Saludo Ako sa Mga Guro (Part 17 Book 1: Diploma)

65 1 0
                                    

Isang Matiwasay na Umaga sa ating laat. Ang aking paksang tatalakayin ay tungkol sa "Diploma". Ano nga ang halaga ng Diploma? Tara sabay-sabay nating alamin at basahin.

Ang Diploma ay ang isa sa pinakamahalagang bagay na makakamit ng isang Mag-aaral. Nagpapatunay ito ng ating makabuluhang papupunyagi kasama ang ating Mga Guro at mga Magulang. Mahalaga na sa araw na ito at sa lahat ng mga araw ay magpasalamat tayo sa Panginoong Diyos at sa kanyang Anak dahil nilikha niya tayo at ang mga tao sa sanlibutan, maging ang sanlibutan ay kanyang nilikha para sa atin. Palaging tatandaan, maraming bagay na nilikha ang Panginoong Diyos para tayo ay magabayan niya sa araw-araw na buhay natin.

Mag-aral ka ng mabuti upang makamit mo ay iyong Diploma. Masarap sa pakiramdam ang magkadiploma. Gawin mo ang lahat ng mabubuting bagay upang ipakita sa buon Mundo na ang Diploma mo ay karapat-dapat para sa'yo.

Maraming sakripisyo, maraming pawis at higit sa lahat, maring pasensiya ang inalay ng Mga Magulang at Mga Guro mo para makamit mo sa wakas ang pinakamimithi mong diploma, kaya pag nakuha mo na 'yan, pag-ingatan mo ito at alagaan ang halaga nito para pag nagkapamilya ka na, maipagmamalaki ng Mga Anak mo ang iyong pagsisikap at para pag nagkaanak sila maipagmalaki ng mga anak nila ang kanilang Diploma.

Tunay nga talagang masarap magka-Diploma. Hindi lang ito pagpapatunay ng pagtatapos mo sa isang antas ng iyong pag-aaral, patunay ito ng pagkilala ng iyong Paaralan sa katalinuhan mong tinataglay. Galingan ang iyog pag-aaral upang ang Diploma ay magpatunay ng iyong katalinuhan.

Mga Magulang, Mga Guro, tayong lahat ay pagpalain sana ng Panginoong Diyos.

Mga Magulang, Mga Guro, Panginoong Diyos, Maraming Salamat po sa lahat. Sa Diyos ang kapurihan.

Ito po ang aking kwento. Maraming Salamat po sa pagbababasa. God Bless.

Saludo Ako sa Mga Guro (PART 25-50-Original Duplicate Copy) (COMPLETED!)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن