Chapter 16

25 1 0
                                    

Ayumi's POV

Nagising ako nang maramdaman ko ang tila bang mahigpit sa kamay ko. Para akong nangangalay na ewan.

Nang idilat ko ang aking mata ay bumungad sa akin ang napakalaking aquarium. Kumunot ang noo ko dahil nasa stage pa ito. May magic show ba?

Tinignan ko ang buong paligid at para akong nasa abandonang theater. May upuan pa na nakapalibot at sarap ay stage na may aquarium. Punong-puno ito ng tubig at wala akong ideya kung para saan ito.

Nakagapos ang aking dalawang kamay patalikod pati na ang aking paa. Hindi ako makagawa ng ingay dahil maski ang bibig ko ay nakatali tapos ay may tape pa.

"Oh, you're finally awake." mula sa gilid ay may lumabas na babaeng naka suot ng puting maskara.

"Ang akala ko ay mamayang tanghali pa ang gising dahil ganoon naman talaga kapag mayaman hindi ba?" tanong nito.

"Anong pakiramdam na naghihirap ka ngayon?" hindi ko man nakikita pero alam kong nakangisi siya.

I need to calm as much as I can dahil kung maghuhurumintado ako at magpipilit kalasin ang sarili mula sa tali ay mawawalan ako ng lakas.

Mahigpit ang tali nila kaya alam kong kahit anong pagpupumiglas ang gawin ko ay hindi ako makakawala.

"Oh, you want to talk? Then go ahead!" asik pa nito.

Tanga din eh. Tinignan ko siya ng masama.

"Oh sorry, I forgot may tapal pala 'yang bibig mo" natatawa pa nito kunwaring sambit. "Tanggalan niyo ng tapal 'yong bunganga niyan" utos nito at mula sa kabilang gilid ng stage ay may lumabas na dalawang lalaki.

May sumunod na isa pang lalaki, naka hat ito na akala mo magician tapos ay nakamaskara at tanging bibig lang ang kita sa kaniya.

Hindi katulad ng babaeng ito na nasa gilid ko ay buong mukha ang may takip. Lumapit sa akin ang dalawang lalaki at tinanggal ang tape sa bunganga ko.

"Grrm" I groaned. Mahapdi iyon, binigla kasi nila.

Sunod naman ay lumapit sa akin ang may suot na hat at tinanggal ang telang nakatali sa bunganga ko.

Masama ko silang tinignan. "Hayop kayo! Mga walang hiya! Magsama-sama kayo sa impyer- ah!" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang sampalin ako ng lalaki.

Nalasahan ko ang dugo. Bwisit.

"Kung natulog ka na lang kasi kanina edi sana ay wala ka dito" ngumisi 'yung lalaki.

"I will make sure na mabubulok kayo sa kulungan!" sigaw ko. "Magsama-sama kayo na mabulok doon!" sigaw ko ulit.

"Iyon ay kung kaya mo at kung buhay ka pa, kayong dalawa ng lolo mo" at saka sila sabay na tumawa.

"Mga hayop! Ilabas niyo ang lolo Hector ko!" sigaw ko pa. Tumigil sila sa pagtawa at tinignan ako. Ngumisi ang lalaki at alam kong ganoon din ang babae.

Pumalakpak ang babae at mula sa itaas ay nakita ko ang lolo ko na nakaupo sa isang swing, napapalibutan ito ng kadena na may padlock.

Walang malay ito. "Lolo! Wake up! Lo!" sigaw ko, nangilid ang mga luha dahil hindi ko kayang tignan ng ganoon si Lolo.

"Anong gagawin niyo sa lolo ko?!" doon ako ay humagulgol ng sigaw.

"Hm. Let me give you some clue" kunwari pa itong nag-isip. "Bukod sa ilulubog at kukuryentehin namin siya ano ba ang pwede?" nakangiting tanong ng lalaki sa akin.

"Mga hayop!!" halos mapaos na ako kakasigaw sa kanilang dalawa.

"Ah!" sigaw din ng babae. "Alam mo nakakarindi ka! Mas mabuti pang naka tape 'yang bunganga mo!" asik nito.

Perfect Match; FBIIJOG: Book 2Where stories live. Discover now