Chapter 10: Bad Mood?

4.1K 159 18
                                    

"He's the daddy of my twins."

Laglag pangang nakatitig at napakurap lahat ng professors saken. Pabalik balik ang titig nilang lahat kay Justin at sa akin. Napakunot naman ang noo ko't parang wala naman akong sinabeng mali at parang nabagsakan sila ng malalaking tipak na yelo at hindi na nakapagsalita. Ramdam ko din ang talim na titig ng alien kong professor, seriously ano ba kabig deal ang nasabe ko?

Napasulyap din ako sa direction ni Professor Tan at dun ko nakitang nakangisi eto sa akin pati na din kay Justin na tinapunan niya ng titig.

Nang matauhan sila sa sinabe ko ay dun na sila nagsimulang paulanan ako ng mga tanong pero bago pa man ako makasagot ay hinablot na ni Justin ang braso ko palabas.

"Justin naman e ansaet na ng braso ko! Bitaw kase!" pasigaw kong sambit pero di ako neto pinansin at patuloy pa din ang lakad neto na parang walang pake.

"Isusumbong kita kay Tatay Rob!! Bitawan mo ko!!" feel ko lalagutan na ako ng hininga ambilis pa maglakad ng asungot na to. Ang isang hakbang niya ay parang ilang hakbang ko pa.

"Shut up! You're bubbling nonsense stuff. Can you at least think before you speak?" singhal neto na tinapunan lang ako ng tingin at pinatuloy pa din ang paglakad.

"If ayaw mo maging daddy nila--"

He glared at me at mas hinigpitan pa ang paghablot saken kaya wala na akong choice kundi manahimik at sumunod na lang. Napasimangot na lang ako't gustong magpadyak sa sinapit ko. Kung ayaw niya maging Daddy nila Kiki at Kikay ay edi wag! Ba't parang ako pa may kasalanan?

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa loob ng classroom at padabog pa ako netong pinasalampak sa upuan at pinanlisikan ng mga mata na animo'y sasabog na sa inis kaya imbes na makipagbardagulan pa ay pinili ko na lang na manahimik. Umupo naman eto sa likurang row at minasahe pa ang sentido na para bang may sumira ng araw niya.

Andito na din mga kaklase namin at parang mga bubuyog pa kung makaingay. Ang aga aga naku!

Tinapunan ko ng tingin si Justin at prenteng nakaupo lang etong nagbuklat na ng notes. Di ko na eto pinansin pa at nag umpisa na din akong maglabas ng notes ko ba't kase parang halos lahat parang may nirereview tinatamad pa nga ako e.

Lumipas ang 30 minuto ay wala pa din ang first subject professor namin, nakapagtataka e andun naman yun kanina sa canteen. Baka may urgent meeting? Waaahhh baka di na din matutuloy test namin! OMG naks naman rold thank you sa maagang blessing!

Umabot na ng almost one hour ay wala pa din yung professor namin kaya naisipan kong mag open ng cellphone ko muna.

Nang maopen ko yung data ko ay tumambad ang messages sa IG from Shayshay and kay CJ.

Base sa mga messages ni Shayshay ay parang pinapaguilty pa ako neto na nagseseen lang daw ako. Napailing at napangiti na lang ako. Nireplyan ko na lang siya na nagkasakit kase ako last weekend kaya ganon at nireplyan ko din si CJ na dun muna si XZ sa kanila kase wala pa ako talagang budget para sa pagkain neto. Awit need ko na ata mangkupit na naman kay Nanay ayaw naman niya akong patrabahuhin.

Second subject na pero wala pa din yung professor namin kaya di ko na inaaksaya pa ang panahon at pinuntahan ko ang direction ni Justin pero bago pa man ako makarating sa pwesto niya ay dinaanan ko muna si Almira na tahimik lang na nagcecellphone din at nakaearbuds pa. Kinalabit ko eto at iniangat naman neto at tingin saken.

"Bakit?" tanong neto habang nakatitig saken at inaayus ayus ang specs sa ilong niya.

"BR tayu sa CODM"

"Sige tara!" excited na sambit neto at napagpasyahan ko na lang na umupo ako sa tabi neto at humarap ako sa direction ni Justin na seryusong nagcecellphone pa din.

The Billionaire's Daughter [ProfxStud • GxG]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin