(Part 47 Book 1: English)

48 0 0
                                    

Maligayang Bati. Tara, sabay-sabay nating basahin ang aking kwento ngayong araw.


Ang English ay isa sa mga asignaturang pinag-aralan natin sa ating paaralan. Ito ay napakahalaga sa pagpapatibay ng ating isipan. Isa sa pinakainteresadog napag-aralan natin tungkol sa English nung tayo ay grade school ay ang synonyms at antonyms. Isa ito sa pinakasimple ngunit pinkaimportante nating pinag-aralan. Maraming tulang english ang ating nakabisado sa anim na taon nating pag-aaral bilang grade school sa ating paaralan. Ang pagkasanay sa pagsasalita ng English ay mahalaga para kapag may nakausap tayong taong nagsasalita ng english ay makausap natin siya pero mahalaga pa rin na palawakin natin ang mga kaalaman natin sa sarili nating wika.


Ang paggamit ng tamang grammar ay mahalaga sa pagsasalita at pag-aaral ng english. Mahalaga na pag-aralan natin ang mga kaibahan at mga pagkakapareho ng present tense, future tense at ng fast tense. Isang halimbawa sa tamang pagsagot sa wikang english at sa wikang tagalog ay ang pagbuo ng diwa ng tanong kasama ang sagot para makabuo ng buong sagot. Halimbawa, ang tanong na "Ano ang iyong pangalan?" ay maari mong sagutin ng "Ako ay si ______, Ang pangalan ko ay ______, o kaya naman ay Si ______ ako. Ang halimbawang ibinigay ko ay isa sa mga paraan kung paano sumagot na may buong diwa.


Palagi nating tatandaan na kapag nagsusulat tayo ng pangungusap ay dapat inuumpisahan natin sa malaking letra at tinatapos natin dipende sa isinasaad ng pangungusap halimbawa ang tanong ay nagtatapos sa tandang pananong, ang salitang padamdam ay nagtatapos sa tandang padamdam pero may tuldok pa rin sa pinakadulo ng pangungusap. Ang salita tulad ng Nueva Ecija ay isinusulat sa malaking letra sa umpisa at ang salitang probinsya ay nagsisimula sa maliit na letra maliban na lang kung gagamitin ito sa umpisa ng pangungusap at sa umpisa ng bawat tuldok matapos ang isang buong pangungusap.


Ang pagiging dalubhasa sa asignaturang English at pagsasalita gamit ang wikang English ay madali lang pag-aralan basta pag-aaralan mo ito ng seryoso. Simple lang naman ang dapat mong gawin para maging matalino ang iyong kaalaman sa asignaturang English, makinig ka sa guro mo pag nagpapaliwanag siya sa harapan ng inyong klase. Bilang isang tao, napakasarap sa pakiramdam kung matututo din tayo ng iba't ibang wika dahil maipaparamdam natin sa kanila na tayo ay handang makipagkapwa-tao sa kanila. Tandaan kaibigan, higit pa sa pag-aaral mo sa wikang English at sa tamang grammar sa pagsasalita nito, mahalaga na pag-aralan natin ang sarili nating wika at ang tamang grammar sa pagsasalita nito.


Tandaan kaibigan, kung magaling kang mag English, naniniwala ako na magaling ka rin sa wikang Pilipino. Dahil bago ka matuto sa ibang wika, nararapat na pag-aralan mo muna ang sarili mong wika.


Maraming Salamat. God Bless.

Saludo Ako sa Mga Guro (PART 25-50-Original Duplicate Copy) (COMPLETED!)Where stories live. Discover now