Chapter 03

58 2 0
                                    

The party went well. They even introduce Ayumi in front of many people and she's so kind. Parang ang dali-dali sa kaniya na makipag-usap sa mga tao.

She's so pure and she's beautiful. I can't stop myself for saying she's beautiful 'cause she really is.

And of course, hindi mawawala na maramdaman ko ang inis when I knew that she already had a boyfriend and it's Ethan.

A lot of people admire the both of them except me. Hindi naman sila bagay. I groaned when I saw how he held Ayumi's waist.

"What's wrong, bro?" Brent ask me. Hindi ako pwedeng magpahalata dahil si Brent magaling mag observe. Tsk.

"Nothing, I just want to go home." I sigh a bit.

"Ang arte mo! Minsan ka na nga lang lumabas gan'yan ka pa! Huwag ka mag-aalala malapit naman nang matapos ang party" sarkastikong singit ni ate.

Kahit kailan talaga paepal siya.

After the party, we went home dahil nga sa ayaw ko nang magtagal doon. Pag-uwi ay naligo at nagpahinga na rin ako.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mukha ni Ayumi at sa tingin ko ay mas mababaliw pa ako sa kaniya ng todo.

Nang hindi makatulog ay nag-open ako ng Facebook ko, I tried to search for her name and it easily appeared.

Ang kaso nga lang ay tatlong picture lang ang naroon, her first profile picture, her second profile picture and she's with Ethan and lastly is her cover photo.

Iyon lang at wala na, it was months ago so I guess she's not that active in Facebook, I logged out and tried to open my Instagram.

I tried to search her also and may lumabas naman mabuti at hindi ganon kahirap hanapin ang IG niya.

Masisiyahan na sana ako nang mapagtanto kong naka private ito. Nag dalawang isip ako kung mag re-request ba ako o hindi.

Sa huli ay napagdesisyunan kong huwag na lang  at gumawa na lang ng ibang account. Mabilis akong gumawa ng new email para hindi hassle sa paggawa dahil kung same email lang ang gagamitin ko ay mahihirapan ako.

After I made a new email, gumawa na agad ako ng bagong acc. I use different name and photo and after I settled my account nag request na ako sa kaniya.

Nag-intay lang ako ng ilang minuto, baka kasi i-confirm niya, pero nang dumaan ang ilang oras ay napagdesisyunan kong matulog na lang.

Kinabukasan ay agad kong tinignan ang cellphone ko at nagulat nang makitang cinonfirm niya na ako pero hindi finollow back, ayos lang basta makita ko lang ang feed niya ay okay na.

Agad ko siyang inistalk at doon ko nakita ang mga post niya. Mas active pala siya dito kaysa sa Facebook.

Iba-iba ang post niya, mayroong selfie niya, may mga beach photos, pictures with her friends, family and of course with her boyfriend.

Tinignan ko lang ang mga solo pic niya, matapos ay nagdesisyon na akong maligo dahil naalala ko may pasok nga pala kami.

Dumaan pa ang mga araw at time to time ko lang chinecheck ang Instagram niya, wala pa siyang bagong post ang last post niya ay 'yong birthday pa ng kuya niya.

"Himala, wala ka atang babae ngayon" biro ni Naftali sa akin. Ngumisi ako sa kaniya. "Nagbabagong buhay na kasi ako, hindi tulad niyo nakatuon pa rin ang atensyon sa maraming babae" asik ko.

"Asus!" sabay na sambit ni Naftali at ni Joshua.

Months passed by and I'm shocked when I heard the news about her boyfriend. He died because of a car accident.

Perfect Match; FBIIJOG: Book 2Where stories live. Discover now