Pero saan nga ba talaga ako pupunta?

Suddenly, some place popped in my mind kaya napangiti ako. Alam kong nagtataka si Leira sa ngiti ko pero hindi ko na pinansin. Nag-ayos na lang ako, nag-palit ng damit, from oversized white shirt and purple hello-kitty pajama to a simple black shirt with a 'Loser' imprinted at the front and a 3/4 denim pants. Naligo na naman ako kanina so this will do. Mas comfortable kesa sa lavender colored dress na yon. Not my kind of style.

Nagpaalam lang ako kay nanay felicidad na pupunta sa mall at naghabilin na din para sa mga darating na 'visitors' kung sakaling hanapin ako. Paglabas ko nadaanan ko ang garage at nakita ko si kuya Jerry na parang may kinukumpuni sa ibabaw ng sasakyan niya kaya lumapit ako.

"Good afternoon, kuya Jerry!" Masiglang bati ko. Napatingin naman siya sa akin at nginitian ako. Mind you, naka pants lang siya at walang damit pang-ibabaw. Sigurado pag nakita ito ni Berry pagpipiyestahan niya na naman picture-an si kuya.

Pero nakakapagtaka na nasa bahay lang si kuya ngayon? Hindi ba siya pupunta sa 'trabaho' niya? I mean the other one? I smirk at the thought.

"Oh? may lakad ka?" Tumango lang ako while smiling. Hindi ko gawain ang ngumiti, as all they know, pero kung hindi ako ngingiti ay matatawa ako dahil sa mga naiisip kong 'what ifs'. Kung ano man yon, malalaman niyo rin later on. Sa akin nalang muna iyon.

He insisted na ihatid ako pero umiling lang ako at sinabing gagamitin ko ang sarili kong kotse. Marunong naman ako mag-drive kasi tinuruan ako ni Papa when I was 15 years old. Nung nakasakay na ako ay napatingin ako sa rear-view mirror at nakakita ako ng anino ng apat na papalapit sa bahay at nung nakita ko na talaga ng malinaw at nagmamadali kong binuhay ang makina at pinaharurot papunta sa direksyon na naisip ko kanina.

Sa 'Triangle Park' na napuntahan namin ni Liam last time, and also where I saw those 3 children na naliligo sa sarili nilang dugo.

****
MIGUELLE/MIG

As soon as my class finishes nagmadali akong makapunta sa harap ng gate ng PSA, nakita ko na ako na lang pala ang hinihintay nila Mami.

Pupunta kami sa bahay ni Kayla kasi nag-aalala kami kung bakit hindi siya pumasok ngayon. Hindi niya rin kasi sinasagot ang mga calls and texts namin kaya naisip namin na baka may sakit siya.

"Guys!" Kinawayan ko sila kaya nakuha ko na ang atensyon nila. Kaming apat lang na babae kasi ayaw namin isama ang mga boys. Kaya nga tinext ko kanina si Kelly na hindi na ako magpapasundo sa kanya at alam niya na naman kung bakit. About my twins? May taga-sundo't hatid na sila kaya wala naman akong problema pero hindi naman ako yung irresponsible mom, siyempre bunga ng pagmamahalan namin ni Rio ang kambal kaya mahal na mahal ko ang mga yon.

"Ready na?" Tanong ko. Tumango naman sila kaya nagsimula na rin ang lakad. 10 minutes passed at malapit na kami sa gate nila. May nakita pa nga akong blue BMW M na kotse sa harap nila eh. Siguro bisita.

"Kotse nila kayla yon, di ba? Nakita ko na yon sa garage nila eh.." Napatingin kami kay Berry na biglang nagsalita. So, kotse nila kayla yon?

"Baka nanjan ang parents ni kayla? So that's why hindi siya pumasok. She misses her parents at alam na alam ko yon dahil ako ang BFF niya! Hihihi~" minsan talaga nawi-wirduhan ako kay Mami. Para siyang may sapi? Iba-iba ang tawa niya eh. Minsan hohoho tapos ngayon hihihi. Ano yon? Duwende?

Hindi ko namamalayan na nasa papasok na kami at doon nakita namin ang hindi dapat makita. I mean, si Jerry kasi naka-top less na naglilinis ng sasakyan. Napatingin agad kami kay Berry na may sparkle sa mata at parang tutulo na ang laway sa pagnganga.. nga pala, crush niya ang lalaki.

Pero alam niya naman yung totoo tungkol kay Jerry, di ba? That doesn't matter to her? "It doesn't matter, Ate mig.."

Napatingin ako kay Kamil. Paano niya nalaman? "How did I know? Go figure." Tapos nauna na siyang maglakad palapit doon.

Kung weird si Mami, misteryoso naman si Kamil. Siya lang sa grupo ang hindi ko pa nakikitang magsalita ng mahaba at parang lahat ng sabihin niya parang riddle na mahirap sagutin at nakakatakot din siya, in a way. Kasi parang mind-reader siya. Pero I know that there's kindness in her. Ayaw niya lang siguro ipahalata.

"Oh? Napadaan kayo dito? Akala ko pa naman kasama niyo si Kayla."kunot-noo kaming lumapit sa kanya.

"Kung kasama namin siya hindi kami pupunta dito. So, saan siya nagpunta, kuya?" Tanong ni Mami. Sa expression ni Jerry mukhang hindi niya rin alam.

"Hindi ko rin alam. Wala naman siyang sinabi bago umalis eh.. teka, hindi niyo ba nakita jan sa labas? Kakaalis niya lang kaya alam kong maabutan niyo pa."

"Wait, yung kotseng blue.." Tumango naman siya. So I was right. Si Kayla yon.

Saan kaya yon pumunta? Come to think of it, marami pa akong hindi alam sa kanya kahit na isang taon na kaming magkakakilala, except the fact the she can see and talk to ghost.

Matamlay na umalis nalang kami at umuwi.

****

SOMEONE

"Kuya! Ang daya mo!" I pouted at him at nakasimangot. Nagtataka naman na tinignan niya ako. Sus! Nagmaang-maangan pa!

Pinag cross niya ang arms niya na tinignan ako. "Ano naman ang ginawa ko? Tell me princess." Napangiwi ako. Ayoko ng tinatawag akong princess, masyadong pambata.

I'm already 19 years old, at hindi na ako baby o princess! Queen nalang dapat itawag sa akin.

"Hindi mo sinabi sa akin na nagkita na kayo ni Rod! That's what you did! Ang daya talaga." Yung gentle expression niya kanina naging fierce at napa-close fist pa. Hay.. hanggang ngayon ba naman?

Galit pa rin siya sa lalaking mahal ko. Hindi naman si Rod ang may kasalanan eh.. ako ang mali. Iniwan ko siya at binigyan ko siya ng reason na kamuhian ako.

Niyakap ko nalang si kuya at naramdaman ko naman na parang na-tame ko ang tigre.

"Talaga bang mahal mo ang bakulaw na yon?" I laugh at what he called him. Bakulaw daw hehehe.

"Kuya, hindi siya bakulaw and yes, I love him. Still." Kumalas na ako sa pagkakayakap pero para lang makita ko siya.

"Paano kung malaman mong may iba na siyang mahal? Would you still love him? Would you still go to him?"

I didn't move and I didn't say anything. Nakatahimik lang ako na parang naestatwa sa kinatatayuan ko. Hindi ko naisip ang ganyang possibility and that's stupid of me. Pero kung ganon nga ang mangyari?

I smiled at my own thought.

I look at my kuya. "Yes kuya. I would still go to him and still love him. Alam kong hindi niya ako basta makakalimutan kasi pinangako niya sa akin yun...

at sa kambal ko.."

Naging stiff siya sa sinabi ko kaya agad kong napalo ang bibig ko. Shit! Stupid mouth! Why did I say that?

"Sorry kuya.." Nakayuko kong bulong enough for him to hear.

Pero instead na sagutin ako, umalis siya bigla at pumasok sa kwarto niya..

Hayy!! Me and my big, stupid mouth!

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now