Nagulantang naman ako sa sinambit neto. Tinitigan ko naman eto at kita ko talagang seryusong seryuso talaga siya.

"No CJ! I'm okay here" pagpoprotesta ko naman.

"No, you're not. Just rest here and tawagin mo lang sila if may need ka"

"Wala ka bang klase?"

"I have a class pero excuse ako dahil may meeting kami. Look, just stay here and I'll be back hanapin ko lang si XZ"

"Eh may meeting ka naman pala e. Promise, I'm okay na talaga. Just attend the meeting and aattend na din kami ng class" total feel ko meju nahimasmasan naman na ako. Masakit pa din naman katawan ko pero meju nagising na diwa ko at tingin ko kaya ko na din naman na. Kanina lang talaga feel ko di ko kaya. Tumayo naman ako para ipinakita na kaya ko na.

Nagsabong na naman ulit yung kilay neto.

"See?"

"Xandra, makinig ka na lang please"

Lumakad naman ako sa direction niya para makumbinsi siya.

"Look.. I'm okay na talaga, alright? Besides di pwedeng di kami papasok may long quiz kami ngayon"

"I don't care! Dito ka lang! Tingnan mo mga pasa mo oh"

Tinitigan ko naman eto ng pinakaseryuso kong titig. Please pakinggan mo na lang ako.

"I swear, I'm alright. Please?"

Biglang sumimangot naman eto't tumango na lang.

"Okay"

Niyakap ko na lang eto't napangiti na lang dahil sa wakas napapayag ko din kala ko talaga magmamatigas pa din e.

"But first, you need to change your clothes and fix yourself. Di ka na nabihisan kanina kase nagkamalay ka naman agad after nilinis yung sugat mo"

Tumango na lang ako.

"Do you have extra clothes?"

Umiling naman ako e di naman ako nagdadala non kung wala naman PE tsaka nakakalimutan ko pa nga minsan e.

"Okay, I'll bring you my extra clothes dun ka na lang sa comfort room magbihis mas malapit pa sa building natin para di na din kayu malate, sunduin na lang din kita paglunch na, understood?"

Tumango na lang din ulit ako.

Pagkatapos ko magbihis sa comfort room ay agad din naman kaming lumakad papuntang room namin. Iniwan din naman ni CJ ako kay Almira after kase may meeting nga daw sila.
Officer ata e. Si Justin naman e kanina pa nauna samin.

Suot ko ang meju may kalakihang black tshirt neto na may tatak na logo ng Architecture Department at apelyido niya na "Jones" sa likuran.

"Close pala kayu non?" tanong naman ni Almira nang tumalikod na't umalis si CJ.

"Meju"

Napa 'O' na lang eto't di na nagsalita.

"Thank you nga pala ulit"

"Ah no worries..si Justin na lang pasalamatan mo panic lang ambag ko dun e haha, siya yung nagdala sayu dun sa clinic"

"Kahit na, thank you pa din" gumanti naman eto ng ngiti kaya siyempre nginitian ko din.

"Ang bait tsaka sweet sayu ni CJ no? Matagal na ba kayung magkakilala?"

"Ah di naman I mean nong first day ko dito dun ko siya nakilala"

"Buti di ka sinungitan or sinigawan"

Huh?

"Di naman, siya yung nag approach saken una e. In fact, ako nga nagsungit sa kanya non" nakangiting sabi ko na ikinagulat naman ng mukha niya.

The Billionaire's Daughter [ProfxStud • GxG]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें