Chapter 17: Stop Running?

3.9K 166 18
                                    

"ALEXANDRA!!"

Ayuko ngaa 😭 Ayuko na pumasok! Ayuko nang magdusa!

Oh mahabaging Emre, nawa'y ako'y iyong protektahan sa tigreng eto.

"Babangon ka diyan o lilipad tong tsinelas na to sa pagmumukha mo? Aba'y anong oras na? Natapos ko na lahat ng mga gawain ikaw tulog mantika pa din diyan, ano papasok ka pa ba o lalayas na lang?"

Gising na gising ang diwa ko Nay, okay? Ilang araw na din akong di nakakatulog nang maayus kaya! Kung halos pa lang tatakbuhin ko buong kanto nang madaling araw e!

Nay kung alam mo lang, ilang araw na akong nagtitiis. Halos pasan ko na ang buong mundo sa problema ko tapos palalayasin mo lang ako, paano pa kaya if malaman mong sa ilang araw na pagpunta ko sa eskwelahan di naman talaga ako napasok? 😭😭

"Aba sinusubukan mo talaga akong bata ka ha, teka asan na yung walis ko at ma--"

"G-good morning, Nay...eto na nga baba-arayy!"

"Kumilos ka na diyan!!"

Ang almusal ko po ngayon ay bardagulan na naman..haysstt!

San naman kaya ako patutungo pagdating sa eskwelahan? Sa loob ng isang linggo nagawa kong pumasok sa Greenbelt nang hindi pumapasok sa klase niya. Halos maging ninja na ako araw araw para lang di magtagpo ang landas namin. Anong klaseng sumpa to, Lord?

Ilang araw din akong nagtiis kumain nang hindi sa canteen buti na lang nasasamahan ako ni Zara dun sa puno lagi nakain at siya pa ang tagadala ng pagkain. Ilang araw na ding kinikwestyun ni Justin yung paabsent ko kit nagkikita naman kami sa loob ng campus buti na lang di na minsan pa namimilit na magtanong, wag na wag niya akong subukan, siya lang naman dahilan kung bakit naging ganto kalubha ang sitwasyon ko.

"Andun na uniform mo nakaplantsa at nakahain na din dun ang almusal, bilisan mong kumilos at ako'y rinding rindi na sayung bata ka.."

Oo nga pala may uniform na kami. Kung dati excited ako na suotin eto ngayon di na. Ang ganda pa naman sana kaso...

"Nay...diba maganda yung mga school dun kela Tita Elizabeth? What if dun na lang kaya ako Nay?"

"Alexandra ako ba'y pinagloloko mo? Ano na namang kahibangan ang nagawa mo? Huling banggit mo nang ganyan ay muntik na kitang mabitay sa harap ng kaklase mo.."

Aba'y may balak pa talaga tong ibitay ako? Tandang tanda pa nong highschool ko ah, astig naman ng brain mo Nay, pinapahamak ako lagi.

"Joke langgg!"

"Bilisan mong kumilos at daanan ka dito ni Tintin, dun ka na sumakay sa motor niya simula ngayon. Di ka na makakabike sa uniform niyu na yaan..at para maaga ka ding makauwi...yang buhok mo naninilaw na naman, kulayan naten yan pag uwi mo mamaya...naku Alexandra kelan ka pa matutong mag ayus ng sarili mo? Ako na lang lahat lahat!"

Andami dami na namang pinagsasabe. At kung makaTintin ha, kelan ba sila naging close ni Justin asungot na iyun?

Anyway, I will miss you my baby kitty bikeee!

Dali dali akong kumaripas sa banyo para maligo. Maya maya pa'y narinig ko ang pagring ng aking cellphone na ilang days ko nang di tinitingnan, nakakatrauma kaya! Buti na lang dineactivate ko lahat ng social media accounts ko, kaya safe! Magbabagong buhay na ako!

"Nay, pakisagot nga pleasee!"

Si CJ na naman to siguro. Halos gabi gabi natawag simula nong nagdeactivate ako, ba't ngayon ang aga yata tumawag?

Bahala siya diyan, si Nanay kausapin niya at ako'y maliligo pa.

Haysss anlamigggg huhu!

"Oh ano magtitigan na lang ba tayu? Aba galaw galaw naman, ako lang lagi nag aadjust tuwing nanlalamig ka sa akin na parang kasalanan ko pa! Maliligo lang naman ako tas ikaw pa tong cold saken.."

The Billionaire's Daughter [ProfxStud • GxG]Where stories live. Discover now