(Part 50 Book 1: Ma'am, Sir, Maraming Salamat Po!: A Labor Day Special)

64 0 0
                                    

Maligayang Bati. Tara, sabay-sabay nating pakinggan ang aking kwento ngayong araw.


Ngayong araw ay ginugunita natin sa Pilipinas ang Araw ng Paggawa. Ang isa sa mga araw upang kilalanin natin ang kpntribusyon ng iba't ibang mga tao na pinaglingkuran tayo. Ang ating mga guro ay kabilang sa mga taong naglingkod sa atin. Dahil sa matapat nilang paglilingkod at walang kapagurang pagtuturo, maraming salamat po sa kanila. Ang tamang asal na itinuro nila sa atin ay mananatili sa ating puso't isipan habambuhay. Ang ating mga guro ang isa sa mga tumulong sa atin upang matuto tayong bumasa at sumulat. Sana ay pasalamatan natin sila sa simple nating paraan. Ang ating mga guro ay handa tayong gabayan kahit sa mga panahong wala na tayo sa loob ng kanilang silid-aralan. Maraming mga dahilan para nasabi ko sa aking puso na sila ay isang bayaning tunay. Iniisip nila ang kanilang mga mag-aaral bago ang kanilang sarili. Napakasaya sa pakiramdam na maging guro sila.


Pulis na matapat, isa sa mga tagapangalaga ng katahimikan at kaayusan sa ating mundo. Ang dedikasyon nila sa kanilang mga trabaho ay kahangahanga. Minsan kung sila'y mapapasabak sa mga delikadong misyon, pamilya nila'y pansamantalang iiwana upang tuparin ang misyon sa lugar na malayo mula sa kanilang pamilya. Ang panganib sa buhay nila ay hindi na halos nila inaalala, upang ang kaligtasan at kapayapaan para sa kanilang kapwa-tao ay kanilang masiguro. Pulis na maaaring maging huwaran ng mga kabataan, matapat sa serbisyo, marangal ang pagkatao, iniaalay ang kanilang lakas para sa ating bayan. Pulis na matapat sa ating bayan, sinisigurado ang kapayapaan para sa mga sa lahat ng tao lalo na para sa mga susunod na henerasyon.


Sundalong walang tigil ang serbisyo. Sa gyera, di nangangambang sumalakay kung kapwa nila ang maililigtas para sa isang mas masaganang buhay. Ang mga sundalo ay maraming mga aktibidad para sa kanilang kapwa-tao bukod pa sa pagsabak nila sa gyera para sa ating kaligtasan kung kinakailangan. Ang katawan nila ay walang kapaguran, dahil alam nilang tayo ang kanilang ipinaglalaban. Naniniwala ako na ang kanilang mga kalaban ay hindi nila nilalabanan para ituring na kaaway. Minsan talaga kailngan nilang lumaban upang mabawasan ang pagiging delikado ng sitwasyon. Kailangan nilang ipakita na laging may sundalong handang protektahan tayo sa lahat ng panahon. 'Yan ang sundalo, lumalaban para sa bayan.


Ang mga magulang kong palaging iniisip ang aming kapakanan, ako man sa kanila'y naakakasagot ng pabalang kung minsan. Handa nila akong unawain sa lahat ng panahon. Ang aking Daddy na handa akong tulungang pumunta patungo sa matagumpay na landas na aking patutunguhan. Ang aking mommy na ako ay kanyang isinilang. Ang dalawang mga magulang ko na masasabi kong lagi nila akong nauunawaan. Kahit anong mga pagsubok ang aking lalakbayin sa mga susunod na laban, maswerte ako dahil ang Panginoong Diyos ay nagbigay sa akin ng mga bayani na sasamahan ako sa aking daan patungong tagumpay. Ang aking tagumpay ay handa kong ialay sa kanilang lahat mula sa aking puso at isipan. Sila ay mga tunay na bayani.


Sa kanilang lahat, ang masasabi ng aking puso't isipan ay, Ma'am Sir, Maraming Salamat Po!


Maraming Salamat. God Bless.




Saludo Ako sa Mga Guro (PART 25-50-Original Duplicate Copy) (COMPLETED!)Where stories live. Discover now