Chapter 11: Lunch With Crush

4.1K 176 11
                                    

"Where's your shoes?"

Mahihimatay na talaga ako neto sa kaba. Meju kalmado na yung boses niya pero eto ako nanginginig.

SHIT.

Tumingin naman ako sa direction ng upuan ko at sa direction ni Justin kase nasa paanan niya kanina yung isang pares ng sapatos ko. Awit talaga.

Akmang sasagot na sana ako nang may marinig kaming mga ingay at mga tili sa labasan. Ano na namang kadramahan yun?

Pati na rin mga kaklase namin ay napatingin na rin sa window banda. Dahil curious nga din ako ay tumingin din ako sa direction na yun at nakita ko ang kumpulan ng maraming studyante na halos parang kinakatay na mga manok kung makatili. Ang iba ay may hawak pa na phone at parang nagrerecord ng video sa bandang harapan ng room namin. Ano na namang kahibangan to?

Bigla namang may kumatok at agad naman etong binuksan ni Miss Diaz.

Bumungad ang ngiting ngiti na boyfriend neto habang may hawak hawak na bouquet ng red roses.

"OMGG ang cutee nilaaa!"

"He's so hot"

"They look so good together"

"Campus hottest couple!"

Ah talaga ba

Tss hottest daw.

Bakit galing ba sila sa gitna ng bulkan? Kung makahottest kala mo nilihi sa magma.

Sarap hambalusin ang mga to e.

"Richard, what are you doing?" walang emosyon na tanong ni Miss Diaz nang mag umpisang humakbang si Professor Tan papasok ng room namin. Nakabukas pa din ang pinto kung kaya't makikita mo ang mga studyanteng mga chismosa na kilig at kilig pa habang tili nang tili pa ang iba.

"For you" amp kung makangiti kala mo titan e. Ba't sila nakikilig dito? Oo pogi siya pero maganda naman ako no!

Agad namang kinuha ni Miss Diaz ang inabot sa kanya na bouquet ng red roses.

Kung kanina yung mga tili ay parang kinatay na mga manok ngayon may combination na ang tili nila ng parang mga kambing na naiihi. Badtrip!

Teka ba't ako nababadtrip? Erase. Erase. Erase.

Di ako badtrip! And if badtrip man ay dahil sa ingay nilaaa!

Ugh!

"I feel like you're mad and I don't know why you're not in the mood but as your man...I'm here to lighten up your mood" o taena sarap pasabugin tong school na to e. Etong si Miss Diaz naman ay nakalimutan pa yata ako na nandito sa likuran niya. Wag lang niya ako utusan next time irereklamo ko siya sa Bantay Bata 163.

"Get out, Richard. I have a class. We'll talk later" sagot neto habang hawak hawak ang binigay na bulaklak sa kanya.

"I understand, babe. Just one more question before I go" taena pinapaalis na nga diba? Kapal ng mukha magtatanong pa.

"I told you I'm here to lighten up your mood. Let me take you to our favorite place later in the afternoon.....So, would you like to watch the sunset with me?" ngumiti ngiti pa eto at di pa nakuntento at hinawakan pa ang mga kamay ni Miss Diaz.

I unconciously rolled my eyes. Ugh this is ruining my day. Kanina ang saya saya ko pa.

But no. I won't let anyone ruin my day.

I plastered a mischievous smile on my lips.

Before I could hear her answer, I immediately write something on the white board and with my ninja moves, I storm my way out outside nang walang nakapansin. I crawled papuntang likuran banda na malapit sa direction ni Justin na salpok ang mga kilay na pinapanood lang ang mga kilos ko. At nang malapit na ako sa pinto ay agad ko etong binuksan at kumaripas. Puntahan ko na lang siguro muna si CJ, dala daw niya si XZ e.

The Billionaire's Daughter [ProfxStud • GxG]Where stories live. Discover now