Part 20 Book 1: Farewell Party

50 1 0
                                    

Maligayang Bati. Ang aking paksang tatalakayin ngayong araw ang tungkol sa "Farewell Party". Ano-ano nga ba ang mga kaganapang nangyayari sa araw na ito. Tara sabay-sabay nating gunitain ang mga ito.

 Ang Farewell Party ay ginagawa ilang araw bago ang Graduation. Sa araw na ito, nagbibigay ng mga mahahalagang payo ang Mga Guro para sa kanilang Mga Mag-aaral. Nagbibigay ng pansamantalang pamamaalam sa isa't isa ang Mga Guro at Mga Mag-aaral sa araw na ito. Ang Mga Magulang at Mga Guro ay nangangako sa isa't isa sa araw na ito na kanilang gagawin ang laht mapabuti lamang ang buhay ng kanilang Mga Mag-aaral, ang kanilang Mga Anak.

Ang Farewell Party ay mahalaga dahil ito ang isa sa mga huling party sa loob ng Paaralan na lalahukan niyo. Kaya nga, gawin mong makabuluhan ang aaw na ito. Makipagkwentuhan ka sa iyong Mga Guro at Mga Kaklase. Ito ang isa sa mga araw na pwede niyo munang isantabi pansamantala ang masyadong pagiging seryoso sa inyong mga aralin.

Naniniwala ako na darating araw na lahat tayo ay magiging matagumpay. Isa ang Farewell Party sa mga okasyong hindi makakalimutan ng ating puso kailanman. Pagpapatunay ito ng matibay na samahan ng isa't isa. Mula sa Guro na masipag, Mga Magulang na Matiyaga, Mga Mag-Aaral na Matalino Hanggang sa mga empleyado ng Paaralan na Masikap, lahat tayo kasali sa diwa ng Farewell Party.

Darating ang araw, ang Farewell Party ay hindi mo lamang ituturing na ordinaryong pagdiriwang, ituturing mo ito na isa sa mga mahahalagang kaganapan sa iyong buhay. Gawin sana nating makabuluhan ang Farewell Party. Mga Magulang, Mga Guro, Mga Empleyado ng Paaralan, Panginoong Diyos, Maraming Salamat Po sa inyong lahat. Pagpalain ng Panginoong Diyos ang mga taong sa amin ay nagmamalasakit.

Maraming Salamat. God Bless

Saludo Ako sa Mga Guro (PART 25-50-Original Duplicate Copy) (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon