(Part 46 Book 1: EPP)

73 0 0
                                    

Maligayang Bati. Tara, sabay-sabay nating basahin ang aking kwento.

Ang Edukasong Pantahanan At Pangkabuhayan o EPP ay isa sa mga makabuluhang asignatura na ating pinag-aralan nung tayo ay nag-aaral sa Grade School mula Grade 4 hanggang Grade 6. Maraming mga gawain at mga proyekto sa asignaturang ito ang maaaring magdagdag ng kaalaman sa ating mga isipan katulad ng pagiimbak ng itlog na maalat, burong mangga at marami pang iba. Nagkakaron din tayo ng kaalaman sa pananahi ng iba't ibang sira ng damit tulad ng pagtahi ng butones at pagkilala at pagtahi sa iba't ibang uri ng punit sa tela. Isa sa pinakamahirap na ginawa natin sa pagtatahi ay ang pagpasok ng sinulid sa butas ng karayom. Ang isa pa sa pinakamasaya at pinakamakabuluhan na ginawa natin sa EPP ay ang paggawa ng iba't ibang likhang-kamay katulad ng pamaypay. Isa sa mga natutunan natin ay ang paglalagay ng didal sa ating daliri para hindi matusok ng karayom na ating ginagamit sa pagtatahi. 


Ang emery bag na karaniwang hugis kamatis at may pinong buhangin sa loob ay ginagamit upang mapatulis ang karayom. Kapag ibubuhol na ang tahi, ibinubuhol ito sa pagtusok sa tabi ng pinakahuli mong tinusukan at pinasukan ng karayom sa likod papuntang harap. Ang haba ng sinulid ay mula kamay hanggang siko. Ang kulay ng tela ay dapat tugma sa kulay ng sinulid para maganda ang labas ng iyong tinahing tela. Sa EPP natin natutunan ang iba't ibang uri ng negosyo na maaari nating paglibangan at pagkakitaan tuwing bakasyon upang masulit natin ang ating oras, Ang pag-aaral sa paggawa ng iba't ibang jam ay maaari nating mapakinabangan sa pamamagitan ng paggawa at pagbebenta ng iba't ibang uri at iba't ibang flavor ng jam. Ang pagiimbak ng prutas at pinaaasiman ito kagaya ng atsara ay naging parte na ng ating makasaysayang tradisyon. Sa pag-iimbak ng pagkain, siguraduhuhin natin ang kalinisan ng kapaligiran para maging ligtas ang pagkain at maging ligtas ang kakain nito.


Ang tamang pagpapalago ng iba't ibang negosyo ay natutunan natin sa EPP. Isa sa mga negosyong ito ang pagbebenta ng itlog ng manok at pagpoproseso ng itlog na maalat. Ang mga pagpoproseso at pag-iimbak na pinag-aralan natin ay mahalaga upang sa hinaharap ay alam na natin ang paggawa nito kapag gusto nating tumikim ng mga ito. Pero sana sa pagtikim ng iba't ibang inimbak na pagkain, isipin natin ang ating kaayusan at kaligtasan. Huwag naman tayong kakain ng binuring mangga ng masyadong maaga at sisikmurain tayo. Lagi nating tatandaan na ang pag-iimbak ay isa sa mga kaugalian na importante nating dalhin sa maraming panahon.


Sa pag-iimbak, napapatagal natin ang buhay ng isang pagkain at naiiwasan natin ang pagkain ng mga pagkaing masyadong maraming preservatives. Ang pag-iimbak ay isa sa maraming aral na natutunan natin sa EPP kaya huwag natin itong kalilimutan. Lagi nating muling babalik-aralan ang mga napag-aralan natin sa EPP para kapag dumating ang araw na ang isa sa mga pinag-aralan mo dito ay kailangan mo na, madali mo itong maisasagawa. Ang EPP ay isang napakagandang asignatura, hinihingi nito ang ating puso't isipan para lalo nating maunawaan ang mga aral na pinag-aralan dito.


EPP, ang isa sa mga asignaturang luminang ng ating talento sa ating puso't isipan.


Maraming Salamat. God Bless.


Saludo Ako sa Mga Guro (PART 25-50-Original Duplicate Copy) (COMPLETED!)Where stories live. Discover now