Prologue

3.6K 77 11
                                    

“Yes, Pa. Dederetso na lang po ako diyan after nitong game.” Sagot ko kay Papa. Kalagitnaan kasi ng match ng Choco Mucho Titans at F2 Cargo Movers ay biglang tumawag si Papa sa akin. Pinapapunta niya ako sa dinner with a family friend.

“Okay, anak. Ingat ka mamaya ha? Enjoy the game!” Paalala ni Papa bago ibinaba ang tawag kaya naman tinago ko na din ang phone ko dahil 3rd Set na. 23 - 20, lamang ang Titans.

Serve ni Ate Ara, receive ni Ate Denden, set ni Deanna at pumalo na nga si Ate Cait and boom! Nagsigawan kaming lahat at napatayo. Titan wins!

“Titans, proud ako sa inyo!” Sigaw ko habang nagmamaktol si Kamille sa gilid ko, talo F2 niya eh. Idol niya kasi si Tyang Aby.

Inaya ko na umuwi si Kamille dahil dederetso pa ako sa resto kung nasa’n sila Papa. “Oy, Kamille, mag-ingat ka ha? Text mo ko ‘pag nakauwi ka na.”

“Sila ang mag-ingat sa akin.” Pagtataray niya pa. I just laughed at her at nagmaneho na papunta sa resto. Madali lang naman akong nakahanap ng space para sa parking kaya pinark ko na ang sasakyan at bumaba. I didn't have much time na magpalit ng shirt, okay lang naman. Proud naman akong fan ng Titans eh.

“Anak, here!” Nakita ko naman si Mama na kumakaway. I immediately walked to them and kissed them on their cheeks. “How's the game, anak? Nanalo ba ang idol mo?”

“Of course, Ma! Ang galing galing kaya nilang lahat, lalo na si Deanna.” Nakangiti kong sagot kay Mama. Naupo naman ako sa tapat ni Papa. “Pa, Ma, nasa’n ‘yung sinasabi niyong family friend natin?”

Napatingin naman si Papa sa main door. “Sakto, ayan na pala sila.”

I didn't waste my time to look at our family friend. Nagphone na lang ako at nag story sa IG ng mga video ko kanina sa game. Narinig ko na lang na may kausap sila Mama at Papa. Then, I felt someone sat beside me.

“Nako, kumare. Mabuti at nakarating kayo?” Rinig kong sabi ni Mama.

“Oo nga, Mare. Ito kasing si Sachi, may game kanina. Tinapos muna namin, and guess what?” Saad nu’ng kausap ni Mama na familiar ang boses. “Panalo sila!”

Nangunot ang noo ko nang mapansin kong kaboses ng Mommy ni Deanna Wong ang kausap ni Mama. Baka ka boses lang?

“Ah, Pare, Mare, ito ang unica hija namin ni Herna, si Ivy.” Pakilala ni Papa kaya naman nag-angat na ako ng tingin.

Wait.. what???


“Uy! Fan pala siya nila Sachi eh, galing ka din sa game, anak?”


Halos hindi ako makasagot dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Bakit nandito si Tita Judin? Ang mommy ni Deanna?

“Oo, Mare. Sobrang fan ‘yan ni Sachi. Masaya nga kami dahil itong mabait na batang ito ang iniidolo ni Ivy.” Sagot ni Papa. Wait, what the actual heck is happening?

“Sachi, say hi to Ivy. She is the daughter of your Tito Gilbert and Tita Herna.” Napatingin naman ako sa kinausap ni Tita Judin.

At halos malaglag ako sa upuan nang makita ko kung sino ito.


Ngumiti ito sa akin at kumaway. “Hi, Ivy. I'm Deanna– I mean, no. Kilala mo na pala ako.”

Hindi na ako nakasagot at kumaway na lang ako. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Nananaginip ba ako? Kinurot ko ang sarili ko at ramdam ko ang sakit nito. I am definitely not dreaming.

Tahimik lang ako habang kumakain kaming lahat at maski pagkatapos ay hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. Parang umurong ang dila ko dahil sobrang lapit ni Deanna sa akin. Pinagmamasdan ko lang siya habang nakikipag kwentuhan siya kina Mama. Her pointed nose, her lashes that are really long, her lips– ay grabe, napakapula! Ang kinis din ng balat niya, ngayon ko lang talaga siya nakita nang sobrang lapit.

“Hindi na kami magpapaliguy-ligoy pa, mga anak. May dahilan talaga kung bakit nagmeet tayong lahat.” Agad naman akong napalingon kay Papa. What is he saying? Bigla siyang bumaling sa akin kaya nagitla ako. "Ivy, anak, you're getting married."

“Bingi na ba ako o tama pagkakarinig ko na ikakasal na ako, Pa?” I asked, confusely. The last time I checked, wala namang nag propose sa akin. Heck, I don't even have a boyfriend or girlfriend.

He smiled sweetly at tumango. "Yes, anak ko. You're getting married in 6 months."

"How did that even happen? Wala akong jowa, Pa. No one even proposes to me." This is confusing me.

"Anak, hindi ba't you both promised these to yourselves when you were kids?" Sagot ni Tito Dean sa akin. Promised with who? "With Sachi, anak."

‘Yung pangungunot ng noo ko kanina ay napalitan ng panlalaki ng mata. How the heck did that even happen? Not that I'm complaining pero– hindi naman niya ako kilala??

“Dad, what are you saying?” Deanna asked confusedly too. Wala akong maintindihan, maski siya naguguluhan din.

Nagtawanan lang ang apat na matanda. Why are they laughing, what's so funny?

“Okay, para mas magets niyo.” Dagdag ni Tito Dean at tinuro kaming dalawa. “Siguro nakalimutan niyo na nga pero kami tandang tanda namin.”

Ang alin ba kasi?




“Deanna, meet Ivy, your fiancée.” Halos malaglag ang panga ko sa naririnig ko. “And you're both getting married whether you like it or not.”




WE ARE WHAT?!














[Disclaimer - e.g., "This is a work of fiction. Character names and descriptions are the product of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, is entirely coincidental."]

Unofficially Yours
Copyright © 2022 azideann

All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted, in any form or by any means-electronic, mechanical, photo copying, recording or otherwise without the prior written permission of the publishers.

Unofficially YoursWhere stories live. Discover now