Chapter 19

36 2 0
                                    

Nang makarating kami kina Abby ay nag-uusap usap lang kami, kumustahan ulit. Lahat ay masaya and we're excited too para sa runway model ni Abby.

Sobrang galing niya kasi talaga. Hanga ako sa talentong meron siya. We take some rest dahil pagod ang lahat sa byahe, hindi naman kasi kami bumyahe na akala mo ay galing kang Laguna na pumunta lang sa Cavite.

Mabuti na lang at malaki ang bahay nila Abby at maraming guest room kaya hindi rin kami nahirapan sa kung paano matutulog.

Dumating ang Sunday and now we're getting ready to attend Abby's runway model. I'm wearing a black turtle neck longsleeve partnered with my pants and wearing a white coat. I'm wearing a ankle boots.

When everyone is ready, we go to the location. Nauna si Abby na pumunta sa location dahil kailangan maaga siya dahil aayusan pa siya.

Hindi rin sila pwedeng malate. Maya-maya pa ay nagsimula na and we're all amazed how beautiful the models are.

When it's Abby's turn. I look at her how she walks, how she make her face look more fiercer. She's so pretty. While watching her I accidentally look at Brent.

He's watching Abby with full of admiration, he looks like "He's inlove..." Enzo whispered. I look at him and I saw that he's looking at Brent too while smirking.

"Huh?" kunwaring tanong ko.

"Si Brent. He's inlove. I've never seen him smile like that even in you before" he grin. Napansin din niya pala 'yon.

Nang matapos ang runway nagulat kami nang may pa boquet si Brent sa kaniya. "Oh! Thank you, Brent." Abby smiled at him.

"You're so good. Ikaw ang pinaka maganda kanina..." he compliments.

"Really?" Abby laugh a bit. "Thank you" she smiled. She look at us and smiled wider "How's the runway model guys? Did you enjoy it?" she asked.

"Yeah! You're so pretty! Ang galing galing mo!" ani ko naman. We just ate at the restaurant and congratulate her.

Sinulit na namin dahil after this, back to normal nanaman kaming lahat.

Sophie's POV

Back to normal na ulit after maganap ang runway model ni Abby sa New York. Busy nanaman kaming lahat sa school works namin.

Months passed by and we're still busy studying. Abby keeps pursuing her modeling career. Sheena study hard, ganoon din naman ang iba especially si Ayumi.

Dumating din ang Christmas at New Year nang magkakasama kami pero hindi tulad noon na kumpleto kaming magkakaibigan, we celebrate Christmas and New Year with our own Family.

Bagong taon, bagong pagsubok, bagong problema, at bagong journey nanaman ng buhay ko. Marami akong gusto gawin, pero hindi ko magawa dahil nga sa school works ko.

I can stop naman since I already have position in our company but I chose to study and to finish my course na para kahit papaano naman ay may diploma ako sa paghihirap na ginawa ko sa pag-aaral.

Importante pa rin naman kasi ang pag-aaral. You can study naman even how old you are as long as you're dedicated to study.

But in my case I'm not, siguro ay nag-aaral na lang ako para sa diploma? Hindi ko alam kung bakit.

I'm thankful that I'm still studying kasi iyong iba nga ay hirap sa pag-aaral at pumapasok kahit walang baon, ako na walang problema ay sasayangin ko pa ba.

Habang nasa bench dito sa school ay nag d-drawing lang ako ng puno nang magring ang phone ko.

I check it and I saw Joshua's name on the caller's ID. I answer the call. "Oh bakit?" bungad ko agad nang masagot ang tawag.

"Kain tayo! Tapos na class mo? Sunduin kita, saan ka?" napangiti ako sa sinabi niya.

"Andito ako sa mga bench. See you!" and I ended the call, maya-maya lang ay tanaw ko na agad siya kaya mas lalo akong ginanahan.

Nang makalapit siya ay ngumiti ako "Saan tayo kakain?" malambing kunwaring tanong ko, malay mo libre niya kaya kailangan mabait tayo.

"KKB." sambit niya agad na naging dahilan kung bakit ako sumimangot kaya naman ay natawa siya. Trip talaga ako nitong lalaking 'to.

Sa loob ng ilang taon na nagkasama kami kahit noon pang nililigawan niya si Ayumi? Makulit siya, madalas kaming magkasama dahil gusto niyang marami siyang nalalaman tungkol kay Ayu.

Tahimik naman siya pero nilalabas ang kulit kapag kami ang kasama. Mahiyain din siya dati.

Kaso sayang lang ang pagkukwento ko sa kaniya dahil hindi naman pala siya ang sasagutin ng kaibigan kong 'yon!

"Joke lang! Sige na libre ko na" aniya kaya naman ay napatili ako sa tuwa. "Saan ba tayo kakain?" tanong ko.

"Basta tara! Alam kong magugustuhan mo doon!" ngumisi pa siya bago ako hatakin. Wala akong dalang sasakyan ngayon kaya naman ay nakisakay ako sa kotse niya.

"Ganda ganda ng mga sasakyan mo hindi mo ginagamit" sambit niya habang nag dadrive. "Alam mo ikaw magdadrive ka na lang dami mo pang sinasabi. Bilisan mo na! Sakto at nagugutom na ako" ngumuso pa ako kaya naman ay natawa na lang siya ng bahagya.

Pumunta kami sa isang kainan, akala mo ay may birthday dahil naka cater ang ayos ng kainan na ito. Iyon pala ay eat all you can siya.

Mas lalo akong ginanahan kaya naman ay hinatak ko na siya. May bakanteng upuan na malapit sa kuhaan ng pagkain at doon ko napiling umupo para malapit lang ako 'di ba!

"Tara na kuha na tayo!" sambit ko. Nag-iwan ako ng gamit na hindi nila maiisip nakawin, para lang tanda na may nakaupo na doon.

Kumuha ako ng plato at kutsara saka tinidor. Kumuha ako ng rice, kumuha ako ng ulam at kung ano-ano pa. Nakadalawang plato na agad ang bitbit ko sa unang kuha pa lang.

Ang isang plato ay kanin at ulam ang isang plato ay puro mga sushi rolls, salmon mga ganoon. Nilapag ko muna iyon at kumuha naman ako sa dessert station.

Nauna akong maupo kay Josh dahil namimili pa siya kung ano ang kakainin niya. Naupo na ako at naghintay sa kaniya.

Pagdating niya ay halos mabitawan niya ang plato na hawak niya nang makita ang mga kinuha kong pagkain.

"Kaya mo bang ubusin 'yan?" gulat na tanong nito  tinuro pa ang mga pagkain sa harap ko.

"Wala ka bang tiwala sakin" ngumisi ako. Napailing siya kaya naman ay pinitik ko siya sa noo.

"Kain na!" sambit ko at nilantakan na ang pagkain. Nakatingin siya sa akin at hindi makapaniwala, hinayaan ko lang siya dahil gutom talaga ako.

Nagustuhan ko din yung beef na may togue sobrang sarap! Matapos ang rice at ulam ay tumayo ako at kumuha naman ng pesto, palabok, spaghetti at carbonara. Pinagsama ko na sa isang plate iyon.

Pagbalik ko ay kumain pa rin si Joshua nang kung ano ang kinuha niya. Ang hina pala nito sa ganito.

"Alam mo, dapat sinusulit mo ang ganito no!" sambit ko. Pero nagmake face lang siya, inirapan ko siya at kumain na lang.

Kumain ako ng kumain hanggang sa makaramdam ako ng pagkabusog. "Hay! Busog!" sambit ko.

"Thank you sa treat, pretty boy!" ngisi ko bago maunang maglakad.

Masaya talaga kapag siya ang kasama lalo na kapag sa kainan. Napangiti ako.

Perfect Match; FBIIJOG: Book 2Where stories live. Discover now