(Part 49 Book 1: PE)

16 0 0
                                    

Maligayang Bati. Tara sabay-sabay mating basahin ang aking kwento ngayong araw.


Ang Physical Education o PE ay isa sa mga asignatura na pinag-aaralan natin sa ating paaralan na tumututok sa pagpapalakas ng mga sports at tinutulungan tayo upang tayo ay magkaroon ng sportmanship. Sa elementarya at sa mga iba pang baitang, kapag nagsasagawa ng PE ay nagsusuot tayong lahat ng jogging pants. Pinag-aaralan sa PE ang mga kasanayan sa iba't ibaang laro tulad ng basketball. Tayo ay dapat magkaroon ng tamang pila upang maging maayos ang ating paglalaro at pagsasanay kapag tayo ay nasa gym na upang isagawa ang ating mga aralin at mga aktibidad sa nasabing asignatura. Ang PE ay isa sa mga asignaturang tumutulong sa pagpapalakas ng ating katawan at resistensya. Mahalin natin ang asignaturang ito.


Maraming laro at mga pagsasanay ang ating isinagawa sa asignaturang ito. Ilan sa mga sports na pinag-aralan natin sa asignaturang ito ay ang Basketball, voleyball at marami pang iba. Napapalakas ng physical education ang ating resistensiya, napapatibay nito ang ating katawan at nabibigyan tayo nito ng mga dagdag-kaalaman. Sa paglalaro ng mga laro na sinanay at pinag-aralan natin sa PE, mahalaga na isipin natin ang ating kaligtasan upang maging sigurado ang ating kasiyahan. Tunay nga talagang ang asignaturang ito ay lagi nating matatandaan dahil sa mga pinatibay nitong mga ala-ala. Binigyan tayo ng asignaturang ito ng pagkakataon upang maipahayag natin ang pagmamahal natin sa mga sports.


Ang mga pagsasanay na ginawa natin sa asignaturang PE ay makakatulong sa atin upang magkaroon tayo ng mga maraming mga kaalaman upang tayo ay maging matalino sa paglalaro kung tayo ay isasali ng ating paaralan sa mga palakasang pang-lokal at kung tayo ay sasali sa palakasang pang-international. Kung tayo ay may mga kaalaman sa isang sport, mahalaga na ibahagi natin sa iba ang ating mga nalalaman upang sa pagdating ng maraming panahon, tayong lahat ay maging mahusay sa mga sports. Ang pagiging mahusay natin sa mga sports ay napatunayan na ng kasaysayan. Marami pang mga kababayan natin ang kikilalanin sa larangan ng mga sports sa pagdating ng marami pang mga panahon. Ang sports ay nakakatulong sa pagiging masigla natin.


Kaya ikaw kabataan, tuklasin mo kung saang mga sports mo gustong maglaro at sumali ka sa mga pagsasanay na may kinalaman dito upang lumawak ang iyong kasanayan at sumaya ang iyong puso at isipan. Marami tayong mga sports na pagpipilian at sa pagdating ng mga panahon, maraming mga sports pa ang isisilang. Sa maraming mga sports na isinisilang at nadidiskubre, maraming atleta ang nakilala sa buong mundo. Sport, ang isang bagay na tumutulong sa atin upang lalong malinang ang ating mga kakayahan. Tinulungan tayo ng mga sports na magkaroon ng sportsmanship. Sana ay tuklasin natin ang ating talento upang mapalawak natin ang ating mundo.


Sport, ang isang bagay na nagtuturo satin ng mga magagandang asal. Sportsmanship, dapat ipairal ng lahat ng mga atleta at mga taong nagsasanay upang maging atleta.


Maraming Salamat. God Bless

Saludo Ako sa Mga Guro (PART 25-50-Original Duplicate Copy) (COMPLETED!)Where stories live. Discover now