Chapter 2

789 27 4
                                    

Chapter 2


ABOT tainga ang ngiti ng nobyo ni Elisse na si Gavin, habang inilalabas nito ang mga papeles sa dala-dalang suitcase.

Katulad ng nabanggit niya rito ay ipinaalam lamang niya na nakauwi na siya dalawang araw mula ng naging aktuwal talaga niyang pag-uwi. Nang banggitin niya rito ang tungkol sa pagtatapos ng kontrata niya sa pinanggalingang publishing house ay mahihimigan ang kasiyahan sa boses nito mula sa kabilang linya nang tawagan niya ito kagabi.

Bakas din ang excitement sa mukha ni Elisse, habang nakamasid sa binata na tila hindi magkandaugaga sa harap niya. Excited siya hindi dahil sa pirmahan na magaganap, kung hindi sa magiging reaksyon nito sa inihanda niyang plano.

Bakas ang kislap sa mga mata ni Gavin, nang sa wakas ay maiayos na nito ang mga papeles sa ibabaw ng mesa na kailangan niyang pirmahan.

"Finally! Here it is, Hon. Matagal ka ng hinihintay ng kontrata na 'to. Bukod ro'n ay magkakasama na rin tayo sa iisang kumpanya sa wakas. You don't have any idea on how long I wait for this day to come."

Inabot ni Gavin ang kamay ni Elisse na nakapatong sa ibabaw ng mesa at masuyong hinalikan ang tuktok nito.

Gustong ngumiwi ni Elisse nang dahil sa sinabi at ginawa ni Gavin. Kung hindi niya pa siguro alam ang totoong kulay at intensyon ng binata ay malamang na kinilig na naman siya sa pambobola nito.

Hindi man lang ba siya kinikilabutan sa pinagsasabi niya?

Nanatiling walang imik si Elisse nang ilapit na ni Gavin sa kanya ang papel at ballpen. Ni hindi man lang bumaba ang tingin niya ro'n dahil nakapokus ang kanyang mga mata sa pinto ng restaurant.

Hanggang sa malipat ang atensyon niya sa isang bilugang orasan na mayroong bulaklaking disenyo at nakasabit sa dingding. Limang minuto bago ang itinakda niyang oras ng palabas.

Ngunit sa muli niyang paglingon sa pinto ay namataan niyang papasok na ang lalaking makakasama niya sa mumunting palabas na 'yon.

"Hon?" tawag sa kanya ni Gavin, pero hindi niya 'to inintindi.

Napangisi si Elisse nang makita si Cameron na nagpapalinga-linga sa paligid pagkapasok. Itinaas naman niya ang kanang kamay para makita siya nito.

Kunot noong napatingin naman sa likod si Gavin. Mas lalong bumakas ang pagkalito sa mukha nito nang makita ang mortal nitong kaaway na si Cameron.

Kahit si Cameron ay magkasalubong ang kilay, habang nakapamulsa na naglalakad palapit sa kanila.

Elisse can't help but admire his dashing look with his suit and brush up hair. For a moment, she seems to fell into a kind of trance while looking at him.

Marahas naman na nilingon si Elisse ni Gavin.

"What is he doing here?"

Tila natauhan naman si Elisse mula sa pagkakatulala at nakangising tiningnan ang binata.

"Because I just want to feel the moment. Paparating palang tayo sa exciting na part, Hon."

Mas lalong naguluhan sa isinagot niya si Gavin.

Hindi nagtagal ay nakalapit na sa kanila si Cameron. Maging ito ay walang ideya kung bakit nakipagkita si Elisse sa kanya kasama ang nobyo nito.

Pero biglang dumilim ang mukha ni Cameron nang makita nito ang mga nagkalat na papel sa mesa. Marahil ay iniisip nito na gusto niyang ipamukha rito na pipirma siya sa kalaban nitong kumpanya.

Elisse can't blame the two for wanting her on their respective publishing companies. After all, she's one of the best-selling romance author of the country.

Hearts In Trouble (Art Of Temptation Series | Soon To Be Published Under PIP) ✓Where stories live. Discover now