Chapter 9: Mommy? Daddy?

5K 194 22
                                    

Almost 5 o'clock na ng hapon nang umalis si CJ para umuwi, di daw kase niya pwede iwanan ng matagalan yung kapatid niya sa bahay nila. Yung dad naman daw niya kase ay minsan lang din nauwi sa bahay nila.

And eto ako ngayon nasa harap ng TV nanunuod ng Barbie kasama yung kambal. Si Kikay at ako ay tuwang tuwa habang nanunuod pero etong si Kiki naman ay prenteng nakaupo lang din sa tabi ko na walang imik, halatang di interesado e. Si Justin naman ayun pinasaing ko sa kusina, ayuko mag isa pa kase dito kaya inutusan ko na lang. Nakailang laro din kaming dalawa sa CODM, buhat na buhat ang lola niyu kaya meju ganado ako ngayon. Winstreak kase kami, magaling pala maglaro ang lolo Justin niyu, mukhang pro player e.

"Ate Alex sabe daw ni Ate CJ mommy daw po itawag namin sa kanya" sambit naman ni Kikay na biglang umupo sa lap ko habang yung mata ay sa TV pa din.

Tinawanan ko naman eto habang hinaplos haplos yung buhok na gulong gulo na ang tali, jusko si Kiki lang din siguro yung nag ayus ng buhok ng kambal neto. Masyado kaseng busy talaga ang Mama nila, single mother ba naman habang yung ama naman nila naglaho lang na parang bula. Apakairesponsable. Uminit bigla ang ulo ko nang may maalala ako.

"Pero di ako pumayag Ate baka magalit ka po e" pagdudugtong naman ulit ni Kikay.

Tumawa naman ulit ako, etong kambal na to talaga yung nagpapasigla saken araw araw. Simula nong baby sila di ko na talaga tinantanan ang pagpunta sa kanila para makalaro lang ang mga eto. Naalala ko nga e lahat ng mga story books ko na binili ni Nanay ay hakot ko lagi lahat dun. Binabasahan at kinukwentuhan ko sila kit di naman nakakaintindi saken. Nakakatuwa lang.

"Ki, what do you think? Gusto mo ba tawaging Mommy si Ate CJ mo?" pagtatanong ko naman kay Kiki na tahimik lang sa gilid ko nakamasid sa TV pero obvious na di interesado talaga. Iba kase ang hilig.

Tinapunan lang ako neto ng seryusong tingin kaya nginitian ko lang eto. Agad naman netong ibinaling ang tingin sa TV.

"No"

Minsan maiisip mo sa kanilang kambal eto yung cold at walang pake e. Pero kahit ganon man, eto yung pinakamature mag isip at protective.

"Alam ko naa.." biglang pagsalita naman ni Kikay at tumalon pa mula sa lap ko na nakabungisngis na humarap saken at sa kambal neto.

"Ikaw na lang Mommy namin Ate. Ikaw naman po lage kasama namin kase sa work lage si Mama" biglang nanlumo naman ako sa sinambit neto. Nakakalungkot talaga yung gantong sitwasyon kase alam ko. Pinagdadaanan ko din yung ganto.

Tumango naman ako at hinapit eto upang yakapin.

"Of course Baby Kay! From now on I'm your Mommy naaa" masiglang hinarap ko naman eto saken mula sa pagkakayakap. Nagniningning ang matang bumungisngis eto. Pero deep inside this is killing me in sadness, life is so fucking unfair. I wanna cry but I can't.

"How about you Ki, do you want me to be your Mommy na din ba?" humarap naman ako kay Kiki na nanunuod din pala samin ng kambal niya. Nagniningning ang matang tumango eto.

I wanna cry. I can't just let these two feel how I felt before. They're too young to feel being abandoned.

I hugged the twins at hinalikan sila sa noo.

"At siya naman si Daddyyy!" pasigaw na kumalas sa yakap ko si Kikay at tumakbo kay Justin na galing sa kusina at seryusong nakatitig sa akin na parang nagtatanong kung anong pinagsasabe ng bata.
----

Monday ngayon and eto ako lantang gulay ang katawan. Meju maginhawa na din ang pakiramdam ko. Salamat na lang talaga kay CJ at Justin na nag alaga saken. Dun na nga din nagsleep over si Justin kasama yung kambal nong Sabado, pang night shift kase daw ang Mama nila kaya wala silang kasama. Yan kase palagi ang routine pag panggabi yung Mama nila nasa bahay sila, kaya sanay na mga yan. Nong linggo naman ay pati na din si CJ ay nandun. Dinala niya din dun yung baby sister niya na ikinatuwa naman ni Kikay habang si Kiki ay yun prenteng busy sa mga notebook at libro ko. Siya na nga din nag aayus ng mini shelf ko na may mga libro e. Minsan kinukulit nga eto ng kapatid at ng sister ni CJ.

The Billionaire's Daughter [ProfxStud • GxG]Where stories live. Discover now