(Part 42 Book 1: Sining)

25 0 0
                                    

Maligayang Bati. Tara, sabay-sabay nating basahin ang aking kwento ngayong araw.


Ang sining ay isa sa mga asignatura sa ating paaralan. Ito ay nagbibigay sa atin ng magandang pakiramdam kapag isinasagawa natin ito. Ito ay iginuguhit sa bond paper at bago ka gumuhit ng sining sa bond paper, ito ay kinakailangan mong lagyan ng tamang margin. Pagkatapos mong iguhit ang iyong sining, kulayan mo ito ng mga kulay na angkop sa iginuhit mo. Lapis ang ginagamit sa pagguhit ng sining sa bond paper. Para maging tama ang margin, ginagamit ang ruler bilang gabay.


Ang iba't ibang disensyo sa pagguhit ay nakakapagparelax sa ating isipan. Nagbubukas ito ng mga imahinasyon sa iba't ibang bagay sa ating Mundo na maaari nating iguhit. Ang bigat o gaan ng kamay sa pagguhit sa bond paper sa pamamagitan ng lapis ay nagtataglay ng imahinasyon sa iba't ibang mga likhang-sining. Ang buong puso't isipan mo sa pagguhit ng iyong sining ay mas makakatulong upang mas maging maganda at maging makabuluhan ang iyong sining. Nang dahil sa sining, maraming talento pa ang maaaring madiskubre.


Ang illustration board ay isa sa maraming mga kagamitan na maaari mong markahan ng iyong likhang-sining. Ikaw ay maaaring gumamit ng watercolor upang pintahan ang iyong likhang sining sa illustration board. Ang marker ay ginagamit upang linawan ang detalye ng iyong likhang-sining sa illustration board. Sa paglikha ng sining sa illustration board, isipin mo ang mga bagay na kapag iginuhit at pinintahan mo sa illustration board ay buong puso mong ikakasiya sa iyong puso't isipan na ito ay iyong iginuhit at pinintahan.


Maaari kang gumawa ng iba't ibang bagay tulad ng parol na gawa sa papel at ito ay iyong pintahan ng watercolor o iba pang mga pangkulay na babagay dito. Huwag kakalimutang gumamit ng dyaryo para hindi kumalat ang iyong ginagamit na pintura. Ang paggawa ng sariling disenyo ay mahalaga at kinakailangan upang mas maging kaakit-akit ang iyong sining. Tandaan mo na ang bawat tao ay may sari-sariling interpretasyon kung ano sa kanilang mga mata, mga puso at mga isipan ang ibigsabihin ng isang magandang likhang-sining. Basta ang lagi mong iisipin, gawin mo ang pinakamagandang likhang-sining para sa'yo.


Ang taong mahusay lumikha ng likhang sining, sa pagdating ng panahon, siya ay lalong magiging mahusay at magaling.


Maraming Salamat. God Bless.





Saludo Ako sa Mga Guro (PART 25-50-Original Duplicate Copy) (COMPLETED!)Where stories live. Discover now