Part 19 Book 1: Graduation

50 1 0
                                    

Maligayang Bati. Ang aking paksang tatalakayin ay tungkol sa "Graduation. Ano nga ba ang mga paghahandang ginagawa ng lahat para sa okasyong ito? Ano ang halaga ng okasyong ito? Tara, sabay sabay nating alamin at basahin.

Taon-taon, maraming mag-aaral ang nagsisipagtapos sa iba't ibang antas ng pag-aaral.  Ang Mga Magulang ay pinupulong upang pag-usapan ang tungkol sa Graduation. Bago magsipagtapos ang mga mag-aaral nagsasanay sila sa loob ng isang makatwirang panahon para sa mga aktibidad sa Graduation. Nagdadaos rin sila ng Farewell Party sa Paaralan. 

Sa Araw ng Graduation, nagsasabit ng mga bulaklak ang Mga Mag-aaral, kanilang Mga Magulang, kanilang Mga Guro at mga bisita sa araw na iyon, sa kanilang leeg na nakasanayang gawin sa okasyon na iyon.

Sa Graduation, nagpapasukan sa lugar na pagdadausan ang Mag-aaral, Mga Magulang, Mga Guro at mga panauhin sa subnod-sunod na pila. Umaait dito ng Graduation Song at mga iba pang mga awit. Nanunumpa ang mga Graduate ng kanilang pangako. Inaawit nila ang kanilang Graduation Song ng may buong puso. Isa-isang tinatawag ang pangalan ng Mag-aaral para umakyat sa stage. Nagbibigay ng pahayag ang mga bisita sa Graduation at ang mga Valedictorian at Salutatorian.

Sa araw na ito, karamihan sa mga Mag-aaral ay nagpapahayag ng pagmamahal at pagmamalasakit sa isa't isa. Maraming luha ang pumapatak sa luha ng bawat isa. Tunay nga naman talaga na ang mga magkaklase, pagbali-baligtarin man ang Munndo, magkaklase pa rin.

Mahalaga na ang diwa ng Graduation ay ating pairalin sa ating buhay araw-araw. Sumisimbolo ito ng pagmamahal at pagmamalasakit sa isa't isa. Maraming Salamat Panginoon sa lahat.

Maraming Salamat Po Sa aming Mga Guro at Mga Magulang, Graduation ko ay inyong ginawang posible.

Maraming Salamat Po. God Bless.

Saludo Ako sa Mga Guro (PART 25-50-Original Duplicate Copy) (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon