(Part 41 Book 1: Ang Kanilang Pagmamahal at Pagmamalasakit)

83 0 0
                                    

Maligayang Bati. Tara, sabay-sabay nating pakinggan ang aking kwento ngayong araw.


Sa ating buhay bilang isang estudyante, ang pagmamahal at pagmamalasakit sa atin ng ating mga guro ay nagbibigay sa atin ng inspirasyon upang lalo pa nating pagbutihin ang ating pag-aaral. Kapag ang aralin na itinuturo nila ay medyo hindi mo maunawaan, handa nila itong ipaliwanag hanggang sa maintindihan mo ito. Ang kanilang pagmamahal at pagmamalasakit ay palagi nilang napapatunayan sa pamamagitan ng kanilang mgagandang layunin para sa atin.


Sila ay isa sa mga nagiging gabay natin patungo sa ating hinaharap. Itinuturo nila sa atin ang mga dapat nating gawin upang tao ay maging matagumpay sa ating mga mabubuting ninanais. Palagi nating susundin ang mga magaganda nilang payo sapagkat ito ay para sa atin. Kapag tayo ay mayroon nang asawa at anak, ituro natin sa ating mga anak ang mga magagandang aral na itinuro nila sa atin. Tayo sana ay magmahal at magmalasakit din sa ating mga anak kagaya ng ginawa nila.


Ang mga aral na natutunan natin sa kanila ay habangbuhay na magdadala sa atin sa isang maligayang buhay. Sana ay ibahagi natin sa ating mga kapwa-tao ang mga aral na kanilang itinuro sa atin. Ang kanilang pagpupursigi at kagustuhan na maituro sa atin kung ano ang tama ay ang nagdala sa atin patungo sa ating kinaroroonan. Ang mga kaalamang itinuro nila ay magbukas sana ng mga mararaming oportunidad para sa atin. Sana ang mga bagay na natutunan natin ay maging paraan upang mas marami pang bagay ang ating matutunan.


Tayo sana ay palagi nating aalalahanin ang kanilang pagmamahal at pagmamalasakit sa atin. Sila ay nagiging istrikto sa pagsigurong natututo tayo sa mga araling itinuro nila dahil sa bandang huli ay tayo rin ang makikinabang sa mga ito. Tayo ang aani sa mga itinanim nating pagintindi at pagunawa sa ating mga aralin sa klase. Tayong lahat ang aani ng mga ginintuang sakripisyo sa ating puso't isipan. Mabuhay ang mga guro.


Mahalaga na ang bawat isa sa atin ay matututunang tuklasin ang kahalagahan ng bawat isa. Pagpalain ng Panginoon ang ating guro at ang kanyang mga estudyante.


Maraming Salamat. God Bless.


Saludo Ako sa Mga Guro (PART 25-50-Original Duplicate Copy) (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon