Chapter 17

29 1 0
                                    

Sophie's POV

"Sheena lumabas ka diyan!" sigaw ko. Galit na galit kong pinasok ang bahay nila. Sunod na pumasok si Enzo.

"Walang hiya ka!" sigaw ko ulit, pero natiklop ang bibig ko nang makita ko siya na nakatali sa kama at umiiyak.

"Aarte ka pa ng ganiyan walang hiya ka! Asan ang kaibigan ko!" sigaw ko ulit, pinigilan ako ni Isabella.

"Sophie! Calm down!" sigaw ni Abby.

"Paano ako kakalma Abby?! Nawawala si Ayumi at si Lolo Hector! At siya ang dahilan kung bakit sila nawawala! Siya ang may pakana!" sigaw ko.

Tinignan ko siya ng masama at umiiyak itong umiling. Hindi makapagsalita dahil may tape na nakapaikot sa bibig niya.

"Pero hindi rin mareresolba ang problema kung sisigaw at magwawala ka! Let her talk! Hindi mo ba nakikita ang sitwasyon niya?! She's a victim too!" asik niya kaya naman ay hindi ako makapagsalita.

Ngayon ko lang ulit siya nakita na magalit ng ganiyan.

Tinanggal ni Joshua ang tape na nakapaikot sa bibig niya. Nang matagal at doon siya humagulgol ng iyak.

"Please tell us the truth" mahinang sambit ni Abby.

"Hindi ko alam kung saan dinala ni Mama si Ayumi at si Lolo Hector..." humihikbing aniya "Wala akong kasalanan. Iginapos nila ako para hindi ko kayo mapuntahan, para hindi ko masabi sa inyo ang plano niya" aniya pa.

"What are you talking about?" Enzo asked.

"May plano silang kidnappin ang isa sa pamilya ni Ayumi pati na rin siya. Hindi ko alam kung saan, itinakas ni Mama ang mga kapatid ko at iginapos niya ako dito mag-isa" sambit niya.

Ngayon ko lang narealize na wala siya sa race ni Joshua, hindi din namin siya nacontact. Nagsisi ako bigla sa mga nasabi ko sa kaniya kanina.

Dapat ay hindi ko pinairal ang galit ko.

"Pero bakit ikaw ang sinasabi ni Ayumi na may pakana ng lahat ng ito? Ito oh" ipinakita ni Abby ang note.

Flashback

"Abby?" pumasok ako ng kwarto para hanapin siya. Nakita ko siya sa walk-in closet ni Ayumi at nakatayo sa bag section nito.

May hawak siyang yellow paper, at nakatulala ito. "Abby?" tawag ko ulit doon siya nagbalik sa ulirat. Kinuha ko ang papel at binasa iyon.

Guys,

Si Sheena... Siya ang may pakana ng mga ito... Tulungan niyo ako... Kami ni Lolo Hector...

- Ayumi

Lahat ng dugo ko ay umakyat sa ulo ko galit na galit na lumabas ng kwarto. Sinundan ako ni Abby, sumunod sina Isabella. Hindi nila ako napigilan na kahit sina Mommy.

"Sophie anak! Saan ka pupunta!" sigaw nila, pero hindi ako nakapagpapigil.

Nauna akong magdrive at alam kong nakasunod sila sa akin. Mabuti na lang at alam ko ang bahay ni Sheena.

End of Flashback

"Hindi, hindi si Ayumi 'yan. Noong lunes ay hinalukay ni Mama ang gamit ko at nakita niya ang isang papel na may sulat kamay ni Ayumi, kinuha niya iyon at hindi ko alam kung ano ang gagawin niya, pero isa lang ang alam ko ipinakita niya iyon sa isang kaibigan niya na marunong gumaya ng sulat kamay ng isang tao." paliwanag niya.

Kinalagan na siya ngayon ng tali, binigyan din namin siya ng pagkain dahil kahapon pa daw siya hindi kumakain, iniwan lang siya rito ng Mama niya.

"I'm sorry, Sheena." bulong ko sa kaniya.

Perfect Match; FBIIJOG: Book 2Where stories live. Discover now