Chapter 13

44 2 0
                                    

Andito kami ngayon sa isang Private Resort dito sa Pansol, Laguna. Para siyang bahay lang tapos may pool pero dalawa ang pool isa for adults and isa for kids.

May billiard hall, may videoke hall, may living room at kung ano pa.

Hanggang second floor ito at may mga kwarto. Mayroon ring isang basketball ring or half court ba para kung sakaling gustong maglaro ng basketball ay makakalaro ka.

Our parents are too busy even if our brothers and sisters are busy too, and since Abby will go to New York na we decided na mag double or maybe triple celebration.

Pagtungtong namin sa College, ang birthday ko at ang despedida para kay Abby.

We're now on a swimming pool except sa boys na nasa table at umiinom ng beer. Si Mich lang ang natatanging kasama namin dito sa pool.

Pag-akyat mo kasi mula sa pool ay mga limang hakbang lang siguro mula sa pool ay may long table na kung saan sa dulo ay nakalagay ang videoke.

Doon nakalagay ang mga pagkain na niluto ng boys. May chicken na inihaw, pork barbeque, rice, menudo basta ulam, mayroon ding fried chicken, may mga chichirya, mangga at syempre hindi mawawala ang bagoong.

Mayroon ding pata, sisig, may mga tacos, fries and burgers din and syempre hindi mawawala ang drinks like juice and water, softdrinks and beers.

Ang car naman ay naka park so bale isang van at isang car which is 'yung car ni Enzo kung saan kami sumakay papunta dito.

Dahil hindi rin kasya ang ilang gamit sa van ay may silbi din ang pagdadala ni Enzo ng sasakyan.

Umahon ako sa pool nang makaramdam ng gutom. Tumabi ako kay Enzo, nilagyan niya naman ako ng towel sa balikat ko at isa sa lap ko.

He gives me food nang sabihin kong nagugutom ako. "Do you want sisig?" he asked.

"Yes please." nakangiti kong sabi.

"Ayan na! Kaya ayaw namin kayo kasama eh!" singit naman ni Joshua kaya ay nagtawanan kami.

Maya-maya lang ay umahon na din sila para kumain. "Op! Teka lang!" si Naftali.

They opened the cake tsaka sinindihan ang kandila. "Let's sing a happy birthday for Ayumi!" si Enzo.

Sobrang saya niya tignan ngayon, madalas kasi ay masungit talaga ang itsura niya kahit kasama namin ang mga kaibigan namin pero kapag kami-kami lang ay doon niya nilalabas ang kulit niya, lalo na kapag kaming dalawa na lang ang magkasama.

They all sing happy birthday at nakangiti lang akong pinapanood sila. Lahat sila ay nag vivideo maliban sa akin at kay Enzo siya kasi ang may hawak ng cake.

"Make a wish, babe" he whispered. I smile and close my eyes.

I wish a unending happiness, a peaceful life and no more pain to come.

And after I say that on my mind I open my eyes and blow the candle, they all shouted. Si Abby din ay may cake.

They all gave me a gifts and we give Abby a gifts too. Hindi ko muna inopen ang mga gift nila sa akin, inakyat ko muna ang mga iyon sa kwarto.

Sinamahan ako ni Enzo iakyat ang mga ito. Nang mailapag ay naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko.

"Happy birthday, my love" he whispered. I look at his eyes, para akong hinihigop ng mga tingin niya. I smiled.

"Second birthday, with you..." I whispered.

"I love you" he said while holding my face carefully. I reach his lips to kiss him and he kissed me back.

Naitulak ko siya nang biglang pumasok si Isabella sa kwarto. Gulat siya nang makita kami. "Ops! I'm sorry!" aniya saka dali-daling lumabas.

Nag katinginan kami ni Enzo pero parehas ring nag-iwas ng tingin. That was so embarassing! Pinsan ko pa ang nakakita!

Bumaba na lang kami ni Enzo at sila naman ay nag-iwas ng tingin. I know they knew, madaldal si Isabella. Nagpipigil naman ng ngiti si Isabella.

"Okay I know what's inside of your mind! Just forget about it!" asik ko naman.

"Wala naman kaming sinasabi!" ani ni Sophie bago tumawa, at doon na sila nagtawanang lahat maliban sa amin ni Enzo.

"Let's continue our kiss when they're sleep later" Enzo whispered before go to his chair, he sip on his beer. Sinamaan ko siya ng tingin.

Wala na kaming ibang ginawa kundi ang magswimming at kumain ganoon lang hanggang sa dumating ang madaling araw, at makaramdam ng antok ang lahat.

Sa kwarto ko ay kasama ko si Isabella, sa kabila naman ay si Abby and Sophie tapos sa isa pang kwarto ay sina Sheena, Mich and Misara.

Si Enzo at Brent naman ang magkasama sa room tapos si Naftali at Joshua ang sa last room.

Maaga ako nagising dahil sa bango na naamoy ko. Wala na si Isabel sa isang kama at tanging ako na lang ang natira sa kwarto namin.

Mabilis akong nag-ayos bago lumabas, nakasalubong ko pa si Enzo sa hagdan. "Goodmorning, love." he greeted may suot pa siyang apron.

I furrowed "Goodmorning. What's with that apron?" I asked while pointing his apron, tinignan niya rin iyon bago ngumiti sa akin.

"We cooked breakfast. Naftali, Josh, Brent and I" he smiled. Pumunta na kami sa iba pa naming kasama, agad na bumungad ang masasarap at mabangong amoy na pagkain.

There's a spam, hotdogs, little fried fish I don't have an Idea what is it. May egg din. May mga toasted bread, there's coffee too.

"What is this?" Amber asked innocently while pointing to the fish.

"Ah, dilis 'yan tapos ay tuyo" sambit ni Sheena.

"I thought you guys cooks this?" si Sophie.

"We're the one's who cook it but we don't know what is it called. Well, except kay Joshua." sambit ni Brent kaya naman ay natawa kami.

Mayroong fried rice kaya iyon ang inuna ko. Si Enzo naman ay naglalagay ng pagkain sa plato ko at sa plato niya.

"Try this" aniya nang ilagay niya sa plate ko iyong dilis. "Thank you" I whispered.

Nagsimula na kaming kumain at magkwentuhan. "So, Abby. Kailan ka uuwi niyan?" tanong ni Isabella.

"Well, maybe after some Modeling Shows" she answered. "By the way guys,I  talked to my manager and based on her there will be a runway show, I would like to invite you all sana" she added.

"Well, that's great! We would love to go!" masayang sabi ko.

"Yeah, and we're always free just for you" si Sophie. Kung ano-ano pa ang pinag-usapan namin hanggang sa nakauwi na kami.

Amber's POV

"I'll gonna miss you guys!" sabi ko sa kanila. We're now on the Airport. "Please take care of yourself here. I will see you all soon" I smiled.

Lumapit si Ayumi sa akin at saka ako niyakap ng mahigpit. "Take care and have a safe and happy flight. We'll wait for you to come back" she whispered.

"Thanks, Ayumi" I smiled.

Brent help me to carry my bags. Ako na ang nagdala nang pumasok na ako sa loob, kumaway lang sila.

Hindi ko na sila nilingon dahil baka magbago ang isip ko at hindi na ako tumuloy. When I get inside the airplane I feel the loneliness though I am with my sister and soon I will be with my parents in our home.

Pagdating ko sa New York ay nalanghap ko agad ang hangin. "It's good to be back" I smiled a bit.

For sure I'll gonna miss Philippines.

Perfect Match; FBIIJOG: Book 2Where stories live. Discover now