"Tama ka Bea, hanggang dito nalang tayo." Wika nito bago buksan ang pintuan saka bumaba.

"Guys, gising na at nandito na tayo. Ate, gising na." Tinapik niya sa braso ang kapatid.

"Babe, nandito na daw tayo." Mahinang bulong ni Alyssa sa taenga ng asawa. Hindi parin kasi ito dumidilat ng mga sandaling iyon.

"Bei, tingnan mo ang ganda ng paligid oh?" Wika ni Richard, habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Bumaba na tayo para makita natin!" Wika pa nito at saka excited na bumaba. Bumaba na nga sila Richard and Bea.

Naiwan sa loob ng pick-up ang mag-asawa.

"Babe, wake up nandito na tayo. We need to get going na. Open your eyes." Muling inilapit ni Alyssa ang mukha sa gawi ng pisngi ng asawa. Ginagap pa nito ang palad ni Dennise saka pinisil.

"Hhmmm. Good morning!" Sa namamaos na boses ay wika nito, habang dahan-dahang iminumulat ang mga mata.

Ewan ba ni Alyssa pero right at that moment she finds her wife very adorable. Hindi tuloy niya napigilan ni na mapangiti.

"Good morning babe. Mukhang maganda ang naging tulog mo. Here drink this." Inabot niya dito ang isang bottled water.

"Thanks babe." Mahina nitong usal bago iyon inumin.

Minutes after that, bumaba narin ang dalawa at sumali na sa grupo.

Before umpisahan ang mahaba habang lakaran nagsagawa muna ng isang briefing ang mga sundalo. Muli nilang ipinaalala sa lahat ang ilang importanteng bagay na may kaugnayan sa gagawing paglalakbay. Mga do's and dont's na kailangang sundin ng bawat isa para sa kaligtasan ng buong grupo.

Ngunit bago pa man sila makaalis muli na namang nabawasan ang kanilang bilang.

Sa kadahilanan walang maiiwan para magbantay ng mga sasakyan minamuti nalang ni kuya Nono na magpaiwan.

Pwede naman sana nilang iwan nalang ang mga sinakyang bihikulo sa isang kakilala ni kuya Nono ngunit napagtanto nilang mas mainam kung may maiiwan talaga para tingnan at bantayan ang naturang mga sasakyan.

Sa utos narin ng opisyal isa sa mga sundalo ang nagpaiwan para samahan si kuya Nono. Sa bahay ng kakilala ni kuya Nono sila pansamantalang manunuluyan hanggang sa makabalik ang grupo.

Ayon kay Beatriz tatlong araw at dalawang gabi lang naman daw silang mamamalagi sa bundok.

Katulad ng sinabi ni kuya Nono, mayroon ngang mga kalalakihang bumaba mula sa bundok para sumalubong at maghakot ng mga bagay na mula sa grupo nila Bea.

Bandang alas syete ng umaga matapos makapagkape ay nagsimula ng lumarga ang grupo.

Nauna ng maglakad ang may sa limang kalalakihan, nakasunod sa kanila ang dalawang sundalo, kasunod sila Richard at Russ. Then ang opisyal(Chief Master Seargent Malonzo), si Bea, si Dennise, si Alyssa, si kuya Rudy, nasa hulihan ang tatlong natitirang military escorts.

Good thing, maaga pa ng nga panahong iyon kaya hindi pa masyadong mainit at masakit sa balat ang sikat ng araw.

Nalaglag ang panga ni Dennise ng malamang humigit kumulang limang oras pa ang kanilang bubuunin bago marating ang kumunidad ng mga katutubo.

Si Alyssa bilang isang laking probinsiya at batak sa trabaho ay yakang-yaka ang may kahabaang lakad. Pero katulad nga ng nabanggit kanina, ibang usapan na pagdating kay Dennise.

But Den's always a fighter. Hindi ito basta basta nagpapatalo. Lalaban ito sa abot ng kanyang makakaya. Dala ng kaisipang iyon ay napanatag ang kalooban ni Alyssa. Pati na si Beatriz malakas ang paniniwalang kayang pagtagumpayan ng kanyang ate Den ang naturang challenge.

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now