Chapter 10

663 21 1
                                    

Chapter 10


IBINABA ni Cameron ang hawak na ballpen at bahagyang hinilot ang kanyang sentido. Hangga’t maaari ay ayaw niyang gumagawa ng trabaho sa bahay. Pero dahil mas gusto niyang makasama si Elisse nitong mga nakaraang araw ay halos hindi siya pumapasok sa kumpanya, kahit pa madalas naman siyang iwasan ng dalaga. Kaya naman ay dinala na tuloy ni Emman sa kanyang bahay ang mga papeles na kailangan niyang pirmahan.

Malalim siyang napabuntonghininga, bago isinara ang huling folder na kailangan niyang asikasuhin sa araw na ‘yon. Dahil hindi pa naman siya dinadalaw ng antok ay napagpasyahan niyang tumambay muna sa hardin.

Ngunit pagkarating niya roon ay natigilan siya nang makita si Elisse na nakaupo sa isa sa mga silya na nandoon. Bibihira lang kasi lumabas ng kuwarto ang dalaga.

Napatikhim siya at pansin niya ang paninigas ng likod ni Elisse. Pero agad naman itong nakabawi at muling nagpatuloy sa pagtitipa.

Walang imik na umupo siya sa upuan na katapat nito. Dahil ayaw naman niya itong maistorbo sa ginagawa ay itinuon na lang niya ang atensyon sa mga bituin sa kalangitan.

Dumaan ang ilang minuto hanggang sa hindi na napigilan pa ni Cameron ang pagtaas ng kanyang kilay nang mapansin mula sa gilid ng kanyang mga mata na pasulyap-sulyap sa direksyon niya si Elisse.

“Alam kong guwapo ako. Pero kung may gusto kang sabihin ay wag mo na akong daanin pa sa pagsulyap mo,” komento niya at tuluyan ng humarap dito.

Natigilan naman ang dalaga sa pagtitipa at maang na napaangat ng tingin sa kanya. “Sino ka naman para sulyapan ko?” mataray nitong aniya, bago muling bumalik sa ginagawa.

Umayos ng upo si Cameron, bago sumilay ang nakakalokong ngisi sa kanyang mga labi.

“Come on, tell me. Wala naman sigurong masama kung magkaroon tayo ng matinong usapan paminsan-minsan,” panghihikayat niya pa rito.

Napanguso naman si Elisse at tuluyan na rin siyang tiningnan.

“May gusto akong itanong. Pero wag kang mag-iisip ng kung ano-ano, hah. Assuming ka pa naman.”

Natawa naman si Cameron at napailing. “Sure. Just go ahead.”

Kumibot pa ang mga labi nito. “Sino ang babaeng lumapit sa ‘yo no’ng isang araw?” Elisse shrugged. “I’m just curious, that’s all,” she explained right away.

Hindi ipinahalata ni Cameron ang pagkagulat nang dahil sa ibinatong tanong ni Elisse. Ang buong akala kasi niya ay walang interes ang dalaga tungkol sa bagay na ‘yon.

Cameron heaved a deep sighed. “Her name is Maeve. She’s Gavin’s ex-girlfriend way back high school,” kaswal niyang sagot dito.

Tila mas lalong nabalot ng kuryosidad si Elisse at tuluyan ng iniwan ng mga daliri nito ang keyboard at nakahalumbaba na tumitig sa kanya.

“Really? How did you even know that?” Nagsalubong ang kilay nito.

Cameron crossed his arms. Mukhang wala talagang ideya si Elisse tungkol sa kanilang dalawa ni Gavin.

“Because we used to be best friends, ever since we are a child.”

Gusto niyang matawa nang dahil sa naging reaksyon nito. Nanlalaki ang mga mata nito at nakaawang pa ang bibig.

“Wait. Walang nabanggit si Gavin sa ‘kin tungkol diyan. Seryoso ba?”

Napatango naman siya. “Yup.”

“What happened, then? Bakit parang galit na galit kayo sa isa’t isa ngayon?” naguguluhan nitong tanong.

Napailing naman si Cameron. “Ang totoo niyan ay wala naman akong galit sa kanya. Siya lang itong bigla na lang lumayo ang loob sa ‘kin. Hanggang sa isang araw ay namalayan ko na lang na kakumpetensya na ang tingin niya sa ‘kin.”

Hearts In Trouble (Art Of Temptation Series | Soon To Be Published Under PIP) ✓Where stories live. Discover now