Chapter 06

51 2 2
                                    

"Ha?" sambit ko. "Anong future husband? Mukha mo!" giit ko saka ko siya nilayasan.

"Hey!" napatigil ang paglalakad ko nang sumigaw siya. Masama ang tingin ko nang lingunin ko siya.

Natikom niya naman ang bibig at parang naging tuta ang itsura nang makita ang masamang tingin ko.

"I'm hungry, want to join me?" he carefully ask.

"Hindi ako gutom." nagsusungit na sabi ko sa kaniya.

"I know that you're hungry, let's go. Let's eat." aniya at lumapit sa akin paglapit niya ay hinapit niya ang bewang ko palapit sa kaniya.

"Ano bang gusto mong kainin?" bulong nito sa akin.

"Pagkain syempre! Ano ba dapat kainin?" tinulak ko siya ng bahagya.

"Ah.. Akala ko ako" biro nito saka ngumiti ng nakakaloko kaya naman ay nabatukan ko siya.

"Aw!" ngumuso ito.

"Halika na!" inunahan ko na siyang maglakad. Pumunta kami sa isa sa mga sikat na kainan dito sa Pilipinas.

Iyong KFC. Siya ang umorder para sa aming dalawa habang ako naman ay nag-iintay lang sa pagdating niya.

Nang dumating siya ay kumain na kami. "Hindi ka ba kumain kanina?" tanong ko sa kaniya nang makitang madaming extra rice.

Tapos ay may order pa siyang Chicken Packs! 9 pcs ang laman! Kaya ba namin ubusin yon!

"Hindi." sagot nito habang binubuksan ang kanin, nang mabuksan niya ito ay ibinigay niya sa akin at kinuha ang plato ko na hindi ko pa nagagalaw.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Hindi kasi ako nagutom kanina kaya hindi ako kumain" simpleng sagot nito bago sumubo.

"Ang init!" asik niya. Napangisi ako. "Ayan, kakamadaling sumubo, hindi muna kasi inihipan" natatawang sambit ko.

Sa loob loob ko ay natatawa ako dahil ganito lang siya kapag ako ang kasama pero kapag hindi ay nakikita ko kung paano siya magsungit sa iba.

Paano ko nalaman? I watch him from a far. Nga pala, nakausap ko na si Joshua at Naftali si Brent na lang ang hindi. Hinuli ko na siya dahil alam kong maiintindihan niya ako ng sobra sa desisyon ko.

Flashback

"Hey" I saw Joshua at the bench so I approach him.

"Hi, Ayumi. Wala kang klase?" tanong nito sa akin kaya naman ay nakangiti lang akong umiling sa kaniya.

Umupo ako sa tabi niya, itinabi niya ang binabasa niyang libro at nakangiti siyang tumingin sa akin.

"I want to talk to you sana" I whispered.

"Hmm"

"I want to tell you something..." I whispered again.

"What is it?" he asked.

"I want you to..." hindi ko matuloy ang sasabihin. I don't want to hurt him, but I need to do this ayoko nang patagalin pa.

Tahimik lang siyang naghihintay sa sasabihin ko kaya naman ay huminga ako ng malalim. "I want you to stop courting me..." sa wakas!

Tahimik lang itong tumatango "I'm sorry. Friends lang talaga, I appreciate your effort, I appreciate you and how you make me feel that I am loved by you but I don't feel same way." mahinahon kong sabi sa kaniya.

"Don't be sorry. I want this, I want to court you, It's all on me, It's my decision to do this and you don't have to say sorry. Thank you for letting me to court you." he smiled. I smiled too.

Perfect Match; FBIIJOG: Book 2Where stories live. Discover now