Hindi ko siya pinansin. Wala siyang kwenta! Makapagdikta akala mo alam niya ang nararamdaman ko!

Kakatayo ko pa lang mula sa pagkakabagsak nang isa-isang nasipabagsakan ang mga tao sa paligid ko. Hindi ko alam kung nanaginip lamang ako ngunit nakapikit na ang ilan sa kanila at kusa na lamang bumubulagta sa sahig.

“Pusanggala! Anong nangyayari?!” Hinanap ng paningin ko si Jahm at Jorja. Gaya ng iba, wala na rin silang malay. “What the hell?”

Lalapitan ko na sana silang dalawa nang mapatigil ako. Malamig na bagay ang naramdaman kong dumikit sa aking batok. I got frozed.

“Baka nakakalimutan mo, Rosane. I'm also here and hindi lang siya ang kalaban mo!” Humalakhak ng sobrang lakas si Perus. “Tagal kong hinintay 'to… Makakaganti na rin ako sa ginawa mong pagbasag sa mukha ko! You crazy bitch!”

Umirap ako't ngumisi ng matunog. “May natira ka pang ngipin. Hayaan mo at tatanggalin ko rin 'yan mamaya.”

“Hindi na 'yon mangyayari dahil mamamatay ka na!”

Kung papayag ako, gago!

Someone fired a gun two times again. Napapikit at napatalon ako sa gulat. Naroong nanginig ang buo kong katawan pero hindi ko ininda iyon. Nahagip ng paningin ko ang isang baril sa bulsa ni Ariess kaya minadali kong kinuha iyon at pinaputukan si Persus sa balikat niya.

Kinalabit ko ulit ang gatilyo ngunit nanginig ang kamay ko at hindi naging malinaw sa paningin ko kung saan tumama ang bala dahil bigla akong napaluhod sa sakit.

“Pusa…” nanlabo ang paningin ko agad-agad matapos makaramdam ng pagguhit na sakit sa aking dibdib. “A-Ano 'to?”

My hands started to tremble when I saw an arrow stuck in my chest. My eyes grew bigger.

“Sawsawero ka, Mr. Bartolome. Uunahan mo pa akong patayin 'yang bata na 'yan!” matinis na halakhak ni Mrs. Alegre ang nangibabaw. She turned it off the music. “Oh, you're the one last man standing. So brave are you, congratulations, Miss Rosane Avera Beindz!”

Sinubukan kong hanapin si Asher sa paligid ngunit wala na siya rito. Nasaan na ang isang iyon? Kani-kanina lang ay nandito ay inaaya akong umuwi.

“Don't move, hija! Kapag gumalaw ka, tatamaan ka ulit nito!” she mockingly laughed. Pinakita pa ang dalang mga palaso. “I want to inform you, hija. Ang mga palasong ito ay merong lason na siyang ikahihina ng pagtibok ng iyong puso. Wait for more minutes, your heart will automatically stop beating.”

“D-Demonyo ka!”

“Oh! It's your wish right, hija?” Nakakairita ang pagngiti niyang iyon. “Didn't you say you wanted to die? I'm here. I'm gonna make it for you. My pleasure to kill you, Miss Beindz. I can't wait for it!”

“Mrs. Alegre!”

“Mr. Aeñoso! Nakalimutan ka nariyan pala!”

I gulped when I saw him. Nagngitngitan ang mga ngipin ko. Dalawang tao ang nakahawak sa kaniya at mga dambuhala pa!

Kingina! Ano ba ang ginagawa niya rito? Paanong nalaman niyang nandito ako? Kainis naman!

“Gariel Aeñoso, gusto mo rin bang sumunod sa kakambal mo at ang lakas ng loob mong tumapak sa paaralan ko matapos mong tangkain sunugin ito!”

Pusanggala! Sinubukang sinugin ni Gariel ito? Nginamo, Gariel! Ang bait mo!

Gariel smiked. “Marami kang perang nakurakot. Hindi na masakit sa 'yo kung magtatayo ka ng bago.”

“You and your accusation! Dadalhin ka niyan sa kamatayan, I swear!” Pinagbuntunan niya ang loko-loko at nawala ang atensyon niya sa akin. “Like your twin brother! Matabil din ang dila kaya ayon, nananahimik na sa langit ngayon.”

MADNESS IN LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon