Saludo Ako sa Mga Guro (Part 7 Book 1: Ang Medalya)

113 1 0
                                    

Maligayang Bati sa ating lahat. Narito ako ngayon upang talakayin ang inihanda kong paksa, Ito ay “Ang Medalya. Bakit nga ba nagkakaroon ng medalya ang isang tao? Ano kaya ang pakiramdam ng nagkakamedalya? Tara basahin natin ang aking istorya.

Medalya. Isa itong bagay na isinasabit sa'yo bilang palatandaan ng pagkilala sa'yo. Sa Paaralan, mag-aaral ng mabuti upang makamit itong ginintuang karangalan. Ibat-ibang patimpalak, lalahukan para sa medalya. Ang pagsusuot nito ay may kaakibat din na tungkulin kaya hindi madali ang masabitan ng medalya. Kung kailan ka pa may medalya, yun pa yung pagkakataon na parang lalo kang magkakaroon ng matinding pressure,

Ang halaga ng medalya ay habambuhay ng mapupunta sa pagkatao mo pag nagkaroon ka nito. Ikaw at wala ng iba ang magpapatunay ng halaga nito. Kung yung nagsabit nga ng medalya mo bilib sa'yo, ikaw pa kaya? Kayang kaya mo 'yan.

Pag dumating ang panahon na nagkaanak ka na kapwa ko kabataan, naniniwala ako ipagmamalaki ka niya. Sana'y ibahagi mo sa kanila ang iyong mga kaalaman.

Ngunit paalala lang, walang mabuting bagay ang hindi mo makakamtan basta pagsikapan mong makamit ito. Mag-aral kang mabuti.

Naniniwala ako proud ngayon yung Mga Guro mo pag nagkamedalya ka kasi kahit nung hindi ka pa nagkakamedalya, karangalan ka na talaga nila.

Maraming Salamat. Sa Diyos ang kapurihan. God Bless sa ating lahat.

Saludo Ako sa Mga Guro (PART 25-50-Original Duplicate Copy) (COMPLETED!)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz