Chapter 11

607 16 0
                                    

Chapter 11


SUMILAY ang matamis na ngiti sa mga labi ni Elisse, nang maipadala na niya sa wakas ang natapos na akda sa pamamagitan ng email. Sadyang magaan lang kasi sa kanyang pakiramdam sa tuwing may nakukumpleto siyang nobela.

Kung hindi siya nagkakamali ay siya pa lang ang nakatapos sa lahat ng mga lumahok para sa collaboration project na inilunsad ng First Romance Publishing. Sa totoo lang ay may panibagong ideya na naman na naglalaro sa kanyang isip. Ngunit magpapahinga na lang muna siya ng ilang linggo, bago niya ito sisimulan.

Naghahanda na sana siya para maligo, nang biglang may sunod-sunod na kumatok sa pinto ng kanyang kuwarto.

“Come in,” aniya at pansamantala muna niyang ibinaba ang mga gamit sa ibabaw ng bed side table.

Bumukas ang pinto at mula roon ay pumasok si Cameron na nakangisi. Napamaang naman si Elisse nang mapansin ang pormal nitong ayos.

Cameron is wearing a black-colored tuxedo. While his hair has been brushed up, and it seems that he just newly shaved.

She can’t help but gape at the sight of him. Ngayon lang kasi niya ito nakitang nakaporma ng gano’n.

Nabalik lamang siya sa huwisyo nang ituro ni Cameron ang gilid ng labi niya, na ikinakunot naman niya ng noo.

“Pakipunasan ang laway mo. Natulo kasi. Wag mo naman masyadong ipahalata na guwapong-guwapo ka sa ‘kin.” Kumindat pa ang binata sa kanya.

Napairap naman si Elisse para itago ang pagkapahiya, nang dahil sa pagkakatitig niya rito.

“Ano ba kasing ginagawa mo rito? Mukhang may lakad ka, ah.” Doon lang niya napansin ang hawak ni Cameron na isang itim na sobre at dalawang kahon.

Ibinaba naman ni Cameron ang mga ito sa ibabaw ng kama niya.

“May lakad tayong dalawa. Mag-asikaso ka na. Hihintayin kita sa baba,” pagtatama nito sa sinabi niya.

Mas lalo namang naguluhan si Elisse nang dahil sa sinabi nito.

“Wait. What? Saan tayo pupunta? Saka pumayag ba ako?”

Napaangat naman ng tingin si Cameron sa kanya. “Alam kong papayag ka. Kaya magbihis ka na. I’ll give you one hour to prepare.”

Napaawang na lang ang bibig niya nang bigla nitong kurutin ang magkabila niyang pisngi.

Walang lingon likod naman na naglakad palabas ng kuwarto niya si Cameron. Naguguluhang napatingin na lang si Elisse sa pinto na dahan-dahang sumara.

Nang makabawi ay wala sa loob na kinuha niya ang kulay itim na sobre.

First Romance Publishing’s Annual Writers Ball

Natigilan siya nang mabasa ang mga salitang ‘yon na nakaimprinta sa labas ng sobre. Doon pa lang ay nagkaroon na agad siya ng ideya sa kung saan ba sila pupunta ngayong gabi. Kaya naman ay hindi na siya nag-abala pang buksan mismo ito.

Sunod na tiningnan naman niya ang loob ng isang malapad na kahon. There she saw a long black halter dress. Ngunit ang isang bagay na pinakanakakuha ng atensyon niya ay ang kulay ginto na maskara na kasama nito.

Elisse had never been in such gathering before. Because there’s no way that she will risk her identity to be exposed.

But right now, her decision has been changed upon seeing the golden masked. It even has a gold feather on top, much to her amazement.

Malalim siyang napabuntonghininga. Sa huli ay itinuloy na niya ang naudlot na pagpasok sa banyo para maligo. Nang matapos ay nagsimula na siyang mag-asikaso.

Hearts In Trouble (Art Of Temptation Series | Soon To Be Published Under PIP) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon