Chapter 1

916 29 4
                                    

Chapter 1


AGAD na kinuha ni Elisse ang nag-iingay niyang phone na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Nang makitang ang nobyo niya na si Gavin ang tumatawag ay excited na sinagot niya ito.

“Hello!” masigla niyang bati sa nobyo, bago umupo sa gilid ng kama.

“Hey, beautiful. How’s your vacation?” malambing na tanong ng nobyo mula sa kabilang linya.

Elisse bit her lower lip. “It’s good. But I would have been happier if you’re here with me.”

She heard Gavin chuckled from the other line. “As much as I want to, I can’t. You know that.”

Napanguso si Elisse. Kasalukuyan kasing abala si Gavin dahil may ilulunsad na book signing event ang kumpanya nito, kaya hindi ito nakasama sa kanya sa pagbabakasyon.

“I know. But I hope that you can come with me next time.” Elisse smiled.

“Of course. Anyway, until when do you plan to stay there?”

Napatingin naman si Elisse sa kanyang maleta na nakabukas ngayon sa ibabaw ng kama.

“I plan to stay for two more days,” she lied.

“Oh. Too bad. Because I already missed you so much.”

Pilit na pinakalma ni Elisse ang sarili. Sa totoo lang ay alam niya kung gaano kaabala ang nobyo nitong nakaraang linggo. Kaya naman ay naisipan niyang sorpresahin ito sa kanyang pag-uwi.

“I missed you too.”

“Alright. I just called to check you up. You take care, okay? I love you.”

Napatakip sa kanyang bibig si Elisse at mahinang pinaghahampas ang unan sa kanyang tabi. Hindi niya alam kung bakit, pero wala pa ring pagsidlan ang kilig na nararamdaman niya para sa nobyo.

It surely feels good to be in love.

“I love you. Don’t worry about me. Just take your time there, okay?”

Pagkatapos ng ilan pa nilang paalala sa isa’t isa ay tuluyan na niyang ibinaba ang tawag. Dali-dali naman niyang inayos ang pagkakasalansan ng kanyang mga gamit. Nang matapos ay tuluyan na siyang lumabas at nag-check-out sa hotel na tinuluyan niya.

Nang dahil sa traffic ay ilang oras din ang inabot ng biyahe niya mula Batangas pauwi ng Manila.

Dumaan muna si Elisse sa isang grocery store at namili ng mga ingredients, bago siya dumiretso sa tinutuluyang condominium building ng nobyo. Pagka-park ng kanyang sasakyan ay nakangiting bumaba ng kotse si Elisse, bitbit ang kanyang mga pinamili.

She’s humming her favorite song until she reached the elevator. Nasisiguro niyang nakasubsob pa rin sa trabaho si Gavin at mamaya pa uuwi, ayon na rin sa nabanggit nito sa kanya kanina, kaya gusto niyang paglutuan ito ng hapunan.

Bukod sa kanyang sorpresang pag-uwi, balak niya ring banggitin dito ang isa pang magandang balita. Expired na ang kontrata niya sa Sweet Memories Publishing kaya niya naisipan munang magbakasyon, bago siya lumipat sa kumpanya ng nobyo. Kahit ang tungkol sa tunay na petsa ng pagkaka-expired ng kontrata niya ay inilihim din niya kay Gavin noon para sorpresahin ito.

Sa pagbukas ng elevator ay dali-dali niyang tinungo ang unit nito. Dahil alam naman niyang hindi pa ito nakakauwi ay hindi na siya nag-abala pang mag-doorbell.

Instead, she swipes the duplicate copy of his card and the door opened.

Nakangiting binuksan niya ang pinto. Pero hindi pa man siya tuluyang nakakapasok ay unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mga labi, kasabay ng malakas na pagtambol ng kanyang dibdib.

Hearts In Trouble (Art Of Temptation Series | Soon To Be Published Under PIP) ✓Where stories live. Discover now