Chapter 18: Allergy

4K 151 34
                                    

"Did you recieved my message or did you chose to ignore it?"

Damn.

Why are you so hot Miss? You can't be this pretty.

Shit.

I...I CAN'T STAY FOCUS! Damn it.

"Evasco!"

"P-po?"

Bakit ang init dito? Malakas naman AC kanina ah. Pwede ba tumakas?

"Nevermind.."

"Ah hehe.."

Oh my god. This is the most awkward situation I've ever had. Ano ba sabihin ko dito?

"Why are you fidgeting there? Are you not feeling well? You're turning red."

"I'm okay po hehe.."

Mayamaya pa'y naramdaman ko itong kumilos. Tumayo ito at parang may kinuha sa cabinet na mga papers at folders. Agad netong nilapag ang mga ito sa tapat ko sa lamesa.

"Take all this exams, these are all the exams you missed.."

Ah buti naman. Kala ko paparusahan ako e. Pheww!

"Thanks po.."

Agad kong inumpisahang kunin ang ballpen ko at umpisahan na sanang sagutan kaso iilang minuto na akong nanghalungkat sa bag ko pero wala akong makita na ballpen.

"What are you doing?" kalmadong tanong niya habang nakacrossed arms at pinapanood ang bawat kilos ko.

"Di ko po kase makita ballpen ko...pwede po ba lumabas saglit? Hihiram lang po ako kay Justin.."

For some reason, I don't know why her stares suddenly feels like flying daggers to me. Tumayo ito bigla at may kinuha na ballpen sa isang lagayan ng mga ballpen neto. Nang makuha neto ang isang black pen ay agad etong humarap sakin at inabot sakin nang padabog na animo'y ansama pa nang loob netong magpahiram. Hindi ko talaga malaman if kukunin ko eto or wag na lang, mukhang mamahalin pa na ballpen.

"Hehe okay lang po Ma'am..saglit lang naman ako hihiram dun kay Justin or di kaya e text ko na lang siya para mahatid na kagad niya dito.."

Akmang kukunin ko ang cellphone ko sa bag ko nang biglang hinablot neto ang kamay ko at nilagay ang ballpen.

Ramdam ko ang pagpula ng aking mukha nang magtama ang mga kamay namin kung kaya't kinuha ko eto kagad at tarantang nagsimula nang sagutan ang mga questionnaires.

"Are you not going to review first? You better pass my exams. I wonder why you have so many absences in my class but you are present to other subjects.."

"Nakapagreview na po ako nang advance sa lessons po..."

Sagot ko nang nakatitig sa mga questionnaires. Di ko na inexplain pa kung bakit di ako pumasok sa class niya. At hindi naman talaga ako nakapagreview, alam ko na to lahat e.

Mayamaya pa'y di ko na eto narinig pang nagsalita. Kung kaya't naintriga akong tingnan kung anong ginagawa neto at bakit natahimik na.

Nang dumako ang mata ko sa direksyun neto ay agad na nakaramdam ako ng inis na di ko maintindihan kung bakit. Nakita ko lang naman etong nakatuon na naman sa cellphone niya at parang di pa maistorbo.

Sa di ko malamang dahilan ay napasimangot ako't sa loob ng ilang minutos lang natapos ko na lahat ng questionnaires.

Natapos ko na lahat sagutan at heto ako't di ko maintindihan kung bakit inis na inis ako. Alis na lang kaya ako? Total tapos na din naman ako. Bahala na.

Agad kong inayus lahat ng gamit ko't nilapag ang questionnaires at ang ballpen niya sa harap neto. Sinuot ko kagad ang backpack ko at tumayo. Tutok na tutok pa din eto sa cellphone niya.

The Billionaire's Daughter [ProfxStud • GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon