ng powder at lip tint, bago tuluyang lumabas at bumaba.

Naabutan niya si Cameron na nagbabasa ng diyaryo sa sala. Tumikhim siya upang makuha ang pansin nito.

Napaangat ito ng tingin sa kanya. Ngunit nakaramdam siya ng ilang nang hagurin siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.

“Bakit ganyan ang suot mo?” tanong ng binata at marahas na ibinaba ang hawak na diyaryo.

Napakunot noo naman si Elisse. “Anong problema sa suot ko?”

Hearts In Trouble (Art Of Temptation Series | Soon To Be Published Under PIP) ✓Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα