Chapter 33

15 1 1
                                    

"Bye, Ayu! Ingat ka dito" nakangiting sabi sa akin ni Abby. I just waved my hand while watching them walking away from me. Parang pumikit lang ako at pagdilat ko aalis na ulit sila.


"Please take care of yourself..." Enzo whispered. "Hmm.. You too. I love you" I whispered back. 
"I love you so much" napangiti lang ako sa sinabi niya. Lumakad na din siya pero huminto ulit at tumakbo palapit sa akin para yakapin ako.


I let him feel my warmth before going back to Philippines. I smiled when he started to walk but deep inside me I want to cry. I want to say don't leave.. I want to say please stay with me, but I stop myself ayoko siyang pahirapan.


After that day ay back to normal nanaman ako. Bahay. School. Bahay. Minsan ay lumalabas ako, nags-shopping nagha-hang out with my friends pero hindi lagi. I wonder what they're doing right now kaya? 


Sophie's POV  

"Hmmm... Ano kaya pwedeng gawin?" nag-iisip na sabi ko. 


"Gumala tayo" suwestiyon ni Naftali. Napatango ako "Kaya nga, saan naman tayo pupunta?" tanong ni Misara. "Anong oras na ba?" tanong ko. 


"Mag aalas-kwatro pa lang ng hapon" sagot naman ni Sheena."Tara mag arcade tayo!" nakangiting aya ko sa kanila. Lumiwanag ang kanilang mukha at nagsi-ayunan na lang sa gusto kong mangyari.


Katulad noon wala si Isabella, Enzo, Abby at Brent. Di na counted yun si Ayumi dahil sa ibang bansa nakatira. Naglalakad kami papuntang parking lot when I saw Isabella and Enzo talking. Enzo looks serious hindi ko lang makita ang itsura ni Isabella dahil nakatalikod siya but I'm sure that It's her.


"Oh! Ayon pala si Enzo eh!" tinuro ni Naf si Enzo "Enzo!" tawag niya dito, lumingon ito pati na rin si Isabella. "Bakit magkasama kayo?" tanong ko. 


"May tinanong lang ako kay Enzo about sa topic, same kasi kami ng pinag-aaralan" sagot ni Isabella. Ah kaya siguro seryoso si Enzo kanina. Pansin ko din  pala onting panahon na lang mag 4th year na kami. 


Isinantabi ko muna ang isipin na iyon, sumama na din ang dalawa sa amin dahil wala na pala silang klase. Nasa kanya-kanyang sasakyan ang lahat habang nandito ako sa car ni Josh. "Soundtrip tayo ah" nakangiti kong sabi, tumango lang siya.


"Bakit parang lahat na lang ng sinasabi ko sumasang-ayon ka?" tanong ko.


"Bakit naman hindi?" aniya. 

"Bakit nga?" tanong ko. "Eh, syempre, master kita eh" biro nito, pabiro ko naman siyang hinampas. Hinatid niya lang ako bago siya tuluyang umuwi na. "How's you day?" tanong ni ate. Nagtataka ako dahil hindi naman siya usually nagtatanong sa akin ng ganito.


"Okay naman" sagot ko. Umakyat na ako at tuluyan nang nagpahinga. This day is a tiring day. Parang ayoko na mag-aral .


Ayumi's POV

Months had passed at ilang araw na nalang ay Anniversary na namin ni Enzo kaya naman ay nag-iisip na ako sa kung ano ang pwede kong iregalo sa kaniya. Hindi ko din alam kung makaka-uwi ba ako ng Pinas dahil sa dami nang pinapagawa sa amin.

Perfect Match; FBIIJOG: Book 2Where stories live. Discover now