Magtatanong pa sana ako nung may bigla akong narinig na yabag papalapit sa bench na inuupuan ko. Napatingin ako sa yabag na naringgan ko at hindi nga ako nagkamali, there's a man, kasing edad yata siya ng tito ko na youngest brother ni papa, so nasa mid-30s ito at may hawak siyang tatlong bouquet ng white roses. He approached some place where I saw standing the three kids earlier at nilapag niya ang bulaklak doon at tinignan niya ng matagal ang lugar na yon.

Hindi rin siya nagtagal at umalis na rin siya at dahil may nararamdaman akong may connection sa lalaki at sa mga batang ito kaya lumapit ako doon. I move aside the flowers at ayaw ko man, inalis ko ang may kahabaan nang damo doon at halos manginig ako sa takot at halo-halong emosyon ng may makita akong stone grave na may nakasulat na tatlong pangalan.

'Michael Lorenzo'

'Micaella Lorenzo'

'Marcus Lorenzo'

Napatingin agad ako sa tatlong bata na nakatingin na din pala sa akin at sa tinitignan ko at parang bigla rin silang natigilan as they are looking at the grave na hindi ko akalain na nandito sa isang malaki at must-see park sa residence namin. Wala sa hinagap ko na may lapida akong makikita sa park. Now I'm wondering kung may mga lapida rin sa ibang park. I shook off the thought. This is not the time to think about that.

Ngayon alam ko na ang unang step. I just need to call everyone-- wait. Naalala kong nagsinungaling sila sa akin at hindi ko pa pala sila handang makita. Pero it's inevitable not to see them lalo na kung iisa lang kami ng school. Pero, sasabihin ko ba ang tungkol dito? Even... rodney? Do I need to? Nah. Sa iba nalang wag lang siya.

I look at the kids na nakakapagtaka na naging tahimik pero naalarma ako ng makitang umiiyak sila, yung typical na bata pag nawawala sa isang lugar at hinahanap ang magulang. Humahagulgol na sila at hindi ko naman alam ang gagawin o tamang sasabihin.

"Ate kayla... tulungan mo kami.... " biglang sabi ng bunso na si Marcus habang humahagulgol. May naramdaman akong luha sa pisngi ko kaya pinunasan ko agad ito.

I kneeled down to match his height and look at him pitifully.

"Bakit kayo nawala? Where are your parents? Your mommy?"

"Bigla nalang siyang nawala nung sinabi niyang magpupunta lang siya sa car para kunin ang food namin dahil nag picnic kami.. and bonding na rin since siya ang bago naming mommy.." Napatingin agad ako sa sinabi ni Michael. Stepmother pala nila ang kasama nila at ayon sa mga kwento niya, mukhang ang bago nilang mommy ang nag abandona sa kanila dito. Ayokong mambintang pero siya lang ang possibility suspect. Pero hindi rin.

Iniwan niya lang naman ang tatlong bata dito pero paano sila namatay?

"Hinanap namin si mommy chu nung matagal na siyang nawala.. halos libutin na namin ng mga kapatid ko ang buong park pero wala kaming nakitang mommy chu. Nagdesisyon kaming pumunta sa pinagparadahan ng kotse pero nawala na rin yon doon. Alam ko.. alam kong iniwanan niya kami dito dahil galit siya sa amin.. alam ko yon dahil naririnig ko silang nag-aaway tungkol sa amin, na bumalik na raw kami sa tunay naming mommy.." Pagpatuloy ni Michael. Lalo akong nakaramdam ng pag-iinit ng ulo at pagkulo ng dugo sa 'mommy chu' na yon.

"Natatandaan niyo pa ba kung paano.. Kung paano kayo nagkaganito?"

"Tumakbo kami palabas ng park at hinanap namin ang bahay namin.. hanggang sa maggabi pero hindi namin nahanap. Nag-aalala na ako dahil iyak na ng iyak sila Marcus at Ella.. ako ang kuya nila kaya hindi ako dapat umiyak at itinuro sa amin ni mama na protektahan namin ang isa't-isa pag may masamang mangyari. Nung nakita na namin ang *********subdivision na tinitirhan namin, biglang may nagtakip ng panyo sa amin at hindi ko na alam ang nangyari ate..."

So that's what happened. Mga walang puso at kaluluwa ang mga gumawa nito sa mga batang ito. They are evil monsters.

Hahawakan ko sana si Michael sa balikat pero tumagos lang ito kaya frustrated na napabuntong-hininga nalang ako.

"Huwag na kayong umiyak. I promise I will help you find the peacefulness that you deserve. Just leave this to ate Kayla.. " nginitian ko sila at vice-versa.

I will really find those sinisters who did this to them, pati ang stepmother nilang pinagsimulan ng lahat. Saktong-saktong subdivision namin ang tinitirhan nila.

****
LEIRA

Anong oras ba uuwi si Kayla? Alas 7 na ng gabi pero wala pa siya. Kanina pa ako paikot-ikot sa sala nila habang naglilinis si Feli na hinihiraman ko ng katawan paminsan-minsan. Hihi~ wag niyo sasabihin ah? Thanks!

Agad akong napatingin sa dumating at napatili ako ng makita ko rin siya sa wakas pero parang hindi niya ako narinig at napansin na dumiretso siya sa kama niya. So I followed her. Nakita ko siyang nakahiga padapa sa kama niya at para ngang natutulog na siya kung hindi lang siya bigla humiga paharap at tinignan niya ako na para akong isang bagay na misteryoso para sa kanya.

"Kayla, anong nangyari sayo? Anong nangyari sa lakad mo? Did you already know about what happened to you nung isang araw--"

"Oo alam ko na. Alam ko at alam ko na rin ang gagawin. Pero may gusto akong itanong sa'yo. Matagal ko na itong gustong alamin sayo kaso nakakalimutan ko dahil sa kadaldalan mo eh." I pouted. Nang-asar pa. Pero ano naman kaya yun? Yung gusto niyang alamin?

"Okay, ano ba yon?"

"Leira ba talaga ang pangalan mo?" Huh? Parang nabingi ako sa tinanong niya bigla. That's what I exactly said to her to which she groaned annoyingly.

"Sagutin mo nalang!"

"Oo, Leira talaga ang pangalan ko.. bakit nga kasi?" Napaupo na siya, indian seat, pero hindi niya ako nilulubayan ng tingin.

"Oh, may tanong ka pa ba? Alam mo kayla naguguluhan ako sayo ngayon."

"Ako din naguguluhan sa sarili ko.." Parang wala sa sarili niyang nasabi.

What happened to my best girlfriend? Hala!! O__O

Sinapian kaya siya ng masamang spirit?! Oh no! Hindi maaari!!

Joke. Ang OA!

Pero really, kakaiba siya ngayon at feeling ko... may mga malalaman akong hindi ko alam kung bad thing o hindi.

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now