(Part 35 Book 1: Bayani Si Ma'am, Bayani Si Sir) (Orig. Duplicate)

48 0 0
                                    

Maligayang Bati. Sabay-sabay nating basahin ang aking kwento ngayong araw.


Si Ma'am ar Si Sir, isa sila sa mga taong nakakausap mo sa maghapon na pag-aaral sa iyong Paaralan. Ang mga taong magtuturo at nagtuturo sayo ng iba't ibang asignatura. Binabasahan ka nila ng iba't ibang makabuluhang istorya na makakatulong sa paggawa ng matibay mong puso't isispan at sa pagtalas ng iyong memorya. Si Ma'am At Si Sir, lumapit ka sa kanila at kanilang sasagutin ang iyong mga katanungan. Si Ma'am Si Sir, umulan, umaraw at bumagyo, pumupunta sa Paaralan. Kahit may bagyo ay inaasahan ang kanilang presensya sa Paaralan. 'Yan si Ma'am at Si Sir. Bayani Si Ma'am, Bayani Si Sir. Isang bayani na nagbibigay kabayanihan sa kahit anong uri ng panahon. Ikaw ay kanilang itinuturing na anak, sigurado 'yon.


Sila ay nagtuturo sa ating ng mga kaalaman sa asignaturang Matematika. Mga kaalaman na higit pa sa gusto nating malaman. Sa Agham, nagtuturo sila ng mga kaalamang importante sa  ating buhay, Sa Pilipino, Ilan sa mga tinuturo nila ay ang mga malalawak na salitang Pilipino na makakatulong sa ating memorya. Sa Makabayan, itinuturo nila ang iba't ibang yamang tao, yamang lupa at yamang tubig ng ating bayan. Sa HEKASI, isa sa mga itinuturo nila ay


ang iba't ibang makasaysayang lugar sa ating bansa.

Sa asignaturang MSEP, tinuturuan nila tayo sa iba't ibang disenyo ng pagguhit at tamang paraan ng pagkulay. Tinuturan din nila tayo dito ng iba't ibang awit at sayaw at iba't ibang aktibidad na makakapagpalakas sa ating pisikal na pangangatawan. Sa English itinuturo nila sa atin ang tamang paggamit ng grammar at iba't ibang mga aral na magbibigay ng dagdag kaalaman sa ating puso't isipan. Maraming mga bagay ang kanilang itinuro sa atin upang sa hinaharap ay ang mga bagay na 'yon ang maging dahilan upang tayo ay

magtagumpay sa ating tinatahak na larangan.


Tinuruan nila tayo ng mga iba't ibang mga tula, mga istoryang binigyan tayo ng mga magagandang aral na ating laging babalik-aralan upang bigyan tayo ng mga makabuluhang aral. Ang iba't ibang awit ng mga kapatid nating katutubo ay napakasarap pakinggan sa ating mga tenga. Sana ang mga bagay na itinuro ni Ma'am at ni Sir ay lagi nating aalalahanin at iingatan sa ating puso't isipan. Para maituro niya sa atin ang mga bagay na ito, maraming lakas at panahon ang kanyang inalay. Sana pagpalain ng ating Panginoong Diyos si Ma'am at Si

Sir.


Mula sa aking puso't isipan, Bayani si Ma'am, Bayani si Sir.


Maraming Salamat. God Bless.

Saludo Ako sa Mga Guro (PART 25-50-Original Duplicate Copy) (COMPLETED!)Where stories live. Discover now